Chapter 35: Getting Closer

32 3 0
                                    

CHAPTER 35: 

                                                        Getting Closer

From Diliman With Heart

June 17, 2010, //Thursday Afternoon,

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Masyadong tumatak talaga sa utak ko ang mga nangyari nung nakaraang linggo. Hinanap ko ang bago kong U.P. friend na si Lenaiah. Medyo, hindi naman mahirap hanapin si Lenaiah. Alam ko na kung madalas siya madalas tumatambay at kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon.

        Naglalakad na ako papunta sa Sinking Garden (oo na nga, Sunken Garden na). Hinanap ko yung puwesto kung saan kami naggagawa ng assignment. At nung mga nakaraang araw nga pala, sinubukan ko siyang kausapin at sinubukan kong pag-usapan namin yung tungkol sa lalaking naka-maskara pero wala ehh, parang wala talaga siyang pakielam. ehh ako, nasindak talaga nang ma-realize ko na may mga ganoong tao pala dito sa U.P., wirdo.  

Sa isipan ko: Hula ko, gumagawa na naman ng painting yun si Lenaiah, yung Sunken Garden ay nilalagyan niya ng butas at palaki nang palaki yung butas , passageway kuno sa hell.

        Tama ang hinala ko, nandun nga siya, ginagawa niya na naman yung painting.  Nilapitan ko siya.

Ako: Lenaiah, kumusta na ka na (umupo ako sa tabi niya , masaya ako sa paglapit ko sa kanya)

Lenaiah: Hzzzz... sana binaril ka na lang talaga, stupid guy na makulit. (masungit pa din ang itsura, tapos na siya sa pagpinta)

        Kagaya ng inasahan ko,  yung painting niya eh naglalaman nung butas sa Sunken Garden, at nagliliyab ang nasa loob ng butas na ito, mas dumami pa ang mga taong hinihigop, nakakasindak talaga ang painting na yun. Ayoko na siyang kulitin tungkol sa painting na iyon, magagalit na naman siya nang sobra kung ganoon.

Ako: Lenaiah, aking study partner slash, super classmate , slash  friend, ahhmmm, gusto mo mag-review tayo ulit sa math?  (umupo ako sa damuhan)

Lenaiah: Hzzzzzz.... Puwede ba?  Next time na! Malas ko naman ikaw pa ng study partner ko, hindi pa naman kailangan mag-aral. Grhhh, kakainis, umalis ka na nga dito. (masungit ang itsura pero hindi na naman masyado nakakatakot yung boses niya, medyo matamlay siya ehh, yung tipong antok na antok na naman siya, si Lenaiah na antukin)

        Sinabi ko lang na mag-review kami kasi wala lang talaga akong masabi. Sana mabago ko si Lenaiah, tapos , kung sakali ay ipapakilala ko sa kanya ang pinakamamahal kong si Eunice!! Ayy, mangyayari pa kaya yun?  Wish ko lang na sana super ordinary na kay Lenaiah na kasama niya ako, wala na akong ibang gustong tropahin dito sa U.P. bukod sa kanya kahit mataray pa siya, alam ko na magiging sobrang malapit kaming mag-kaibigan.

Ako: Ahhmm, Lenaiah, bakit mukhang antok na antok ka na?? 

Lenaiah: Yan, napansin mo pala, stupido, kaya umalis ka na para makapagpahinga ako. (inurong ang kanyang painting at inilatag ang blanket sa damuhan)

Ako: Dito ka matutulog?

Lenaiah: Idiot ka talaga, syempre, dito. Umalis ka na baka masampal ko ang pagmumukha mo.  Matutulog na ako. 

Ako: Bakit ayaw mo na lang umuwi sa inyo? Mas magiging komportable ka dun.

Lenaiah: Grhhh, ano ba , pakielam mo ba, dito ko gusto, dito, dito, dito. Wag mo kong pakielaman. (masungit ang pagkakasabi)

Ako: Ahhh, dito, sa bagay, presko naman ang hangin dito. 

Lenaiah: Umalis ka na, baka masampal ko na naman ang pagmumukha mo ! (mataray ang pagkakasabi, as always)

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon