Chapter 11

35 4 0
                                    

CHAPTER 11:

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Nag-walk-out si Nanay, bakit kaya?. Sa mga napapanood ko sa TV, nag-wo-walk-out ang isang tao sa tuwing sila'y napapahiya o nasasaktan. Pero naisip ko nun, "bakit ba nag-walk-out si Nanay?". Nagsalita si Otep.

Otep: Oh, umalis na Nanay mo, akin na lang yaong natirang pagkain, (kinuha niya ang plato)

Ako: Nako, Oteppppppp! Ang takaw mo talaga. 

        Sumunod naman si Baby Angel. Hindi niya din inubos ang pagkain niya, hindi sardinas ang ulam niya, powdered milk na hinalo sa kanin. Trip na trip niya kasi yun, sa bagay trip ko din yun noon. Parang oatmeal lang ang dating, ayos yun, masarap na, nakakabusog pa. Umalis si Baby Angel at sumunod kay Nanay.

Tatay Frederiko: Baby Angel, di mo na uubusin pagkain mo?

Baby Angel: Yuko na po,  puntahan ko po Nanay.

        Hindi ko alam kung umalis si Baby Angel dahil busog na siya or umalis siya kasi napansin niyang may something na naramdaman si Nanay. Musmos pa lamang ang isipan ng cute kong kapatid, at nakaka-touch na isipin kung nag-alala talaga siya kay Nanay. May special bond talaga ang mga nanay sa kanilang mga anak, even science can't really explain it. Yung mga kutob ng mga nanay, yun talaga yung hanep ehh. Parang si Mama Mary nang pinaparusahan si Papa Jesus. May kirot na dumapo sa puso niya. "Papa Jesus", yung mga feeling profound people, ayaw na "Papa" ang gamitin kundi Brother Jesus daw. Kasi daw ang anak daw si Jesus ng God the Father. Eh kung trip naman talagang tawaging Papa Jesus eh, basta't may matibay na komunikasyon ka sa Kanya, He will surely APPRECIATE it.

Ako: Otep, baka gusto mong kainin din yung tira ni Baby Angel?

Otep: Hehehe , busog na ako brad.  Yeah right saucilicious na tohng sardinas. Yeah right, yeah right, ma-men.

        Malipas lamang ang mga ilang minuto, natapos na kaming lahat kumain, syempre, nahuli si Otep. Hinugasan namin ang plato. Pinilit ako ni Otep na huwag na siyang tulungan. Tama ang sinabi niya na "pilay" ako, pero hindi naman yung mga kamay ko. Hindi niya ako napilit kaya naman, ako ang nagsabon at siya naman ang tagabanlaw. Fair na din yun. Pagkatapos naming maghugas ni Otep. Tumungo kami sa may harapan ng bahay namin upang magkuwentuhan, napaka-gentleman niya, inalalayan niya  ako. Pero sinabi kong , "Otep, kaya ko na toh". Sa may labas, buti naman at hindi umalingasaw ang mga jebs, kaya naman nagsimula na kaming magkuwentuhan.

Otep: Sayang brad, hindi natuloy yaong "Sa Isang Sulyap Mo" Operation harana mo kay Eunice. Matutuwa sana yaon.

Muling dumapo sa akin ang kalungkutan.

Ako: Oo nga ehh, ang saklap talaga, bwisit talaga yung kotseng iyon.

Otep: Huwag ka dun sa kotse magalit, doon sa yaong nagmaneho nun. Hahaha

Ako: Maiba lang, malapit na liga ng basketball niyo brad. Bumili ka na ng sapatos Brad. Pinag-ipunan mo iyon brad diba?

        Nagulat ako kasi natahimik bigla si Otep.

Otep: ........ Ahmmm (nauutal-utal)

Ako: Ano ba yun Otep? Ganyan ka na naman?  

Otep: Binigay ko sa nanay ko yung pera ehh...

        Sa kay tagal kong kasama si Otep, alam ko na sa mga sandaling iyon ay hindi siya nagsasabi ng totoo. Bigla kong naalala ang pagka-ospital ko, sigurado akong may inambag si Otep.

Ako: Otepppp!! Nasaan nga? Brad, maging tapat at totoo tayo sa isa't isa. (seryoso akong tumingin kay Otep)

Otep: Ehh brad, di ko naman kayang tiisin ka ehh.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon