CHAPTER 57:
Inside Beauty
August 23, 2010, Tuesday, UP Diliman
Unibersidad ng Pilipinas. Heto ako, naglalakad, wala naman akong car papuntang Palma Hall. Sapat lang ang budget ko at nanghihinayang ako sa pagsakay sa jeep. Kung kaya ko lang sanang lumipad, lumipad na ako kaya lang wala naman akong wings. Madaming wala sa atin pero napagmasdan mong maiigi ang paligid mo, ang mga bagay na wala ay napupunan ng mas mahahalaga pang mga bagay. Ako, lagi akong nagdadalamhati at nagdaramdam sa mga taong wala sa piling ko, kay Eunice Alcantara, kay Marvin. Napupunan naman ang kulungkutan kong ito nang isang kaibigan ko ngayon . Kung tutuusin nga, halos lahat nang nakapaligid kay Lenaiah ay iniisip na sobrang sama niya , kinamumuhian siya pati nga ako dumating sa puntong iyon pero hindi ko siya susukuan dahil kaibigan ko siya. Sa unang beses na makilala si Lenaiah, siguro, ang normal na iisipin ng mga tao ay isa siyang demonyita. Sapat na ba ang mga nakikita natin para husgahan ang isang tao, sa palagay ko , hindi. Para makilala mo ang isang tao, aabutin pa siguro ng isang lifetime, pero para husgahan sila , kayang abutin nang maski isang minuto. Sa paglalakad ko ay napahawak ako sa kwintas na bituin ko, sumisidhi ang pagka-miss ko sa pinakamamahal ko, pinakamagandang likha ng Diyos, Eunice Alcantara. Kinokontra ko ang sarili kong paniniwala na hindi dapat mag-focus sa mga wala sa piling mo kundi sa mga nandiyan palagi sa paligid mo. Bakit ko hindi ito magawa? Dahil mahal ko si Eunice, mahal na mahal ko siya. Wala sigurong life lesson o adviser ang makapagtuturo sa akin kung tatanggapin ko na lang ang katotohanan na ayaw sa akin ni Eunice at dapat ko na lang itong tanggapin at mag-fo-focus na lang ako sa mga nandiyan lang sa paligid ko. Yun ako, isang magulong tao, hindi ko alam kung ano ang susundin ko, lagi akong napapagitna sa dapat at hindi dapat. Napatingin ako sa langit , napadasal, "ituro niyo po sa akin kung anong dapat kong gawin, miss na miss ko na si Eunice pero pinagtatabuyan niya po ako , ano pong gagawin ko Lord." . Pumasok ako sa loob ng Palma Hall na muli ay punung-puno ng pagtataka.
Sa loob ng Comm3 class ay kumpleto na kami bukod kay Lenaiah. "Ha? ,Lenaiah!! Wala ka na naman!! Absent , hay nako Lenaiah, makakasama talaga sa'yo yan. Pumasok na rin ang Comm3 Professor. Buti na lang at college na ako, hindi tulad nung Elementary at High School na tatayo nang sabay sabay at magsasalita ng "Good Morning Ma'am!". Kahit sandali ay hindi ko nagustuhan ito dahil parang mga robot lang ang mga estudyante kung saan naka-program sa kanila na kailangan mong batiin ang guro kapag papasok na sila. Ibig sabihin, hindi bukal sa puso ang pagbati ng mga estudyante, ang gusto ko sa mundong ito ay kung saan totoo sa puso ng bawat isa ang sinasabi nila at hindi dahil kailangan lang nilang sumunod sa isang sistema. Kung sa bagay, ang mundong ito ay hindi aayon sa disenyong gusto mo, hayyy, mag-focus na lang ako sa engineering designs. Dahil sa pagpasok ni Mr. Lumibao sa classroom ay napansin ko na blooming na blooming siya ,yun gustong-gusto ng puso ko na batiin siya.
Ako: Hello Sir! Good Morning!!
Nagtawanan ang buong klase, hindi ko alam ang dahilan ng pagtawa nila , hindi naman ako nag-jo-joke. Sinabi ko lang naman ang totoong gustong sabihin ng puso ko at walang masama doon.
Mr. Lumibao: Good morning Mr. Bautista.
Ako: No sir, I'm Mr. Jimenez.
Mr. Lumibao: Ohh Sorry, I have so many students kasi. Hmmm... Mr. Jimenez, you seldom talk in this Comm3 Class, do you regret choosing me as your professor?
Ako: Hindi po Sir.
Mr. Lumibao: Speak in English please.....
Buong klase: Hahaha
Ako: No Sir, I don't regret it.
Hindi ko alam kung bakit nagtawanan ang buong klase. Pero nung nagtatawanan sila, napatingin ako sa unicorn na si Arthur at tumatawa din siya pero napatigil din siya nung nakita niyang naasulyap ako sa kanya, natakot yata sa lumilipad kong suntok.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...