Chapter 2

121 9 4
                                    

CHAPTER 2

Marco's POINT OF VIEW:

         Pagkatapos ng usapan namin ng mahal kong nanay,umalis ako upang tumungo  sa mga tropa ko sa tambayan. Wala naman kasi akong ibang malapit na kaibigan sa aking mga kaklase noon, mahaharlika kasi sila, hirap na hirap akong makibagay. Sa bagay, nabiyayaan lang naman kasi ako ng high school scholarship doon sa University of Perpetual Help (Perps). Laking tuwa nga ng mga magulang ko nang bumisita sa bahay namin yung executive ewan nila. Hindi ko na rin maalala kung anong tawag sa taong yun ehh, basta may word na "executive" doon sa title niya. Umiyak nga ang nanay ko nang malaman yun ehh, yung feeling na wala kang gagastusin sa high school mo sa isang prestigious pang paaralan. IBANG KLASE. Lubos ang pasasalamat ko sa Maykapal. Hindi rin naman ako ganoon katalino, sa tingin ko, ako ang pinakabobo sa mga estudyanteng above average ang IQ.......

        Dumaan ako sa tindahan ni Aling Estreng, nagpa-load ako, nagpapasa-load ako ng limang piso. Iniabot niya sa akin ang cellphone subalit napansin ko na ang kamay niya ay punung-puno ng mga nakabukol na ugat. Iniabot niya ang cellphone habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Nasa isip ko noon, "Pasmado talaga itong si Aling Estreng, nagmumukha tuloy siyang laging nakukuryente, kawawa naman ang kanyang kalagayan.Walang kuwenta kasi ang mga anak niya, iwan ba naman siya, pagkatapos ng ilang taon niyang paglalaba, pagpapalantsa, paglilinis ng bahay,etc. -- in short , PAGMAMAHAL at PAG-AALAGA. Walang pinagkaiba ang kanyang mga anak sa kapatid kong tinuring kong Kuya, si Marvin. Si Marvin, ayoko na nga siyang isipin!Kung ako ang pinakabobo sa mga above average ang IQ,siya naman ang pinakamatalino sa mga above average ang IQ. Pero walang kuwentang kapatid yun,iwan at ipagpalit ba naman ang kanyang pamilya para sa mga pansariling hangarin. Ayoko na siyang isipin pa.Isa lang siyang makabasag-bungong gasgas ng aking kahapon.". Pagkatapos kong magpa-load,nanggigil nanaman ang daliri ko na i-text ang pinakamamahal ko, ang pinakamagandang likha ng Diyos, Eunice Alcantara!

Tinext ko siya at ito ang nilalaman ng palitan namin ng text messages.

Ako: Gud Morning Eunice! Kcng ganda mo ang umaga!  :)Hehehehe, sna gcng ka na at       nag- toothbrush na ,puyat ka kc ng puyat sa kaka-computer. >.<  May supresa aq sau mmaya!

Eunice: Nakuh, good morning din :) ang aga aga, nang-aasar ka na naman >.< Kung may surprise ka dapat hindi mo sinabi, surprise nga diba? kotongan kita diyan ehh! PAANO akomasusurprise niyan? (Namamangha talaga ako noon kung bakit mabilis mag-reply si  Eunice, kumpleto pa yung words niya, hindi siya mahilig mag-shortcut, yun siguro benefits ng tablet ang gamit, rich kid.)

Ako: Kc, nakaka-supresa talaga toh, pwamis!! :) pra atlis alm mo na may supresa aq, di ka      mabbigla

Eunice: Ang kulit mo! SURPRISE nga diba, yang mga ganyan dapat hindi mo sinasabi sa mga taong susurpresahin mo! tsk tsk .. weak naman..mag-aabang tuloy ako niyan.. kumain ka na ba ng agahan? O.o wag ka papalipas ng gutom ahh .. :)

Ako: Hndi pa, pero bsog na aq dhil nag-text ka. :D

Eunice: Hayy nakuh ,ewan ko sayo... hahaha Pwedeng magtanong? O.o

Ako: Dpat tinanong mo na pra di nasayang tohng text na toh,5 messages lang ito. Sayang tuloy.

Eunice: Anong gagawin ko? O.o Ang sakit ng ulo ko Marco :( bakit ganito?? O.o

Ako: I-blow q via txt msg.... blow..... oh, yn ok ka n? .... 

Eunice: Salamat Marco! ok na!!.. :) Nawala na kaagad :)) :D salamat ng marami .. ingat ka :) 

         Yan ang pinag-usapan namin, nais ko pa sanang mag-reply at sabihing ,"Salamat lang?, wala bang I LOVE YOU diyan?".Wala na kong load atsaka sa tagal na naming magkasama, wala pang nagsasabi sa amin ng '"I LOVE YOU" sa isa't isa. Sa tingin ko kasi hindi naman ang pagsasabi ng "I LOVE YOU" ang pinakamahalaga kundi ang pagpapadama nito.Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko at napansin kong 8:42 pa lang. Naisip ko na masyado pala akong excited, wala pa naman yata ang mga tropa ko sa tambayan. Pagdating ko sa tambayan, humiga muna ako at muling nagbalik tanaw. Naalala ko noong 3rd year kami ni Eunice, nagpapagawa ng Valentine's card ang English teacher namin. Agad na pumasok sa aking isipan na ang pagbibigyan ko nito ay si Eunice.Syempre,naisip ko din noong panahong iyon na  ang pagbibigyan niya noon ay ako din. Alam na alam ko namang crush na crush niya din ako.Ang GUWAPO ko kaya. Iyon ang dahilan kaya sinikap kong pagandahin ang aking ginagawa. Namroblema ako dahil medyo kulang ako sa school materials pero marami namang sagana sa mga makamundong bagay sa aking mga kaklase kaya naman nangheram at nanghingi ako ng aking mga gagamitin. Hindi ko naman pinahalagahan ang tingin nila sa akin, kung patay gutom man o pulubi. Nakatuon lang talaga ang aking atensyon na makatapos sa pag-aaral at kay Eunice. Makalipas ang 30 minutes,halos tapos na kaming lahat. "Now that you are done  doing those Valentine's Cards, it's time for you to give those to people special to you." Abot langit na ang ngiti ko noong mga panahong iyon, tila bumagal na naman ang oras, hinihintay kong lumingon sa akin si Eunice at  mag-exchange kami ng Valentine's card. Subalit, taliwas ang nangyari sa inasahan ko. Iniabot ni Eunice ang Valentine's card niya sa bestfriend niya kuno na si Justine Salvador. Kababata ni Eunice yung kumag na yun, matalik na magkaibigan kasi ang mga magulang nila. Si Justine ay anak ni Mayor Enrique. Hayy.MASAKIT lang. Noong nakita kong iniabot ni Eunice ang card kay Justine, hindi na ako muling tumingin pa. Nakiusap na lang ako sa kaklase namin na iabot ang ginawa ko kay Eunice. SOBRANG SAKIT. Lesson Learned: "DON'T EXPECT, masasaktan ka lang". Inisip ko noon na siguro nga mas matimbang talaga yungkumag na yun.. Pero yung feeling na umasa ka, tagos puso sagad to the bones ehh, parang dalawang beses na nabasag ang bungo ko nun. Tumingin na lang ako sa notebook ko na kunwari ay nag-rereview ako para hindi niya mahalata na malungkot ako. Hindi pa rin ako maka-move on, napakasakit talaga. Hindi ko siya pinansin nang buong maghapon, hanggang mag-uwian na. Lumapit siya sa akin, ayaw ko siyang pansinin subalit hindi ko rin kayang pigilin ang puso kong naliligalig. Kinausap niya ako at naglakad ako na kunwari ay nagmamadali. "Marco, may ibibigay pala ako sa iyo.",sabi ni Eunice. At sinabi ko, "Ano naman yun?". At sabi niya,"Gumawa ako ng Valentine's card kagabi, pinagpuyatan at pinagtrabahuan kong maiigi para mas gumanda at para mas special." Napalitan ng walang hanggang ligaya ang kalungkutang aking nadama, akala ko kinalimutan ako ni Eunice,at tuwang-tuwa ako ng mapansin ko na mas maganda pa ang card na ibinigay niya sa akin kaysa sa binigay niya kay Justine. Nagkaroon ako ng bagong lesson learned: "DON'T EXPECT, para mas ma-surprise ka." Natapos na naman ang aking flashback. Tumingin ako sa orasan ng aking cellphone at nakita kong 8:47 na.

Pagkalipas pa ng limang minuto, dumating na si Otep, isa sa aking mga ka-tropa.

Otep: Oy brad!, tangining yaan, excited ka brad ahh, masyado kang maaga,wala pa ang ibang tropa.

Ako: Mas maiigi na ang early bird, para mas makapagplanong maiigi. Nasaan na ba ang tropa?

Otep: Pu***g Ina! Nakipag-pustahan na naman sila ng basketbol! Magbibigay na naman sila ng         donasyon doon sa barkada nina Raprap, ang lalakas maglaro ng mga yaon.

Ako: Sana'y matapos na sila upang maihanda na natin ang mga gagawin natin mamaya.Ikaw,         handa ka na ba?

Otep: tangining yaan. Pupunta ba ako kung hinde,syempre naman, handa ako sa yaon!

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

        Sa kabilang dako naman, si Eunice ay nagpaalam sa kanyang Mommy na nais niyang pumunta ng mall at may gusto daw siyang bilihin. Tulad ng kadalasang reaksyon ng kanyang Mommy, ayaw siyang payagan.

Mommy: Ano ka ba naman Eunice, just tell us what you have to buy, puwede naman tayong bumili         nang magkasama tayo. Wait for your Dad, he will come after a few minutes.

Eunice: Mommy, malaki na po ako kaya ko na po ang sarili ko.Saglit lang po ako. Puwede naman         po akong magpasama kay Justine ehh. Atsaka si Daddy, sigurado akong hindi pa uuwi yun,         lagi naman ehh.

Mommy: What did you say? Wala ka na bang galang sa Dad mo? My God, you have to understand         him, he is so busy working at his office.

Eunice: Busy daw.... (pabulong na sinabi)

Mommy: My God, Eunice, I always tell you that I don't want you murmuring. Ohh siya kung gusto         mong umalis eh, kumain ka muna bago ka umalis. It's 11:05 na. Make sure that Justine will be         with you when you go to the mall.

Eunice: Thanks Mommy.  (ngumiti nang papilit)

        Pagkatapos niyang kumain, agad niyang tinext si Justine. At ito ang naging palitan nila ng mensahe.

Eunice: Best Justine, puwede mo ba akong samahan pumunta ng mall? Kung ok lang? Sabi kasi         ni Mommy kailangan daw kasama kita ehh.

Justine: Ohhh sure Best, hintayin mo ako sa tapat ng Simbahan sa bayan.

Eunice: Salamat :))

        Agad na tumungo si Eunice sa tapat ng Simbahan. Sarado ang simbahan kaya naman walang tao bukod sa mga tindera at iba pang naglalako. Dahil nasa tapat ito ng lansangan, may mga nagdadaan din namang mga sasakyan. Hindi sinayang ni Eunice ang pagkakataong ito upang makapagdasal. Ipinagdasal niya ang pamilya niya at ang super crush niyang si Marco. Nang biglang may nagtakip ng panyo sa kanyang bibig at madali siyang nawalan ng malay. Isinakay siya sa isang van ng apat na kalalakihan. Hindi ito napansin ng mga tao sa paligid sapagkat wala namang ingay na nagawa ang pagdukot kay Eunice. Isinakay siya sa van at itinali ang kanyang mga kamay at mga paa. Humarurot nang mabilis ang sasakyan.

Kidnapper 1: Ayos ahh, maganda talaga itong Eunice na tohh. Kutis mayaman at maputi.Ano sa         tingin mo pare? Ho-home run na ba tayo?? Hahahaha (tawang demonyo)

Kidnapper 2: Tumigil ka diyan! Manahimik ka na lang.

Kidnapper 1: Ito naman, hindi ka naman mabiro eeeh. Kung ayaw mo eh di ako na lang ang     dadale...

Inilabas ni kidnapper 2 ang kanyang baril. 

Kidnapper 2: Ano? Tatahimik ka na?

Kidnapper 1: Easy lang pare! Kalma ka lang! ... biro lang pare.. biro lang.... (tonong nangangasar pa  din)

Driver: Tumigil na kayo diyan, magmasid kayong maiigi, baka may nakasunod sa atin o       nakapansin.

Kidnapper 3: Malinis na malinis ito, ang dali nga nating nakuha ang babaeng ito. Easy job.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon