Chapter 46

25 3 0
                                    

                        Puppy Love True Love

                               Volume 3

 

CHAPTER 46:

July 20, 2010, Wednesday

6:00 A.M

EUNICE'S POINT OF VIEW:

        Huhuhuh, natalo akesh sa competition pero okay lang yun, feeling ko naman ang mahalaga, marami akong natutunan at may mga nakilala din ako. Hindi man lang ako umabot ng round 2. Tapos yun, pagkagising ko, ginising ko na din si Arlene, ginagawa niya nga akong human alarm clock ehhhh.....

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Yun, hindi ko kinuwento kay Joseph ang mga naganap, tsumamba na si Lenaiah ang binigay na sign, pero nagkataon lang yun. Ayoko pa ding sabihin kay Joseph kasi mangangasar na naman ang mukhang Indian na yun na British accent naman. May mga asar na nakakatuwa at may asar na sadyang nakakainis, pero minsan, depende sa nangangasar. Kapag ang nangangasar ay ang taong mahal mo, nakikiliti lang ang puso mo. 

10:00 A.M

        Yun, kakalabas lang namin ni Lenaiah ng classroom. Naglalakad na kami papuntang CASAA

Sa isipan ko nun: Ahmm, oo nga pala, napicturan ko yung sunset kahapon , parang gusto kong ipakita kay Lenaiah. Ayyy basag- bungo naman ohh, traumatized na ako, ayoko na palang ipakita, baka maaksidente ulit yung camera ko.

        Nung panahon na yun, ang pagpapakita ng camera ko kay Lenaiah ang nag-iisang trauma ko, hindi ako na-trauma nung naaksidente ako kas naniniwala ako na nagkataon yun, ano yun, sakto, masasagasaan ako ulit? Pang mga malas lang yun. Kung malas ka sa pag-ibig , sure ako, hindi ka malas sa kalsada.

Lenaiah: Marco, Kain tayo sa CASAA, ililibre kita ng Chicken Curry. (hindi naka-smile, sa bagay, what's new, ganun naman talaga si Lenaiah, hindi siya puwedeng commercial model ng toothpaste)

        Habang napansin ko na hindi na naman nakangiti si Lenaiah (never ko pa siyang nakitang ngumiti) nagkaroon ako ng imagination, baka possible naman na maging commercial model si Lenaiah, syempre kasama ako. Habang naglalakad kami..

 

Imagination starts.................

        Sa isang lugar na may white background, ako ay naka-formal attire. Pinapalabas ako sa TV.

Ako: Ako nga pala si Coco Martin, may isa akong kaibigan na hindi ngumingiti, finally, nahanap ko din ang magpapangiti sa kanya. 

Ako:  Ito (ipinakita ko ang lalagyanan ng toothpaste) , Smile Toothpaste.

Lenaiah: (biglang pumasok sa eksena, ngumiti, nagsha-shine ang mga ngipin, may sparks , nag-zoom in sa mapuputi niyang ngipin at nag-glitters pa, hawak hawak ni Lenaiah ang isang toothbrush na may Smile Toothpaste) 

        Pero yung toothbrush, kalahati lang nun ang may toothpaste, tapat ang commercial namin, hindi tulad ng iba na punung-puno ang toothbrush para mabilis ang consumption.

Lenaiah: Kaya kayo, mag-smile toothpaste na!! (naka-smile) 

Ako: Itataya ko ang pangalang Coco Martin sa toothpaste na ito.

        Tapos biglang magsasalita si Lenaiah at aakbay sa akin.  Hawak hawak sa kabilang kamay niya ang toothbrush niya.

Lenaiah: Very effective na, Very affordable pa.  Four pesos lang ang isang pack!! Pinakamurang offer na ito!! (naka-smile)

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon