Chapter 20

32 4 0
                                    

CHAPTER 20:

March 25, 2010

NARRATOR'S Point Of View:

          Sa UP Diliman campus, umaga, nilibot ni Lenaiah ang campus kasama ang dalawa niyang high school classmates. Si Lenaiah ay isang babaeng may matangos na ilong, magandang katawan at magandang itsura, aakalain mong artista siya dahil sa ganda niya, pero sa mukha niyang ito ay nagtatago ang nakaka-asiwa niyang masamang ugali.Pumunta si Lenaiah sa tapat ng oblation, ito yung estatwang nude kung saan ang dalawang kamay nito ay widespread at nakatingala ang lalaking estatwa,  kasama ang mga kaibigan niyang sina Reynalyn at Dianne.

Reynalyn: (pinicturan ang oblation) Grabehh, ano Dianne, gusto mo bang magpa-picture diyan?

Dianne: Ayoko nga!! May nabasa ako sa facebook na kapag nagpa-picture ka daw diyan kay Oble, hindi ka daw makaka-graduate agad! Gusto ko nang gumraduate ng on time girl!! Helloooooo, ayokong i-sacrifice yun para lamang sa isang picture!!

Reynalyn: Sa bagay, nakakatakot nga naman (tumingala, tumingin sa oblation)  Ohh Lenaiah, anong masasabi mo kay Oble?

Lenaiah: (Nakatingin lamang sa mga kotseng dumadaan) I don't care about that stupid statue. Hindi ba, hindi naman ito ang pinunta natin? Dapat mag-inquire tayo about sa enrolment and about sa curriculum natin at magpa-medical?? Why do you waste your time on that?

Dianne: Ano ka ba naman Lenaiah, bawal ba tayong mamasyal masyal dito sa UP? Ano na naman bang problema mo?

Reynalyn: (inaawat si Dianne) Dianne, easy lang, easy lang.

Lenaiah: Kung gusto niyo pang mamasyal, bahala kayo, basta ako mag-papamedical na, sasama ba kayo o hindi? (mataray na boses)

Dianne: (bumulong kay Reynalyn) Kaya walang kaibigan yang Lenaiah na yan, ang sama ng ugali, tayo na nga lang ang nagtitiyaga sa kanya ganito pa ang trato niya sa atin, suko na talaga ako sa kanya.

Reynalyn: (mahina ang boses) Ano ka ba naman Dianne, intindihin na lang natin siya, kaibigan pa din natin siya.

Dianne: (mahina ang boses) Ayoko na talaga sa isa diyan , hindi siya karapat-dapat na kaibigan. 

Lenaiah: (nakatingin sa mga nadaan, biglang napatingin sa dalawa) Ano bang pinag-bubulungan niyo diyang dalawa? Sasama ba kayo o hindi??

Reynalyn: (ngumiti) Sige sige , tara na.

Dianne: (ngumiting plastik) Oo nga, tara na, masyado ka kasing excited Lenaiah, hiyang hiya naman kami sa'yo.

Lenaiah: (sinimulan ang paglalakad patungo sa sakayan ng jeep)

        Makalipas lamang ng ilang oras, natapos na nina Lenaiah, Dianne at Reynalyn ang mga kailangan nilang gawin.Napag-desisyunan nila na pumunta sa Sunken Garden, pagkatapos ng UP oblation, ito na ang pinakasikat na landmark sa UP Diliman. Ang Sunken Garden ay isang open field na matatagpuan sa puso ng 2.2 km na UP Acad Oval na napapalibutan ng acacia trees. Ito ang pinaka-favorable na lugar ng UP at non-UP communities dahil sa lawak at shady area na ito na puwedeng pagdausan ng iba't ibang aktibidad. Nakuha ang pangalang "Sunken Garden" dahil sa basin-shaped low-level formation na may deepest point na 65 meters above sea level (ang height ng university ay mahigit 100 meters above sea level). May mga spekulasyon na bawat taon at lumulubog ito dahil sa posibleng trenches sa ilalim nito o dahil ito'y nasa ibabaw ng isang bahagi ng Marikina's fault line. At habang nasa may Sunken Garden, habang sila'y umiinom ng (milktea)

Dianne: Siguro naman puwede na tayong gumala ngayon , diba Lenaiah? (plastik na ngiti)

Lenaiah: Bahala kayo.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon