Chapter 13

37 4 0
                                    

CHAPTER 13:

MARCO'S POINT OF VIEW:

Ako: Eunice Alcantara!!

Eunice: Marco David Jimenez!!  

 

        Tumakbo kami sa isa't isa at naghawakan kami ng kamay.

Ako: Na-miss kita, bakit hindi ka na nagparamdam sa akin? Ang bawat segundo na wala ka ay tila ba nilalatigo ang puso ko. 

Eunice: Wala man ako pero buong pagmamahal akong nag-alala sa'yo. Hindi kasi kita kayang makitang nahihirapan kaya pinili ko na lang na hindi ka muna dalawin.

Ako: Hmp. Ikaw nga ang kailangan ko ehh!!

Eunice: Nandito na ako, huwag ka nang mag-inarte diyan. Marco, I love you.

Ako: I love you too.. (hinigpitan ang hawak sa aming mga kamay at nagtinginan)

        Nang biglang may kakaibang boses akong narinig.

Yung Boses: Gising na, gising na, papasok ka na.

        Biglang nagising na rin ako at  na-realize ko na panaginip lang pala na nakausap ko si Eunice. PANAGINIP lang pala, badtrip. Sinabihan ako ng "I love you" ni Eunice sa panaginip ko, ang sarap pakinggan.   

Sa Isip ko: Ahh grabeng panaginip yan, ito yung pinakakaibang panaginip ko kay Eunice, first time siyang nag- "I love you".

        Excited na excited na talaga akong pumasok, yiieeehh FINALLY, moment of truth na mamaya, excited na rin siguro si Eunice na makita ako. Kokotongan ko talaga siya mamaya, loka loka siya, hindi man lang siya dumalaw at nag-reply sa mga text messages ko ahh Hmp.!! Magkikita na kami ni Eunice mamaya woohoo woohhoooo. Alam ko sa puso kong hindi siya galit sa akin.

Nanay: Marco, bangon na.

        Bumangon na din ako, mabilis pa ako sa alas kuwatro na kumain. Hindi pala disappointment ang PANAGINIP ko kundi encouragement. Nagkaroon pa ako ng mas mataas na adrenaline hormone sa katawan, super excited. Halos mabilaukan na ako sa kinain ko. Mabilis din akong naligo hindi tulad noon na umuupo at natutulog muna ako sa inidoro. Nung araw na iyon, buhos,sabon, banlaw, TAPOS.

        Nakita ko ang plantsadong uniform ko. Pagkatapos lamang ng bente minutos ay natapos ko na ang mga kailangan kong ihanda. Nagpaalam ako kay Nanay.

Ako: Nanay, sige po, aalis na ako.

Nanay: (kumunot ang noo) Marco, ano ba yan, dahan-dahan lang, huwag masyadong magmamadali at maaga pa naman baka maaksidente ka ulit. Mag-iingat ka ahh, huwag masyadong magmamadali.

Ako: Opo Nanay, I already learned from my mistake. Sige po Nanay.

        Nakasakay na ako sa jeep at may mga nakasabay din naman akong isang matandang mukhang dadaan ng palengke, at isang mag-oopisina.

        Yun na, natanaw ko na ang aking paaralan, University Of The Perpetual Help, iyon na, kakaibang excitement talaga ang nadarama ng puso ko. 

Sa Isip ko: Eunice.. Eunice.. Eunice..... malapit na ako, malapit na tayong magkatagpo.

        Nakababa na ako sa jeep, at ako yata ang pinakaunang estudyanteng nakarating.

Manong Guard: Ang aga mo iho ahh..

Ako: Oo nga po, mali po kasi yung orasan sa bahay. 

        Tumambay muna ako sa may parke sa tapat ng aming eskwelahan, dito, nag-review review muna ako pero naa-out of focus talaga ako. Puro Eunice Eunice Eunice lang ang tumatakbo sa isip ko nun. Pinanalangin ko na nawa'y huwag naman Eunice ang masagot ko sa exam.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon