Chapter 66: The Child In You

24 3 2
                                    

CHAPTER 66:

                                The Child In You

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

Nabasa ni Eunice ang isang bahagi ng artikulo tungkol sa kakambal ni Marvin na si Marco.

Eunice: (natataranta) Arlene, Arlene, Arlene!!

Arlene: Relax ka lang girl uy. 

Eunice: Arlene!! Tingnan mo itong nabasa ko!!

        Binasa ni Arlene ang artikulo. 

Arlene: Oo, naalala ko na sinabihan ako ng Papa ko noon na bilib na bilib daw siya sa batang iyan. May kakambal pala si Marco?

Eunice: Ngayon ko lang din nalaman ito!! Sabi sa akin ni Marco noon, dalawa lang silang magkapatid, si Baby Angel lang daw at siya.

Arlene: So ano naman girl kung alam na natin na may kakambal siya?

Eunice: Arlene, possible na hindi si Marco ang kumidnap sa akin noon kundi itong kakambal niyang si Marvin!!

Eunice: Tara, samahan mo ako pauwi ng Bacoor, tara bilis.

Arlene: Gagabihin na tayo kapag pumunta tayo sa inyo.

Eunice: Bastaaaaaaaaa, samahan mo ko samin at dun ka na rin mag-stay.

October 27,2010, Thursday 11:00 AM

Nag-uusap sa may salas ng bahay nina Justine , si Justine at Eunice.

Eunice: Ahmmm , Best, sorry kung may nasabi akong hindi maganda nung isang araw ahhh.. (ngumuso)

Justine: Ohh, don't mind that Best, what's important to me is that you're ok.  (ngumiti kay Eunice)

Eunice: Napapansin ko na nung recent months , madalas na tayong nag-aaway pero wish ko na hindi na tayo mag-away muli. Wala namang makakasira sa pagiging mag-bestfriends natin diba??  (ngumiti)

Justine: Yeah, Best, walang makakasira sa pagiging mag-bestfriends natin. (ngumiti kay Eunice)

Justine: Best, yung tungkol sa nabasa mong article, kahit pa sabihin natin na may kakambal yung Marco na yun, we're not yet sure kung yung gumawa ba ng pagkidnap sa'yo ay yung kakambal ni Marco.

Eunice: (ngumiti lamang)

        Naglakad na palabas ng bahay si Eunice at naiwan na lamang sa loob ng bahay si Justine. Kabadong kabado si Justine at tila ba hindi niya na alam ang gagawin niya. Maski siya ay parang natatanggap na sa sarili niya na malalaman na ni Eunice ang katotohanan.

        Sa may tapat ng bahay nina Eunice ay naghihintay si Marvin. Nakasakay siya sa kotse at hinihintay niya lamang ang pagdating ni Eunice.

Sa isip ni Marvin: Hmmmm... Nagkamali si Justine na tinawag niya pa sa akin na alam mo na na may kakambal si Marco, yan tuloy, ako na ang magkukumpirma sa'yo Eunice ng katotohanan.

Sa isip ni Marvin: Masyado nang durog ang puso ni Marco, panahon na para magkasundo na kayong muli.

        Lumipas ang ilang minuto at nakarating na si Eunice sa tapat ng bahay nila. Napansin ni Eunice ang itim na kotse na nakaparada sa harapan ng bahay nila. Dahan-dahang binaba ni Marvin ang bintana at laking gulat ni Eunice sa nakita niya. 

Sa isip Eunice: (gulat na gulat) Ahhh,siya nga yun, yung mga mata niya, siya ang kumidnap sa akin, siya si Marvin.

Marvin: (ngumiti at isinara ang bintana)

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon