CHAPTER 5:
EUNICE'S POINT OF VIEW:
Lumipas na naman ang isang araw, pero hindi pa din nawawala ang sakit na nararamdaman ko buhat sa ginawa ni Marco. Gumawa na lang ako paraan upang libangin ang aking sarili. Sinubukan kong tanggalin sa isipan ko si Marco subalit patuloy pa din ang pagtakbo niya sa isipan ko. Bago ako pumasok sa eskwela, naglibang muna ako.Binuksan ko ang telebisyon at nagkataon naman na pagkabukas ko, commercial ni Coco Martin ang nakita ko,napangiti ako.
TV COMMERCIAL:
Coco Martin: Hmmmm. lasang caramel , yun oh, yummy .......
Bumalik sa isipan ko yung baduy na panggagaya ni Marco kay Coco Martin. Noong Nobyembre 17, 2009; 3rd year high school palang kami noon. Inalok ako ni Marco na mamasyal sa Parke malapit sa kanila,sa brgy. San Luis. Hindi ako nakatanggi nun, kaya naman gumawa ako ng paraan upang hindi ako mapagalitan ni Mommy. Kinuntsaba ko si Monique na siya ang kumausap sa Mommy ko at sabihing gagabihin ako dahil kailangang gumawa ng isang group project. Dahil sa husay ni Monique sa pag-arte, naniwala ang Mommy ko at iyon, tuwang-tuwa ako dahil magkakasama kami ni Marco. Pagkatapos namin mag-tour, umupo kami sa isang bench. At inilibre niya ako ng gulaman, at ginaya niya na naman si Coco Martin.
Pagkainom niya ng gulaman.
Marco: Uhmmmmmm.. Lasang Caramel, yun oh, yummy!!
Ako: Ang baduy mo, kotongan kita diyan ehh. Lasang caramel ba yan eh gulaman yan ehh!..
Marco: Nagpa-practice lang ako para sa next Nescafe' commercial ko, ano ka ba naman, kailangan din namang mag-praktis ng isang tulad ko no!
Ako: Hay naku, ewan ko sa'yo..
Marco: Tingnan mo nga ako, tatalikod ako sa'yo tapos dahan dahan akong lilingon, tingnan mo nga kung mala-Coco Martin na. (iyon , tumalikod siya agad)
Ako: Hayy naku, oh sige bahala ka.
Dahan dahan ngang lumingon si Marco, at sa paglingon niya, hindi ko naman na-imagine yung sinasabi niyang mala-Coco Martin niyang itsura mas napansin ko na may "cuteness" din pala siya. Hindi ko napigilang mapangiti.
Marco: Coco Martin ba, ikaw ahh, napopogian ka sakin ah , bakit ka nakangiti?
Ako: Ewan ko sa'yo! Pangit mo!
Marco: Ehh bakit ka naman napapangiti, ikaw ahh, na-iinlove ka na talaga.
Natahimik ako nung sinabi niya iyon. Ayaw ko pa nung pag-usapan ang mga ganoong bagay kaya minabuti ko na lamang na ibahin ang usapan.
Ako: Kumusta na kayo ng pamilya mo?
Marco: Ayos naman, may konting harmony naman.... Malungkot pa din ako sa bahay.
Ako: Ehh bakit naman Marco, no offense, dahil ba medyo mahirap ang buhay niyo? Hindi naman kailangan ang maging marangya sa buhay para sumaya.
Marco: Siguro, isa na rin iyon sa mga rason.
Ako: Nasasaktan ka pa din ba sa taong nang-iwan sa iyo? Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa kanya.Hayys , kahit anong info, wala kang nabanggit , nakakaasar ka.
Marco: Yun...... wala na akong pakielam sa kanya , sarili niya lang ang mahalaga sa kanya, hindi siya tumupad sa pangako niya... Ayaw ko siyang pag-usapan.
Mula noon pa, isang bagay lang ang hindi sinasabi sa akin ni Marco, ang tungkol sa taong iyon. Ang tanging alam ko lang ay kinamumuhian niya ang taong iyon.Yun lang, wala akong ibang alam na detalye tungkol sa taong iyon. Natahimik na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomansaBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...