Chapter 6

50 5 0
                                    

CHAPTER 6:

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

        Lumipas na naman ang isang araw, at wala pa ring malay si Marco. At sa kabilang banda naman, masayang nagkukwentuhan sina Justine at Eunice.

Justine: Best, may bagong labas na movie, tara nood tayo! 

Eunice: Ayoko muna Best,gusto ko na lang munang manatili dito sa bahay.

Justine: Ahhmmm Best, (kinakabahan) .. Uhmmm,. I will give you something. 

Eunice: Ano yun? Ang dami namang alam nito! Ano ba yan?

May kinuha si Justine sa kanyang bag at ito'y isang bouquet ng bulaklak.

Justine: Para sa'yo Best........ (masayang ibinigay)

Eunice: (pilit na ngumiti) Oh para saan naman ito, anong meron? Hahahah..

Justine: Wala lang, gusto lang kitang bigyan niyan para sumaya ka at unti-unti mo nang makalimutan ang mga naganap.

Eunice: Salamat Best.... 

Justine: May balita ako sa'yo, lumabas na ang resulta ng UPCAT. 

Eunice: Ano Best? Pumasa ba ako?

Justine: I dunno' , check it out.

        Agad na pumunta si Eunice sa kanyang kuwarto at tiningnan sa Internet ang resulta. Hinanap niya sa letter A ang kanyang pangalan at nakita niya ang magandang balita.

Eunice: Yun!! Pumasa ako! BS Civil Engineering!! Best, ang saya ko!!

        Pumasok sa isipan ni Eunice na tingnan din kung pumasa si Marco ngunit hindi niya na ito ginawa bilang pagsunod na rin sa pangako niya kay Justine at bilang kailangan niya na talagang kalimutan si Marco.

Justine: Alam kong may gusto kang tingnan, Sige tingnan mo kung pumasa yung ungas na iyon. 

        Hinanap ni Eunice ang Jimenez at iyon, nakita niya ang pangalan ni Marco na pumasa din sa kursong BS Civil Engineering.

Justine: Pumasa ka din sa Ateneo diba? Hindi ka na dapat mag-UP, hindi bagay sa'yo ang BS Civil Engineering.

Eunice: Gusto ko pa rin doon Best, iyon ang pangarap kong university ehh.

Justine: Magkakalapit na naman kayo ni Marco, maaaring gawan ka na naman niya ng masama, mag-Ateneo ka na lang sa kurso mong Architecture. Mas bagay ka doon, sige ka , mangingitim ka lang sa pagiging Civil Engineer. No choice ka kundi magbilad sa araw atsaka hindi bagay sa isang babae iyon. Atsaka atleast medyo malayo layo ka kay Marco, pag nasa isang university lang kayo, it will be too dangerous for you, Best.

Eunice: Siguro tama ka din Best.

Justine: Good Eunice! Yan ganyan lang. Atsaka kung tatanungin mo kung pumasa ako, huwag na.

        Napatulala si Eunice at biglang naalala ang araw bago niya kunin ang University of the Philippines College Admission Test.

Marco: Eunice!! Bukas na ang UPCAT! Sabay schedule natin diba?

Eunice: Kinakabahan ako Marco.. 

Marco: Ikaw, kinakabahan?.  Ehh pano pa kaya ako? Isa akong taong walang talento sa larangan ng matematika. Yung iba? Isipin natin papasa tayo, tiwala lang. Magiging Civil Engineers tayo! Kinakabahan na din tuloy ako.Eunice: Ano kayang pwede nating gawin para hindi tayo kabahan?

Marco: Alam ko na, hawakan natin ang kamay ng isa't isa habang nag-eexam para parehas tayong may lakas ng loob.

Eunice: Shunga ka talaga Marco, hindi naman tayo magkakatabi niyan ehh , atsaka anong itsura natin pa-holding hands tayo pag-nag-eexaman, mukha tayong shunga. Idadamay mo pa ako . Hahaha

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon