Chapter 69: Marvin's Way Back Home

17 2 0
                                    

CHAPTER 69:

                        Marvin's Way Back Home

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Siyam na buwan sa sinapupunan ni Nanay, ang pinakatahimik at pinakamapayapang bahagi ng eksistensya ko. Hinihintay ko lang na bigyan ako ng aking nanay ng nutrisyon at dinadama ang walang hanggan niyang pagmamahal kahit hindi pa man ako isinisilang. Ang siyam na buwan na ito ay ang pinakamaligaya dahil wala akong tampo kay Nanay at wala rin siyang galit sa akin, at wala pang dinaranas na problema sa mundong ibabaw. Tanging ang pagmamahalan lamang ng hindi pa ganap na buong sanggol at ng isang ina ang bumabalot sa amin. (Pero actually, hindi ko alam yung itsura ko nung fetus ako, wala pa kaming camera nun). Marahil sa siyam na buwan ko sa sinapupunan ni Nanay hindi ako naging malungkot dahil bukod sa pagmamahal ni Nanay, may pagmamahal mula sa isang nilalang na kasa-kasama ko sa loob ng siyam na buwan. Yung iba , mag-isa lang , ako dalawa. Oo, ako ay dalawa dahil ako ay siya at siya ay ako. Ganoon kalalim ang koneksyon ng aking pagkatao sa kakambal ko. Kung wala kang kakambal, marahil, hindi mo naiintindihan ito. Kung may kamukha ka naman, dikitan mo at baka sakaling maintindihan mo. Siguro, nung nasa sinapupunan pa kami ng aking kakambal, kami'y nagpapatintero, masayang magkasama, pantay na pagmamahal ang aming dinaranas mula sa aming ina. Hindi ko alam ang scientific explanation kung bakit nauna siyang lumabas sa akin ng isang minuto, siguro, sa sobrang talino ng kakambal ko ay nagawa niyang gumapang palabas.

ISANG MALAKAS NA SUNTOK SA MUKHA. Yun , ang nabigay ko kay Marvin habang nag-uusap kami sa tapat ng bahay.

Ako: Bigyan mo ko ng mas matinong dahilan!!

        Sinabi niya sa akin ang lahat lahat, sinabi niya ang makabasag-bungong pagpapanggap niya bilang ako para magalit sa akin si Eunice. Sinabi niya sa akin na siya ang lalaking naka-maskara na gumugulo sa akin. Masakit gawan ng masama pero mas masakit kung ginawa ito sa'yo dulot lamang ng mga walang kuwentang dahilan. "I want you to be strong emotionally and physically." , yan ang dahilan na sinabi niya. Ang susi daw para lumakas ako emotionally ay masaktan ang puso ko nang sobra kaya tinulungan niya si Justine sa kanyang plano. Bahagi daw ng pag-momotivate niya sa akin ang mga pinaggawa niya sa akin habang siya'y nagpanggap na isang lalaking nakamaskara. Ano ako? Si San Goku? Lumakalakas pag nasasaktan? Ano ako mag-susuper saiyan? Ano ako bahagi lamang ng kanyang experimento? Siya pala ang bobo eh, mga walang kuwentang rason ang ibinibigay niya sa akin. At sinabi niya sa akin na kamakailan lang, ay nalaman na ni Eunice ang katotohanan.

Marvin: The best way to protect someone is to teach him how to protect himself. It sprouts from being strong...

Ako: Wala akong pakielam sa mga sinasabi mo!!

        Sa pagkakataong iyon, ayokong umiyak, galit lamang ang tinataglay ng pagmumukha ko. Napaka-ironic nga lang na ang taong nangako na poprotekta sa akin ay siya pa ng gumulo ng buhay ko.

Ako: Ikaw ang dahilan kaya nagalit sa akin ang pinakamamahal ko!! Ang sama mo Marvin.

        Hindi niya na maririnig na tatawagin ko siyang "Kuya". Kambal kami pero "kuya" dahil sa dalawang dahilan, una, nauna siya ng isang minuto at pangalawa, nagpapakakuya siya NOON .Hinawakan ko si Marvin sa may collar niya, sobrang higpit ng aking hawak, ramdam na ramdam niya siguro ang galit ko.

        Nang biglang inawat ako ni Nanay at nilayo ako kay Marvin.

Ako: Nanay, bakit niyo po ako pinipigilan!? Hindi niyo po alam kung ano ang dinulot sa akin ng lalaking yan!!

        Galit na galit na ako sa taong tinuturing kong Super Kuya. Magpasalamat na lang siya at tinatawag ko pa siya sa pangalan niya, dapat nga hindi na dahil sa ginawa niya sa akin.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon