Chapter 8

49 5 0
                                    

CHAPTER 8:

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

        Sa eskwelehan, nagtungo si Melanie at ang baby sister ni Marco na si Angel.

Baby Angel: Wow, ang danda dito, dito po school ni kuwa?

Melanie: Oo Baby, Shhhh. Huwag kang maingay, may nagkaklase. Keep quiet lang Baby ahh.

        Hinanap ni Melanie ang classroom nina Marco. At natagpuan niyang nagkaklase pa ang guro. Kaya minabuti muna ni Melanie na hintaying matapos ang klase.

Ma'am Villacarillo: Ok class, review for a long test tomorrow about  Thermodynamics. You may now take your 30 minute recess. 

Students: Goodbye Ma'am Villacarillo , see you tomorrow.

Dexter: Sh*t, may exam na naman si Ma'am, pahirap. 

Reynaldo: Justine, patabihin mo naman ako sa bestfriend mo bukas, mangongopya ako. Diba Dexter? Hahahhaa

Dexter: Tama yun Reynaldo , oo nga Justine, ga-graduate na naman, para tumaas naman ang grades ko, ibibili daw ako ni Dad ng I Phone 4s pag nangyari iyon, hindi ko na mahintay.

Justine: F*ck you. Mag-aral kayo. Mga tanga! 

Dexter: (na napatingin sa labas) Ui Justine, tumingin ka sa labas, diba Nanay ni Marco yun? Nandiyan yung Tita mo Justine!  Hahaha

 

        Nagtawanan sina Reynaldo at Dexter.

Justine: Asa kayo, Oo nga, nanay nga ni Marco.. Hmmm. Pero akala ko nung una bagong janitress dito sa school. (Nagtawanan ang tatlo)

Justine: Kasama pa yung kapatid niya, parehas silang mga mukhang estupido.

        Lumabas si Ma'am Villacarillo at kinausap si Melanie.

Ma'am Villacarillo: Ahmm.. Mrs. Jimenez, you're here, tamang tama. Kumusta na po si Marco?

Melanie: Iyon, nagising din sa wakas, salamat sa Diyos.

Ma'am Villacarillo: Owwww.. Good, mabait yung bata na iyon, sana magpatuloy ang kanyang paggaling. 

Melanie: Kaya lang po, hindi po siya makakapasok ng isang buwan ayon sa doktor.

Ma'am Villacarillo: Ok lang po yun, napaghandaan na po namin yan with my co-teachers. Tara po sa faculty, pag-usapan po natin yung tungkol po dun misis.

        Tumingin si Melanie kay Baby Angel at nilapitan ito upang isama sa faculty subalit pinagkakaguluhan si Baby Angel ng mga babaeng kaklase ni Marco.

Sharlene: Ang cute cute mo naman.. (kinurot ang pisngi ni Baby Angel) . Anong name mo?

Baby Angel: My name is Angel. (yung tono ng bata pag sinasabi ang pangalan nila)

Monique: Ang cute mo, pabuhat nga.!! (binuhat si Baby Angel)

Ma'am Villacarillo: Misis, iwan niyo na lang po kaya muna yung Baby niyo, sila na pong bahala munang magbantay.

        Lumapit si Melanie kay Baby Angel. 

Melanie: Baby, wait lang ahh, may pupuntahan lang si Nanay. Bye baby, saglit lang ako.

Baby Angel: Bye-bye. 

        Habang papalayo na si Melanie, nakipaglaro naman si Baby Angel sa mga kaklase ni Marco. Nasa loob lamang ng classroom si Eunice. Napukaw ang atensyon niya kay Baby Angel subalit nanatili pa din siyang nakaupo habang nakatingin kay Baby Angel.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon