Chapter 10

42 5 0
                                    

 

CHAPTER 10

MARCO'S POINT OF VIEW: 

        Pebrero 27, 2010 na, pinalabas na ako sa ospital. Dalawang linggo akong dismayado sa hindi pagbisita man lang sa akin ni Eunice. Gayunpaman, naiibsan naman ng ibang tao ang kalungkutang nadama ko, nakita ko ang kanilang pagpapahalaga. CONCERN HIGHLY APPRECIATED. Ganoon pala ang feeling na hindi mo makita ang minamahal mo sa panahong nahihirapan ka. Gusto ko nung umiyak sa balikat ni Nanay pero hindi na puwede ako basta basta na lamang umiyak. Binata na ako. Kailangan na hindi masyadong i-expose ang aking emosyon, sa bawat sandali ng aking pagkalungkot, naging susi din ng pagpawi ng kalungkutan ang kwintas na bituin. Dahil dito, napangiti na lamang ako sa gitna ng kalungkutan. Nandiyan ang Maykapal , omnipresent, bago pa man tumulo ang aking mga luha alam kong napunasan niya na iyon, hanep talaga ang galing ni Lord. Nandiyan si Nanay, nandiyan si Tatay, si Baby Angel, si Otep and the list goes on to almost infinity kaya naman may dahilan ako para sabihin sa sarili na. "Huwag nang ma-sad". Nilagyan din ng semento ang paa ko. Nakakangalay talaga noon sa ospital. Yung tipong umaga hapon, gabi, nakataas lang yung paa mo. Nakakangalay kaya pag i-try mo. Daig pa nun ang Boy Scout experience ko. Nakarating din kami sa bahay pagkatapos ng 30 minutes na biyahe.

 

Ako: FINALLY! Marco David Jimenez has come back to his home.

        Ini-spread ko ang arms ko na parang yung oblation sa UP, sa bagay, UP passer naman ako. Feel na feel ko ang warm breeze kahit alam ko na ang hangin ay may halong amoy ng jebs ng aking kapitbahay.Pero nakakangalay din na naka-open arms tapos nakataas ang kanang paa. Nag-decide na lang ako na gamitin nang muli ang saklay.

Otep: Tangining yaan Marco! Nakauwi ka din, sige lang damahin mo yaong tahanan niyo!! 

Ako: Matagal-tagal na din akong hindi nakakapasok sa bahay!.

Otep: Tangining yaan, jumebs na naman kapitbahay niyo brad. Ang baho!

Ako: Huwag ka nang maarte brad, maraming halaman si Nanay, ma-coconvert din yang carbon dioxide na yan sa oxygen agad agad.

        Dahan dahang humakbang ang kaliwa kong paa pati na rin ang saklay ko na nagsilbi kong right foot. Ang sakit sa kili-kili. Yung tipong sa bawat hakbang ko ay muling bumagal dahil sa relativity. Nakangiti sina Nanay, Baby Angel at Otep. Binuksan ko ang pinto at pagkapasok ko nakita ko ang mga sangkatutak na papel. Ang dami, mga module pala.

Baby Angel: Welcome Kuwa sa house natin!! Kuwa, laro tayo sa labas.

Nanay Melanie: Ano ka ba naman Baby Angel, kakapasok pa lang ng Kuya mo atsaka hindi siya puwedeng maglaro.

 

        Bigla namang nagsalita si Otep. 

Otep: Sige po Aling Melanie, uwi na din po ako.

Nanay Melanie: Ingat ka iho.

        Pumasok ako sa bahay, tumingin ako sa salamin at napansin kong may pulutong pa din ako sa ulo. Hindi talaga bagay kay Coco Martin ang mag-mukhang Muslim. Tsk tsk. Pumasok na din sina Nanay at Baby Angel. 

Nanay Melanie: Nakikita mo ba yang mga papel? Sasagutan mo iyan lahat, babasahin, basta may instruction na ang iyong mga guro sa gawain mo. Marami-rami daw yan, kailangan mong matapos lahat yan bago ang examan niyo.

        Mukha tuloy akong presidente ng kumpanya na pipirma ng sangkatutak na papeles.

Ako: Hayyyyyyyy (humikab)

 

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

 

        Pumunta si Justine sa isa pang bahay nila sa Laguna. Isa ito sa mga properties ng papa niya na hindi naka-deklara sa kanyang SALN. Galit na galit ang itsura ni Justine na dumating sa bahay nila. Pagkapasok niya, naabutan niya ang papa niya na may isang phone conversation.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon