Chapter 7

55 6 0
                                    

CHAPTER 7:

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

Pebrero 10, 2010 , 8:00 ng umaga, kinausap ni Melanie si Dr. Sato.

Melanie: Doc, bakit hindi pa rin po gumigising si Marco?

Doctor: Trust me, he will wake up soon , he will be fine. He just had an acute head injury.

Melanie: Salamat po Doc.

Doctor: Sige po Misis, tawagin niyo na lang po ako agad pag nagising na siya.

Otep: Hayyyyyyyyyy! ang sarap ng gising ko! (napatingin siya kay Marco)

Otep: Aling Melanie!

Melanie: Bakit Otep?!

Otep: Mukhang magigising na po si Marco!!

Melanie: Marco!!!!!

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Dahan-dahan kong idinalat ang aking mata ngunit agad akong nasilaw sa liwanag, pero sa tingin ko normal na yun sa bagong gising ehh, nasisilaw din. Pero iyon na yata ang pinakamahaba kong tulog, masarap na hindi ko maunawaan. Nakakaginhawa din naman. Agad akong nilapitan ng aking nanay, ang pinakauna kong nakita ay ang kanyang mukha, tila ba isinilang ako sa pangalawang pagkakataon. Kakaibang saya ang naramdaman ko. Pero nakita ko lumuluha ang aking ina,pero hindi dahil sa lungkot, dahil sa saya. Hindi lang ang aking ina ang lumapit sa akin. Sinalubong din ako ng mabahong hininga ni Otep, tila ba gusto akong patulugin ulit pero natiis ko naman, kaya ko ngang tiisin yung baho ng kanal at sa tingin ko kayang-kaya ko ding tiisin yung baho ng hininga ni Otep. Nanghihinayang nga lang ako hindi naging upside down yung view ko, ganoon daw pag bagong silang, wala lang trip ko lang, tapos black and white daw, pero ok na din, colored pa rin at upright ang nakita ko sa aking pagdilat. Napansin ko na tulog pa din si Baby Angel at si Tatay. Sa pagkadilat ko pa lang, alam kong ospital ang kinalalagakan ko, wala naman akong ibang alam na ganoon ang attributes.Sentido komon na lang ang ginamit ko, alam kong nasa ospital ako. Alam ko din na kaya ako naroon ay dahil nasagasaan ako ng isang bulok na kotse na humaharurot. Hindi ko man nakita ang mukha ng driver, ramdam ko na iyon ay mukhang tipaklong. Ramdam ko din na may nakapulupot sa ulo ko. Pero wish ko nun na sana hindi akomukhang Muslim. Hindi bagay kay Coco Martin ang maging mukhang Muslim. Hindi ako nag-dediscriminate, hindi ako naglalagay ng malalaking gaps among different religions. Pare-parehas lang naman silang sumasamba sa Diyos kaya lang sa iba't ibang paraan. Malawak na ang nalakbay ng aking imahinasyon at masaya ako na hindiman lang ako nagkaroon ng Amnesia, malinaw na malinaw ang memory ko at tanda pa ang mga nangyari, buti naman, hindi ako nagaya sa mga bida ng iba't ibang teleserye. Sinimulan ko nang magsalita.

Ako: Marco David Jimenez is back! Nanay, basag na ba bungo ko? Sana hindi pa.

Nanay Melanie: Anak, pinag-alala mo ako nang labis.

Ako: Hindi ko po kayo iiwan Nanay, pangako ko po yan, natulog lang po ako.

        Ramdam ko ang haplos ng Nanay ko sa mukha ko, mga Nanay talaga ohh, mas nagmukhang si Nanay yung naaksidente dahil sa gulo ng ayos ng itsura niya. Ang laki ng eyebags niya na nagmukha din siyang estudyanteng nag-mamasteral's degree na gumagawa ng thesis. Hinawakan ko ang kamay ng aking Nanay.

Ako: Nanay, salamat po, (unti-unting tumulo ang aking luha, agad na pinunasan ito ni Nanay)

        Inakala ko na hindi na ako aalagaan ni Nanay ng ganoon sa paglaki ko. May benefits din pala ang pagka-aksidente ko, mas naramdaman ko pa ang pag-aaruga niya. Ganoon daw talaga sa isang pamilya, nagdadamayan sa tuwing lumalagapak ang isa.

Nanay Melanie: Saglit lang Marco, pupuntahan ko lang si Dok. (Paalis na si Nanay pero parang ayaw niya pang bitiwan ang aking kamay, pero hindi naman siya pwedeng umalis na hindi kasama ang kamay niya, hindi magician si Nanay, di tulad namin ni Eunice)

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon