Chapter 54: Bike

32 3 0
                                    

CHAPTER 54:

                Bike

Acad Oval, UP Diliman

August 17, 2010, Wednesday, 4:30 PM

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Habang naglalakad-lakad kami ni Lenaiah sa Acad Oval ng UP Diliman, nag-take muna ako ng ilang pictures. May picture din ako ng kwintas na bituin ko kung saan ang background ay ang UP College of Engineering. At ngayon, kasama ko sa paglalakad sa Acad Oval ang taray girl na prinsesa ng eye contact pero hindi marunong ngumiti. She's the girl who never smiles. Lagi kong kasama ang isang babaeng parang isinusumpa ang mundo, masaya naman akong kasama siya at alam kong masaya rin siya. 

Ako: Lenaiah, ano bang puwedeng gawin dito bukod sa paglalakad at pag-jogging?

Lenaiah: This is actually the biker's lane, tingnan mo yung mga mukhang abnormal na yun, (tinuro sa akin yung mga nag-ba- bike). Puwede ring mag-bike dito. (normal lang ang pananalita, hindi nakangiti)

Ako: Sayang , basag-bungo naman ohh, wala tayong bike.

Lenaiah: There is a bike rental in SC. (blangko ang emosyon)

Ako: Ohh? Tara friend!!               

        Agad kaming nagpunta ni Lenaiah sa Shopping Center at yun, naka-rent na kami ng bike.

Lenaiah: (sumakay na siya sa bike na narenta niya) Marco, bakit hindi ka pa nasakay? Hindi ka ba marunong?

Ako: Ahhh ma---runong ako . (nauutal-utal kong sinabi) Tinuruan ako ng matalik kong kaibigan na si Otep.

Ako: (sumakay na ako at nakapag-bike naman ako ng maayos)

Lenaiah: (nag-ba-bike na rin) Hzz.. Marunong ka naman pala, nagpatagal ka pa. (mataray na sinabi)

        Sa totoo lang , kinakabahan ako nung nag-bike na kami ni Lenaiah sa may Acad Oval, hindi talaga ako lubusang marunong, dalawang beses ko lang nagamit yung bike ni Otep. Hindi ko alam kung paano talaga na-aachieve yung tamang pag-balance, basta't i-continue lang ang pag-ba-bike at alisin ang takot na baka sumemplang ka, nasa pag-iingat din yan at tiwala.

        Habang nag-ba-bike kami ni Lenaiah sa Acad Oval ,sabay naman kami at walang nauuna, hinawakan ko saglit yung suot kong  kwintas na bituin ko pero binitawan ko kaagad kasi muntik na akong ma-out of balance. Muling nag-flashback sa isipan ko yung isang masayang sandali namin ni Eunice. Muli akong naghapitots (happy thoughts).

flashback starts.....

        Kung makulit at malikot ako, puwes, kung kakulitan ni Eunice ang pagbabasehan , walang wala ako. Yun ang isa sa mga nagustuhan ko kay Eunice, parehas kaming makulit at ang cute niya pa din kahit makulit siya. Ang pagiging makulit ay minsan negative ang dating pero pag si Eunice ang makulit, laging positive. Ang cute cute niya talaga at ang kulit sobra lalong lalo na nung first year high school pa lang kami. Nag-mature kasi siya siguro mga halfway na ng second year high school. Basta, sobrang likot niya nung first year high school kami, hahaha pero, nakyutan talaga ako sa kanya. First year high school kami nun, hindi pa kami close nang bongga, nagsisimula palang akong mag-adjust sa bagong mundo ko sa Perps. Galing akong public school at ang makihalubilo sa mga mararangyang nilalang ay isang napakahirap na gawain. 

        Pagkatapos ng klase namin, naglaro-laro muna sina Eunice, Monique at Sharlene, kasama din nila si Dexter, yung chikboy ng section namin. Nandun lang ako sa isang sulok at nagpapalipas lang ako ng konting oras bago ako umuwi. Isa akong dakilang loner sa Perps. At grabe, sobrang totoy na totoy pa ako nung first year ako, nagsimula lang akong maging isang ganap na Marco siguro mga third year na.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon