Chapter 58: Secret Boy

20 3 2
                                    

CHAPTER 58:

                                                        Secret Boy

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Pumasok sa training room ang lalaking nakamaskara, dala-dala niya ang kwintas na bituin. Labis na kaba ang naramdaman ko dahil labis na takot ang dinulot niya sa amin ni Lenaiah noon. Yun siya, hawak hawak ang camera ko. Kinakabahan ako pero nangibabaw ang kagustuhan kong makuha sa kanya ang kwintas na bituin. Hindi puwedeng mawala sa akin ang kwintas na bituin na yun dahil iyon ang nagpapaalala sa akin ng pag-iibigan namin ni Eunice. Hindi puwedeng mawala sa akin yun. Habang buhay ko dapat dala iyon para kung sakaling wala na talaga kaming pag-asa ni Eunice, may isang bagay na paulit-ulit magpapadama sa akin kung gaano ako kasaya sa pag-ibig ko ay Eunice.

Ako: Ma'am JC, masamang tao po iyan , mag-iingat po kayo.

Lalaking Naka-maskara: (nakatayo lamang at hawak hawak ang kwintas na bituin)

        Nilapitan ko ang lalaking naka-maskara subalit inawat ako ni Ma'am JC. Naguguluhan na ako sa mga nagaganap.

Ma'am JC: Hindi mo puwedeng makuha yan basta basta... May isang kondisyon para makuha mo yan.

Ako: (palapit na sana ako sa lalaking naka-maskara pero napatigil ako dahil sa sinabi ni Ma'am JC.

Ako: (para akong batang nagrereklamo kay Ma'am JC) Kukunin ko po yun Ma'am JC, pasensya na po kayo pero hindi ko papayagang mawala sa akin ang isang bagay na nagpapaalala sa akin ng isang walang hanggag saya. 

        Nanatili lamang na nakatayo ang lalaking naka-maskara at ako nama'y papalapit na sa kanya. 

Ma'am JC: Papatalsikin kita sa pamantasang ito kapag nagpumilit kang kunin yan nang hindi sumusunod sa kondisyon gusto ko.

        Para akong isang 5 years old na bata na inagawan ng pinaka-paboritong laruan. Hindi ko labis na pinahahalagahan ang mga materyal na bagay. Pamilya ko at ang mga kaibigan ko at si Eunice ang mga tinuturing kong mga kayamanan. Pero iba ang halaga sa akin ng kwintas na bituin, kumbaga meron itong sentimental value, parang nakadikit na siya sa pagkatao ko. Kapag sinabing Marco David Jimenez, kasama na siguro sa deskripsyon ko ang lagi kong suot na kwintas na bituin. Atsaka hindi ko puwedeng mawala ang kwintas na bituin dahil kokotongan ako ni Eunice kapag nawala sa akin. Kumbaga, yung kwintas na bituin na lang ang pinanghahawakan ko.

Ako: Ma'am JC, ano po bang kondisyon? Gagawin ko po ang lahat , maibalik lang sa aking kwintas na bituin na yan. Kahit po ang pagputol sa sungay ng unicorn na lalaking nakamaskara na ito, gagawin ko po.

Ma'am JC: Relax ka lang Marco David, madali lang naman ang ipapagawa ko sa'yo bata, hindi ito agaw buhay.

Sa isip ko: Mabait sa akin at sa iba ko pang kaklase si Ma'am JC , ngunit sa muli kong pagtingin sa mukha niya, sa paningin ko ay para siyang cockroach na may bangs. Nagawa niyang makipagsabwatan sa lalaking naka-maskara na ito, sino ba siya, ano bang gusto niyang gawin at ginugulo niya ako.. Basag bungo naman oh... Pagod na pagod na ang utak ko sa kakatanong ng 'bakit'.

  Ako: Ano po yun Ma'am JC? (maangas ang pananalita ko, pati mata ko, lume-Lenaiah ang peg, nakakasindak pero di ko keri ang nanlilisik na eyes ni Lenaiah)

Ma'am JC:  Dapat lang ay makagawa ka ng 100 push-ups. (ngumiti si Ma'am JC) Kapag nagawa mo iyon, ibabalik niya ang kwintas na bituin.

        Kinabahan ako at natakot na baka hindi ko na mabawi ang pin.

Sa isip ko: 100 push-ups?? 10 push-ups pa nga lang , bumibigay na ako, paano ito? Pero kailangan ko itong gawin, para kay Eunice. Kailangan kong mabawi ang kwintas na bituing iyon. 

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon