CHAPTER 70:
Lenaiah's Hell
MARCO'S POINT OF VIEW:
Ang creepy, ang scary , pagkabukas ng pinto, sa baba ako nakatingin. Ang creepy, ang scary, normal kasi na nakatungo ako kapag kumakatok sa pinto, marahil, minamasdan ng aking mga mata ang alikabok na lumalabas dahil sa mga hakbang ng paa mula sa magbubukas. Ang creepy, ang scary, nakita ko sa maputi niyang paa na may bandage. Hindi lang basta bandage, may blood pa din dun sa bandage, makapal na makapal yung bandage. Ang creepy, ang scary, ngunit nung nakita kong si Lenaiah ang nagtataglay nito, labis ang lungkot na naramdaman ko para sa special friend ko, hindi ko kayang makitang nasusugatan si Lenaiah.
Ako: Lenaiah? , Anong nangyari sa paa mo?
Lenaiah: Wala ka nang pakielam doon. Anong ginagawa mo dito!!?
Ako: Patuluyin mo naman ako Lenaiah, ako , pinatuloy kita samin, Hahahah joke.
Nakapasok na ako, yes, tapos magkatabi kami ni Lenaiah sa couch na nakatapat sa patay na TV.
Lenaiah: Marco..... Bakit ba kasi ganyan ka? Hayaan mo na lang ako... (blangko ang emosyon)
Wala na. Yung pambihirang ngiti na napagmasdan ko ay hindi ko na nakikita kay Lenaiah.
Ako: (hinawakan ko sa mukha si Lenaiah) Lenaiah, my second UP friend, my special friend,my bestfriend, alam mo naman ang layunin ko ang bigyan ng kulay ang mundo kaya sabihin mo na sakin kung anong problema mo?
Napatingin ako sa kanyang mga mata at napansin ko , na namumula ang corner ng right eye niya , as in pulang pula, tila rin ba, may namuong pasa dun sa right eye niya. Nadapa ba ito? LAMPA.
Lenaiah: (nilapat yung mukha niya sa balikat ko)
Ako: Lagi akong nandito para alagaan ka Lenaiah..
Lenaiah: I know.... You don't have to say that over and over again. (yung boses niya na parang nanghihina)
Ako: Ehh anong nangyari diyan sa paa at mata mo?
Lenaiah: Nadapa lang ako...
Ako: Hahaaha lampa ka pala ehh, yan ang napapala mo kapag napapalayo ka sakin!! Haahaha
Lenaiah: Naiinis ako sa'yo , gusto kitang hampasin ng pala.
Ako: Grabe ka friend!!
Lenaiah: Hindi ko magawa kasi alam mo naman na ikaw lang ang hindi ko kayang saktan nang sobra.
Iba talaga ang nararamdaman ko, matagal ko nang nararamdaman ito, ang bigat at hirap na dinaranas ni Lenaiah.
Lumipas ang isang oras at nablangko ang substance na nasa loob ng bungo ko, ang utak ko. Medyo naubusan ako ng madaldal kay Lenaiah. Habang nanonood kami ni Lenaiah ng TV niyang world class, may binalita sa TV tungkol sa mga prostitute kung saan ipinagpapalit nila ang kanilang dangal para sa salapi. Ikinainit nito ang ulo ko, puro ganito na lang ang mga balita. Pati pa yung mga babaeng nagbebenta ng kanilang katawan, hindi na nila ginalang ang kasagraduhan ng kanilang mga sarili. Magkatabi kami sa couch ni Lenaiah at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko habang nanonood. Dahil masyado kaming tahimik , naisipan ko na ibuka ang bunganga ko at dumaldal para i-share ang thoughts ko.
Ako: Maduduming uri ng mga babae! Pinagkakalulo ang sarili kapalit lamang ng salapi. Madami akong kilala na naghihirap pero hindi kumekembot patungo sa maduming landas. Mga prostitute, maduduming uri ng babae. Mapatawad sana nila ang sarili nila sa ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomansaBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...