Chapter 12

34 4 0
                                    

 

CHAPTER 12 

MARCO'S POINT OF VIEW:        

 

        Lumipas pa ang mahigit dalawang linggo. Marso 14, 2010 na, at malapit na ang graduation namin sa Marso 24,2010.Nabanggit sa akin ni Otep ang tungkol sa engkwentro niya kay Justine at ang mga sinabi ng lalaking iyon. Hindi ako maniniwala hanggang hindi si Eunice ang nagsasabi. God knows na wala akong ginawang masama. Natiis ko ang dalawang linggo ng kalungkutan.Yung hindi siya nakikita. Sa mga panahon lungkot na lungkot ako, inilalapit ko na lamang ang kwintas sa aking puso. Naibilina rin ni Otep ang teddy bear, buti na lang ay tumama ayon sa dekripsyon ko. Itinago ko muna ang teddy bear sa ilalim ng kama, ilalabas ko na lang yun sa graduation.At sa dalawang linggong iyon, nagpa-load ako ng regular, at halos araw-araw kong tinext si Eunice ngunit wala siyang reply.Tanggal na din ang pahirap na semento sa aking paa. Pumunta ako sa banyo upang maligo. Nag-monolog ako, habang sinasabon ko ang ang aking katawan. 

Ako: Bukas, makakabalik na rin ako sa eskwelahan, sa wakas! Bakit kaya ganun  Eunice? Hmmm.. inaasar mo lang ako siguro noh? Unggoy ka talaga, nag-tatampong ewan. Akala mo Eunice ahh!! Pero kahit papaano napa-sad mo ako, pero hindi uubra sa akin yang pangangasar mo. Hahaha . Bukas na bukas na, excited na talaga ako. Woooh. Eunice, makikita na din kitang muli. 

        Nang biglang may kumatok sa pintuan, toktok tok tok...

Nanay: Marco, ano ba yan, ang tagal mo namang maligo!? Ano bang ginagawa mo?

Ako: Teka lang po Nanay, naglilinis lang po akong maiigi para bukas. Hahahaha

Nanay: Bilisan mo, sayang ang tubig!

Ako: Ito na po Nanay. Matatapos na po.

        Pagkalabas ko sa CR, iyon, nag-ayos akong maiigi ng aking itsura. Grabe nga ang excitement ko nun, kinabukasan ko pa naman makikita si Eunice pero ibang klase ang pag-aayos ko sa aking sarili. Nagtungo ako sa may salas namin upang mag-review sa unit tests at periodical exams. Hayyy , dobleng pasakit, unit test tapos periodical. Kinabahan ako dahil sa tingin ko mukhang mahihirapan talaga ako, ikaw ba naman ang hindi pumasok sa mahigit sa isang buwan. Huli na ang utak ko sa mga lessons. 

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

Sa bahay naman nina Eunice,

Justine: Best, ang hirap naman nito, ituro mo nga sa akin itong sine law at cosine law..

Eunice: Ganito kasi yan...... (biglang dumating si Felicia)

Felicia: Ohhh mag-meryenda muna kayong dalawa. (nagdala ng sandwich) At Eunice, pakikuha nga muna yung salamin ko sa kuwarto.

 

Eunice: Ahh ok po Mommy...

        Pumunta si Eunice sa kuwarto ng kanyang mommy. Lumapit si Felicia kay Justine at kinausap niya ito. 

Felicia: Ahmm Justine, I know that you and Eunice have been the best of friends since..... you were kids. (seryoso)

 

Justine: Oo nga po Tita ehh, bestfriend ko po talaga si Eunice. At masaya po ako doon.

        Tumingin ng deretso si Felicia kay Justine.

Felicia: Deretsuhin mo ako, tell me the truth, do you like my daughter?

Hindi sumagot si Justine at isinubo na lamang ang sandwich.

Felicia: Ahmmm , malakas ka sa Daddy niya, ang Papa mo at ang Daddy are bestfriends too. My husband will surely like you to be my daughter's fiance'. At hindi ko na pala kailangang tanungin pa kung gusto mo siya, halata naman.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon