Chapter 75: Marco Takes A Stand

29 3 0
                                    

CHAPTER 75:

                                                Marco Takes A Stand

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

        Si Eunice kasama ang ate niyang si Erika na at ang Mommy niyang si Felicia,ay nakapangibang bansa  (USA). 

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Sa lobby ng Mental Hospital, (psych ward o kung ano mang tawag dun) Naroon si Dra. Villanueva kasama ang dalawang babaeng nurses sa may likod niya. Kasama ko naman si Lenaiah at si Atty. Escalante.

Dra. Villanueva: Lenaiah, halika , sumama ka sa amin. Huwag kang matakot Lenaiah , para sa'yo ito.

        Nakakapit lang sa kanang braso ko si Lenaiah.

Dra. Villanueva: Aalagaan ka namin dito, Lenaiah..

Ako: Unggoy---

        Sa gawing kaliwa ko,  pinigilan ako sa pagsasalita ni Atty. (order in the court)

Ako: Unggoy ka pala Doktora., mental hospital ito!! Hindi naman ako ganun kabobo, para ito sa mga baliw.

Dra. Villanueva: Masyadong mahirap ang pinag-------

Ako: Oo nga, mahirap na nga ang pinagdaanan niya, ibibilanggo mo pa siya dito, wala kang patawad.

Dra. Villanuava: She's not in a-----

Ako: Unggoy ka Doktora, maawa ka naman sa kaibigan ko...

        Hinawakan din ako ni Atty. Escalante sa kaliwang braso ko naman at dahil dun, napabitaw tuloy sa akin si Lenaiah. Hinawakan ng dalawang nurse si Lenaiah at itinabi kay Dra. Villanueva.

Lenaiah: Marco......

Ako: Doktora, hindi niyo ilalagay si Lenaiah dito, hindi siya baliw.

        Muli na namang bumuhos ang emosyon ko.

Dra. Villanueva: Alam ko ang ginagawa ko, alam ko kung paano i-handle ang case na ito. Para naman din sa ikabubuti ni Lenaiah ang gagawin.

Ako: Ehh hindi naman siya baliw!!!!!

Dra. Villanueva: Ipasok niyo na sa loob si Lenaiah.

        Inutusan ni Doktora ang dalawang nurse.

Ako: Huwag!!!!! (malakas na sigaw ko)

        Napatigil ang dalawang nurse at napaharap ulit sakin. Kitang-kita ko sa mga mata ni Lenaiah na ayaw niyang malagay sa  mental hospital (sino ba namang may gusto na mapunta ka sa mental?).

        Nagsimula na akong lumuha.

Ako: Doktora, hindi siya baliw!!!

Atty. Escalante: (hinawakan ang likod ko) Tama na Marco, para ito sa ikabubuti ni Lenaiah.

Ako: (napatingin kay Atty.) Atty. Hindi! Hindi tama ito, hindi namin kayang malayo sa isa't isa at pagdurusa lang ang mararanasan ni Lenaiah diyan sa loob!!

Atty. Escalante: Marco, aalagaan siya diyan...

Ako: (napatingin ako kay Doktora) Doktora!! Alam mo kung sino ang dapat ilagay mo diyan!! Kung may baliw sa mundong ito, si Juanito Alcantara ang dapat niyong ikulong diyan. Siya ang wala sa katinuan, siya ang hayop, siya ang walang awa, siya yung hindi tao at hindi nagpapakatao!! Siya ang may sira sa tuktok!! (bumuhos na ang aking mga luha) Siya yung --dapat---ilagay ---diyan------- hindi ang kaibigan ko!!

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon