Chapter 21

27 3 0
                                    

CHAPTER 21:

Narrator's Point Of View:

March 25, 2010 (Thursday)

        Kinabukasan, pumunta si Mayor Enrique Salvador sa safe house niya sa Laguna kung saan namamalagi si Marvin.Pumunta si Mayor Enrique sa likod ng safe house na yun na isa ring target shooting area kung saan laging nilalaan ni Marvin ang kanyang oras.Subalit sa pagkakataong iyon, hindi niya natagpuan si Marvin doon. Alam na ni Mayor Enrique kung saan maaaring naroon si Marvin, ang isang lugar na mas pinaglalaanan niya ng oras. May library na pinagawa si Mayor Enrique sa safe house na iyon para lang kay Marvin. Napakaraming klaseng libro ang naroon kaya naman, mas maraming panahong inilalaan si Marvin para mabasa yun isa-isa. Pumunta si Mayor Enrique sa library na iyon na nasa second floor ng bahay na iyon at tama siya, naroon nga si Marvin. 

Mayor Enrique: (binuksan ang pinto)

Mayor Enrique: Ohhh, Marvin, sabi ko na nga ba, nandito ka na naman.

         Natagpuan niya si Marvin ay nagbabasa ng librong "Inferno" ni Dante Alighieri. 

Marvin:   Bakit nga po pala kayo naparito? (seryoso ang pagsasalita)

Mayor Enrique: Alam mo naman Marvin na nalalapit na ang eleksyon gusto kong maging sigurado ang pagkapanalo ko. Masydong malakas sa masa ang katunggali ko sa kandidutura bilang Mayor.

        Natapos ang kanilang usapan. At mukhang tuwang-tuwa na naman sa political strategy na naisip ni Marvin.

Sa Isip Ni Mayor Enrique: As Marvin is with me, I have nothing to worry about my career. 

Mayor Enrique: Sige Marvin, aalis na ako. (palabas na ng library)

Marvin: One thing Mayor, (napatigil si Mayor sa paglabas), I just couldn't fathom what kind of misery you will experience in hell. Supposedly, if you die, you will be sent to one of the darkest places of hell.  

Mayor Enrique: (natawa lamang)  Bakit ikaw ba, gusto mo bang pumunta sa langit?

Marvin: Sa totoo lang, hindi ko naman pinapangarap na makapuntang langit kasi baka pagdating ko doon, mag-isa lang ako.

Marco's Point Of View:  

        Yun, kakarating ko lang nun sa Baliwag Park, medyo kasing laki ng 5 basketball court, pagkatingin ko sa oras sa cellphone ko, 8:01 na pala, yun, late pala akong dumating. May sumalubong sa aking isang matabang babae na mukhang 40 years old na. Nakasalamin siya at may dala siyang mga cleaning materials. Dun palang alam ko na ang ibig sabihin, siya ang aleng tumawag sa akin. Iniabot niya sa akin ang cleaning materials. Napansin ko sa t-shirt na suot niya ang mukha ni Mayor Enrique Salvador, malapit na nga pala ang eleksyon nun.

Ale: Yan! (pasigaw) Linisin mo tong buong park ahh!! At huwag na huwag mong hayaang pumitas ng bulaklak ang mga bata, sitahin mo agad!! (pasigaw ulit) At sitahin mo din ang aapak sa mga damuhan!! Sitahin mo din ang mga magtatapon ng basura kung saan saan!! Dapat malinis na ito pagbalik ko!! Hahh! Intiendes!!?? (pasigaw na naman)

Ako: Ahmm Ale, teka lang po......  (itatanong ko lang sana kung ano ang pangalan niya at kung anong oras ko ba dapat tapusin ang paglilinis ko ng park)

Ale: Walang teka teka basta gawin mo na lang ang pinapagawa ko sa'yo.  

       Yun, tumalikod siya at paalis na pero bigla ulit siyang tumingin sa akin at may inabot na dalawang t-shirt, yung unang t-shirt, nakasulat ang "Bayanihan 2010" at sa likod nun, "Tulungan para sa Kaunlaran"   at yung pangalawang t-shirt, may picture ni mayor sa harapan at nakalagay ang numero niya sa balota, sa likod ng t-shirt na yun, nakasulat ang "Doon tayo sa serbisyong subok na!"

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon