Chapter 30

54 3 0
                                    

CHAPTER 30: 

MARCO'S POINT OF VIEW: 

        Yun, patuloy pa din ako sa pakikipag-usap kay Joseph. Tinanong niya ako kung ano daw ba ang pinagkaiba ng puppy love sa  true love. Common sense lang ay sapat na para masagot ang tanong niya pero malamang ay may sariling pananaw si Joseph tungkol sa puppy love at true love kumbaga may sarili siyang depenisyon. Ang ironic nga lang na marami siyang alam sa love subalit sawi siya sa pag-ibig.

Ako: Ano ba namang klaseng tanong yan?

Joseph: Sasabihin ko din sa'yo ang pinagkaiba nila kapag kilalang kilala mo na si Lenaiah. (may twang)

Ako: Gumagawa ka ng issue Bro, gusto ko nga lang siyang maging kaibigan.

Joseph: I saw you last time near the math building, you were approaching her and I saw the sparks between the two of you. (may twang) 

        Hayyy, siguro nga normal na sa mga teenagers na pinaglilink yung isang guy at isang girl. Cool din naman kasi parang may pag ganung issue, may mapag-uusapan.

Sa isip ko: pa-sparks sparks ka pa. Hayyyyy Basag bungo naman oh.

Joseph: I will tell you their differences when you become very close to Lenaiah (ang naughty nang pagkakasabi)

Ako:   Bahala ka diyan , Bro, magpapalamig lang ako sa may Sinking Garden, at uuwi na rin naman ako bukas.

        Lumakad ako palabas papunta sa may Sinking Garden, yun umupo ako sa may damuhan pinagmasdan ang mga tao na gumagawa ng iba't ibang laro. IBA'T IBANG LARO. Yun, tiningnan ko na lamang muli ang aking kwintas na bituin, inisip ko sino pa ba kundi ang pinakamamahal ko, ang pinakamagandang likha ng Diyos, Eunice Alcantara. Walang araw na hindi ko siya inisip.Inisip ko din ang konti kong pagsisi na ginawa ko yun kay Oble, hayyssss, suspended. Laking gulat ko nang mag-ring ang world class kong cellphone, the mother of the mother of modern phones, Nokia 3210. Astig, nakaka-enjoy yung larong "snake" sa cellphone na yun, ang ganda ng halimbawa ng larong iyon. Ang sariling katakawan ng ahas ang nagpapahamak sa kanya. Kasi humahaba nang humahaba yung ahas habang nakakakain ng pagkain at pag nagkataong mabangga niya ang sarili niyang katawan, yun, dead. Meron pang isang laro, "Space Impact", ok din, cool. Yun, nagpatuloy sa pag ring ang cellphone ko. 

Ako: (nakatingin sa Sinking Garden, nagtataka kung sino yung tumatawag)

Ako: (sinagot ko yung tawag)

Ako: Ahmm , hello, sino po sila? 

        Yun, marunong din naman ako ng phone etiquette (yes, the term, etiquette) kahit papaano. Hindi naman ako yung tipong sumasagot ng "Hello, Hello, Hello" Yung tipong malakas yung pagkakasabi.  Ako, may konting hinhin.

Yung tumawag: Good afternoon, ako yung secretary ng Dean ng College of Engineering.  

Ako: Ahmm , bakit po? 

Yung tumawag: Ahhmm , your suspension was cancelled Puwede ka nang muling pumasok .

Ako: AHmmm Salamat po , salamat po , salamat po ,... Sure na po yun? 

Secretary: Oo, iho, huwag mo nang gagawin yun ahh, sige, bye, marami pa akong aasikasuhin. (tinapos na ang phone call)

Ako: Yes!! (napatalon ako, feeling ko nanalo ako sa lotto)

Ako: Ahhhhh , ano kayang dahilan.

        Ninais ko pa sanang bumalik sa office ni Mr. Dean pero kinabahan ako baka bawiin pa. Pero nakaka-curious din talaga kung bakit binawi niya. May mga dahilan talagang hindi na natin kailangan pang alamin, lasapin na lamang ang magandang bunga nito. Nag-picture picture muna ako sa Sinking Garden, pandagdag sa ikukuwento ko kay Tatay. 

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon