Chapter 47

20 3 0
                                    

CHAPTER 47:

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

 

Pinakuwento ni Marco ang tungkol kay Lenaiah

Reynalyn: Ahmm, naging kaklase namin si Lenaiah nung first year high school kami.

Dianne: (sumapaw sa pagkukuwento ni Reynalyn) Oo, classmates kami since first year. (conyo)

Marco: (minadali niya na magkuwento pa si Reynalyn na tila ba wala siyang pakielam sa sinabi ni Dianne)

Reynalyn: Siya yung babaeng laging gustong mapag-isa. Marami sa amin ang sumubok na kaibiganin siya pero lahat ng lumalapit sa kanya , ahmmm , pinagtutulakan niya palayo. Sinisigawan niya kami, sinusungitan. May mga nasasampal din siya sa classroom namin. Halos lahat ng classmates namin ay galit sa kanya dahil sa ugali niya.Marami din ang takot sa kanya, kahit yung mga boys, hindi makalapit sa kanya, may pagka-bayolente kasi siya (hininaan ang boses at binalik din sa normal). Lumalabas siya ng classroom at pumupunta siya sa lugar kung saan siya mag- isa. Natutulog siya sa mga panahong yun or nag-pe-painting siya and  I'm sure na hindi mo gugustuhing makita ang mga painting niya dahil nakakatakot talaga ang mga ito. Laging may simbolo ng demonyo ang kanyang mga painting. 

Marco: (napapahinga pa ng malalim)

Reynalyn: Meron pa ngang isang pangyayari kung saan pinaghahampas niya ng upuan ang classmate naming lalaki. Na-ospital ang classmate namin na yun at at nabalian ng binti at braso. Dahil doon, lumipat na din yun ng paaralan.

Marco: Ha!? Nagawa ni Lenaiah yun!!??

Reynalyn: Pinangingilagan siya sa buong campus namin. Pero kahit kailan naman , hindi kami sinaktang dalawa ni Lenaiah.

Dianne: (uminom ng tubig) Tinatarayan lang kami.

Reynalyn: Lahat ng payo ay binigay na ng adviser namin, pero parang wala siyang pakielam, kapag tinatanong naman siya kung anong problema niya, laging wala ang sagot niya.

Dianne: She's such a demonyita lang talagha. 

Reynalyn: Tsk. Dianne naman.

Reynalyn: Nakiusap ang adviser namin nung 2nd year kami na kaibiganin namin si Lenaiah, intindihin namin. 

Dianne: Ang malas nga namin , kami ang napili.

Reynalyn: Yun, naging maayos naman ang trato sa amin ni Lenaiah although masungit siya pero natutunan na naming pagtiyagaan yun. Buhat noon, naging kaibigan na namin siya.

Dianne: Isipin mo yun Mr. Jimenez, 3 years namin siyang pinagtiyagaan! Sa wakas, we are free, naging miserable tuloy ang high school life ko sa kanya.

Reynalyn: Hayy nako Dianne.

Marco: Okay, mga kaibigan pala kayo ni Lenaiah, alam ko na alam niyo na mabait si Lenaiah. 

Reynalyn: (yung iniinom niyang tubig ay nailuwa niya at bigla siyang napaubo)

Dianne: (tila nabubulunan at sinubukan pa ding magsalita kahit nahihirapan) Pagkatapos sa---bi---hin ni Reynalyn ang .. (uminom ng tubig) ang tungkol (umubo) sa kanya, nasa---bi mo pa na - mabait siya!

Reynalyn: (umuubo pa din)

Marco: Bakit, hindi ba kayo naniniwala na mabait si Lenaiah?

Reynalyn: Ahmmm.... sige, bakit mo naman po nasabi?

Marco: Sige, ikukuwento ko sa inyo ang isa sa mga patunay na mabait si Lenaiah. Pero iiksian ko lang ang kuwento.

Sa isipan ni Marco: Sige, ito na rin ang chance para mapagmayabang sa iba ang pagka-super hero ko nung dumating nung napag- tripan kaming atakihin ng lalaking naka-maskara.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon