Ending: The Sunken Garden

39 3 2
                                    

Ending:

                                                The Sunken Garden 

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Kailangang respetuhin lahat ng uri ng tao dito sa mundong ito lalung-lalo na yung mga kababaihan. Hindi tayo dapat manghusga kung hindi pa natin lubusang nakikila ang isang tao o kung hindi pa natin labis na naiintindihan ang kanyang pinagdadaanan. Kung may natutunan man ako sa mga pinagdaanan ko, yun ay ang ating buhay ay isang walang hanggang pagkatuto sa kung ano ang tama at nakakabuti. Nasa atin na lamang ang desisyon kung isasagawa at isasabuhay ba natin ang mga mabubuting matutunan natin. Kung pag-ibig naman ang pag-uusapan, marahil ay nabibilang pa rin ako sa matatawag na mangmang. Para sa akin, ang pag-ibig naman ay hindi isang pang-akademiyang leksyon na pinag-aaralan at pinaghuhusayan, ito'y isang natural na damdamin. Palagan mo man ang damdamin mo, hindi mo makakayang lokohin ang sarili mo, kung mahirap manloko ng iba, mas mahirap lokohin ang sariling damdamin.

        Kulang ang mga salita para isalawaran ko kung gaano ako kapalad na magkaroon ng mga kaibigan katulad ng first Joseph ko at second Joseph of my life.  May isa rin akong natagpuang pinakamalapit na kaibigan ko, Lenaiah Mae Maglinao, tama ang una kong hinala na hindi siya likas na masama dahil may nagpo-provoke lang na ibang masamang elemento kaya siya naging ganoon. Napakatagal kong hinintay na makita siyang ngumiti Masasabi ko na taglay ng mga ngiti niya ang isang ganda na bihira lang mapagmasdan. Kahit siguro araw-araw ko pang makita ang ngiting iyon, ituturing ko pa din yun bilang isang gandang bihira lang mapagmasdan, mapalad ako na natagpuan ko yun. Sa hindi ko inaasahang kembot ng pagkakataon, maraming mga nakakagulat na rebelasyon akong na-diskubre at salamat sa Diyos na nalampasan na namin ang mga pagsubok. At ngayon, patuloy pa rin ako sa pagpapahalaga ng 4 P's ng buhay ko, Pangarap , Pamilya, Pagkakaibigan at Pag-ibig. Gaya na lamang ng pagpapahalaga ko sa kaibigan ko, si Lenaiah, isa sa mga kagustuhan ko ay mabigyang kulay ang mundo niya, sana'y nagtagumpay ako.

        Nga pala, ang damdamin mo para sa isang tao ay puwedeng pang-habambuhay o puwede ring magbago. At ako'y may damdaming............

4 YEARS LATER....

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

        Sa tapat ng Centennial Residence Hall (bagong dormitoryo ni Joseph, matagal nang hindi mag-roommate sina Marco at Joseph)

Joseph: You know bro... ahmmm alam mo bro, pasensya na sa pagmamagaling ko sa kung what the differences between puppy love and true love are, nagmamarunong lang ako..

Marco: Halata nga , de joke, Hahaha

Joseph: Ikaw lang ang makapagsasabi kung true love ba o puppy love ba yang naramdaman mo. 

Marco: Sa totoo lang..... sa bagay, damdamin ko ito, ako dapat ang maka-intindi sa hinihiyaw ng puso ko.

Joseph: Sa tingin mo, yung naramdaman kay Eunice, puppy love ba o true love? Hmmm... 

Marco: (tumingin lang sa langit)

Joseph: You've not seen her for almost 5 years. Hahaha

Marco: Baka parehas na kayo ng accent pag-uwi niya...  Hahahaha

Joseph: Ohh well, hinihintay ka na ni Lenaiah sa isang restaurant sa UPTC..

Marco: Oo nga ehhh....

Joseph: And by the way, congratulations, malapit ka ng maging isang engineer.

Marco: Congrats din, Mr. Creative Writer .

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon