Chapter 23

25 3 0
                                    

CHAPTER 23:

Marco's Point Of View:

        Bago ako pumunta sa venue na sinabi ng ale, dumaan muna ako sa Baliwag park , suot suot ko nga pala yung Bayanihan shirt na binigay niya sa akin. Pagkadaan ko sa Baliwag Park, na-badtrip ako, kasi naging kasing kalat ulit siya nung bago ko siya nilinis. Arrgghhh, nakaramdam talaga ako ng kaunting gigil dahil sa nakita ko. Masasayang lang ang kahit anong paglilinis na gagawin, hangga't nandiyan ang nagpapadumi. Badtrip!! Pinaghirapan kong linisin yun tapos makalat na naman!! Pagkadaan ko sa baliwag park, umagang umaga, nandun na agad ako sa venue na sinabi ni Aleng hindi ko alam ang pangalan. Yung sunod na venue ay yung sa sidewalk. Yun ang kailangan kong linisin. Sa kalyeng iyon, nakahilera ang iba't ibang klase ng negosyo, may fastfood chain, may branch ng isang direct selling company, may junkshop, may pagawaan ng TV, may tindahan ng damit,may flowershop, may sanglahan, etc.Ang haba pala ng kalyeng iyon at kailan kong linisin ang sidewalk na katapat ng mga negosyong yun. Sakto, dumating na din agad si Aleng hindi ko alam ang pangalan. Yun, ibinigay niya lang sa akin ang cleaning materials.

Ale: Linisin mo hanggang sa dulo ng botika hah! Babalik ako pagkatapos ng isang oras!! (pasigaw na boses)

        Hindi ko talaga alam kung bakit hindi niya mapababa ang volume ng boses niya.

Ako: Ahmm, ano pong......

        She interjected.

Ale: Sige, aalis na ako!! (pasigaw)  (lumakad na siya palayo)

        Tatanungin ko sana kung anong pangalan niya pero wala ehh, lagi siyang nagmamadali.

        Yun, sinimulan ko na yung routine ng paglilinis at pagkatapos ng 20 minutes ,mga 1/4 pa lang ang nalilinis ko, medyo minamadali ko na nga eh. Nakakatamad din. Hangga't sa may nakita ako ulit na isang batang lalaki na nasa edad 8 years old.

Ako: (Nakatingin dun sa bata) 

        Naglalakad yung bata nun ehh, sa itsura niya, nahinuha ko na isa siyang pulubi. Hindi ko alam ang term na gagamitin.Pulubi lang talaga ang naisip kong gamitin. Yun, naglalakad siya sa direksyon papuntang botika at napansin ko yung dala-dala niya. Dala-dala niya yung teddy bear!! Unique na ang itsura ng teddy bear na yun dahil sa sugat este sa sira sa teddy bear na polar bear na yun. Nandun pa nga yata ang bakas ng sapatos ni Justine.

Sa isip ko: Yung teddy bear, nasa batang yun? Kailangan kong makuha ang teddy bear na yun.

        Sinundan ko yung bata, medyo hindi ako sure sa kung anong gagawin, hindi ko naman puwedeng puwersahing kunin yun sa bata, kawawa naman. Kaya habang di pa ako nakapag-iisip sa kung anong gagawin, yun, sinundan ko na lang muna siya.

Sa isip ko: (habang sinusundan ang bata) Parang nagmamadali itong batang ito ahh! Sana mahingi ko yung teddy bear na yun sa  kanya.

        Yun, malapit lang pala ang hihintoan niya, pumunta siya sa may gilid ng botika.

Sa isip ko: Hmmmm... pagkakataon ko na, bilhin ko na lang kaya sa kanya yung teddy bear.

       Lalapitan ko na sana siya pero napatigil ako nang makita ko ang isang batang babae na mga nasa edad 5 years old. Yun, gusgusin din ang itsura, kawawa ang kalagayan ng dalawang batang iyon, mukhang iniwan na sila ng mga magulang nila. Probably,magkapatid sila, pinakinggan ko ang usapan nila. Nakaupo sa may gilid ng botika yung bata.

Yung batang lalaki: (iniabot ang teddy bear) Ehto na!! (ngumiti) May teddy bear ka na!! 

Yung batang kapatid niya: Wow! Salamat po Kuya!! 

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon