CHAPTER 41:
NARRATOR'S POINT OF VIEW:
Natagpuan ni Eunice sa Justine na nakaupo sa sulok na tila ba wala sa katinuan, punong puno ng mga bote ng alak sa may tabi niya.
Sa isipan ni Eunice: Alam kong Mama mo ang sasandalan mo sa ganitong oras.
Lumapit si Eunice kay Justine, hinawakan niya ang mukha ni Justine.
Eunice: Best,anong nangyayari sa'yo??
Justine: (mabagal na nagsalita) Best, ikaw ba yan??
Eunice: Oo Best , ako ito,
Eunice: Bessssstttttttt (inalog ang mukha ni Justine)
Tila ba bumalik na rin sa katinuan si Best
Justine: Best, you broke my heart, I thought that we can become more than just bestfriends.
Eunice: (lumihis ng tingin at tumingin sa sahig, tila ba naiilang)
Eunice: (tumingin muli sa mga mata ni Justine) Best naman eh, nabigla ako, sorry Best.
Eunice: Sorry Best, alam kong ikaw na yung kasama ko mula nung mga babies pa tayo pero Best, mas ok sa atin kung mag- bestfriends lang tayo.
Justine: Leave me alone , please. (pinipigilan ang pagluha, pilit na pinapakita ang kanyang tapang)
Eunice: Best naman, hindi ako aalis dito kasi ikaw ang Bestfriend ko.
Justine: (napatingin lang siya sa mga ni Eunice)
Justine: Bakit hindi mo ako kayang mahalin, bakit....... (nagsalita kaagad si Eunice)
Eunice: Best, mahal kita bilang Bestfriend, Best namannnnnnn, baka naguguluhan ka lang. Besssssttttttttt (naluluha na si Eunice, pero sinubukan niyang hindi umiyak)
Eunice: Two weeks ka nang hindi napasok, hindi yan gusto ng Mama mo.
Justine: Leave me alone , please, nasasaktan lang ako lalo kapag nakikita kita.
Eunice: Hindi ko kayang iwan ang bestfriend ko sa panahong nahihirapan siya. (napapaluha na si Eunice)
Isa sa pagkakapareho nina Marco at Eunice, yun din siguro ang dahilan kung bakit nila nagustuhan ang isa't isa, dahil parehas silang labis magpahalaga sa isang kaibigan.
Justine: (lumihis ng tingin , pinipigilan ang pag-iyak, matapang na nilalang)
Tumayo si Eunice at lumayo ng konti mula kay Justine. Medyo maluwag naman ang ang bahay na kinalalagakan ng libingan ni Melinda Salvador. Pumuwesto na si Eunice sa gitna at sinimulan niya na ang pag-ikot , sinimulan niya na ang pag-baballet.
Isang magaling na ballerina ang Mama ni Justine kaya naman may special meaning sa tuwing nagbaballet si Eunice. Bumabalik ang dating saya na idinudulot ng pumanaw niyang Ina. Nag-baballet lang si Eunice sa tuwing nalulungkot si Justine at ginagawa niya ito para mapasaya si Justine.
Nag-ballet si Eunice gracefully. Napatingin lamang si Justine kay Eunice, habang nanonood siya kay Eunice, unti-unti nang nawawala ang kalungkutan na nadarama ni Justine.
Tumayo si Justine at lumapit kay Eunice. Tumigil na sa pagbaballet si Eunice.
Nagtinginan silang dalawa ni Justine.
Eunice: Sorry talaga Best.
Justine: Sorry din Best.
Maiiksing pangungusap lamang ang binanggit nila pero galing ito sa kanilang puso.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...