CHAPTER 56:
Benzene Ring
MARCO'S POINT OF VIEW:
Marami akong bagay na gustong sabihin kay Lenaiah sa pagkakataong yun, ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa galit ko kay Lenaiah. Ano yung pa-pinky swear pinky swear? Wala lang yun para sa kanya. Napakadali para sa kanya na sirain ang kanyang pangako. Ang bigat sa pakiramdam, parang pasan ko ang universe. Galit ako kay Lenaiah. Nakatayo siya at nakatingin sa akin, sa mga mata ko, at dahil ayokong mapansin niya na naluluha ako kunyari ay pinunasan ko ang noo ko pero ang totoo ay sinubukan ko lang i-wipe yung tears na namuo at pagkatapos nun, galit na mga mata ko ang nakatitig sa kanya. Galit at lungkot ang tila ba naghalo sa mga mata ko. Maiintindihan ko sana kung may ginawang masama si Arthur sa kanya.
Ako: (lumapit sa kanya)
Ako: Hindi ka pa din nagbabago. Nagawa mong manakit ng iba, ano, nakalimutan mo na ba yung pinky swear.
Akala ko noon, eye contact princess si Lenaiah pero sa sandaling iyon, bagama't siya ay nakaharap sa akin, ang ulo niya naman ay nakaharap sa gilid niya, tila ba nakatingin siya sa malayo. Kaliwang side lang ng face niya ang nakikita ko sa kanya. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, alam kong hindi siya bingi para hindi marinig ang mga bagay na gusto ko sabihin kaya nagsalita pa din ako.
Ako: Pa-promise promise ka pa diyan, hindi mo naman pala tutuparin!!
Ako: Lenaiah, special friend ko, gusto kong bigyan ng kulay ang mundo mo, oo , gusto ko na ang mundo mo ay maging mala- paraiso para sa'yo at puno ng liwanag pero paano ko magagawa ito kung ikaw mismo ang nagpapadilim nito! (pasigaw ako pero naiiyak na ako)
For the first time, nakita kong pinipigilan ni Lenaiah ang luha niya at nangangatog ang lower part ng kaliwang mata niya (kaliwang face niya ang nakikita ko) , hindi niya na ito napigilan, bumuhos na ang kanyang luha mula sa kanyang mata, at pipunasan niya ito gamit ang kanyang kamay at nanatili lamang na nakatagilid ang ulo, hindi siya nakatingin sa akin, malayo ang tingin niya, tila ba nakatingin sa kawalan. Nakita ko na siyang umiyak nung nagpakabasa kami sa ulan sa Sinking Garden pero yun ay teorya ko lamang dahil nakita kong namumula ang ilong at pisngi niya at kung sakaling umiyak man siya nun, hindi ako ang may dahilan. Itong sitwasyong ito, nakaramdam ako ng konsensya dahil first time ko lang nakapagpaiyak ng isang babae. Habang umiiyak si Lenaiah, nasasaktan din ako. Hindi ko kayang makitang may dinaramdam ang isang napakalapit sa aking kaibigan. Ganoon din siguro ang nararamdaman ng mga magulang kapag pinapagalitan nila ang kanilang mga anak, nasasaktan din sila. Patuloy ang pagluha ni Lenaiah at tila ba wala siyang balak magsalita. Ako naman, patuloy akong naglabas ng sama ng loob.
Ako: Noon pa man , ganyan ka na , high school ka pa nga lang daw ehh, hindi ko maintindihan kung ano ba yang problema mo!! Ano, masaya kang nanakit ka ng iba!? Ha?!!! Anong klase kang tao!!!
Nagpatuloy pang tumulo ang luha ni Lenaiah, doon ko lang siya nakitang umiyak ng ganun at yung fact na ako yung nagpa-iyak sa kaibigan kong gusto kong alagaan , nakaka-guilty. Parang hindi ako gentleman. Mataray na babae si Lenaiah pero hindi ko naman siya gustong naiiyak
Ako: Siguro ngayon, gusto mo akong sipain, gusto mo kong sampalin, gusto mo kong anohin, ahmmm saktan!! Diba, ganyan ka Lenaiah!! Diba!?
Lenaiah: (umiiyak nang umiyak , nakatingin sa kawalan, kinakagat ang thumb niya para yata pigilin ang pag-iyak niya)
Ako: Hindi ko alam kung anong delubyo ba yang nararanasan mo, kung bakit ka ganyan!!! Ang sama sama mo talaga.Oo nga noh, ano nga ba ako sa'yo para tuparin mo ang pangako mo sakin? Ha, isa lang naman akong makulit na nilalang na pilit nakikipagkaibigan sa masamang babaeng kagaya mo!! (galit)
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...