Chapter 51

26 3 0
                                    

CHAPTER 51:

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Yun, nakaupo na si Princess Lenaiah sa upuan. At tumungo na rin ako malapit sa kanya. Kinuha ko na yung tapsilog na binili ko sa Rodic's, nakalagay iyo sa isang styro kemeng container. 

Princess Lenaiah: (inaabot ang container sa akin)

Ako: Oooopss (nilayo ko yung container mula sa kanya)   Ako na po ang magpapakain sa inyo mahal na prinsesa.

Ako: (binuksan ko yung container, yun , kinuha ko yung kutsara't tinidor sa loob)

Ako: (kinutsara ko yung kanin at tapsilog)

Ako: Mahal na prinsesa , kumain na kayo, nganga po kayo mahal na prinsesa (sinusubo ko na sa kanya yung kanin at ulam)

Princess Lenaiah: (hindi binubuka ang bibig , umiilag) Kala ko ba tinatrato mo akong prinsesa  ehh it seems that  ginagawa mo naman akong inutil (medyo mataray)

Ako: Sige na mahal na prinsesa..

Princess Lenaiah: Bahala ka Marco.

        Yun, hindi  naman pala mahirap pilitin si Princess Lenaiah, yun, patuloy kong sinubo sa kanya yung pagkain hanggang sa ito ay maubos kaya lang , madaming kanin ang naglaglagan. Parang lumabas tuloy na mas madali pang subuan si Baby Angel. Noong una ko pa lang makilala si Lenaiah, gusto ko na siya kaagad kaibiganin pero habang nakikilala ko siya parang unti-unting nababawasan ang tiwala ko na magiging magkaibigan pa kami dahil sa sobrang pait ng ugali niya. Ayos lang namang makipagkaibigan sa isang tao na may napakasamang ugali basta't siguraduhin mo na tutulungan mo siyang mabago ito at kung alam mong ikaw ang nasa tamang posisyon, ipaglaban, isa kang tunay na kaibigan kapag nabago mo ang kaibigan mo. Pero mukhang nagsisimula palang ang pagbabago na gusto kong mapagmasdan kay Lenaiah. Magiging mapag-pasensya ako, ang mga bagay na nagsisimula ay may katagalan pero unti-unti rin itong matatapos hanggang mapangiti ka na lang dahil sa successful ang kakahinatnan nito. Madaming kanin na nasayang dahil nalaglag, pero habang sinusubuan ko si Lenaiah, unti-unting nababawasan amount ng kanin na nalalaglag , kumbaga, nakuha ko na ang tamang way.

        Dahil kulang ako sa manpower, wala yung guys na in-invite ko pati na din si Dianne, Reynalyn at Joseph na nag-bi-British accent kahit mukha namang Indian. Hindi ko tuloy ma-eexecute ang iba pang surprises ko kay Princess Lenaiah. Ilang gabi ko pa naman pinagpuyatang planuhin yun. Nung moment na umiinom si Princess Lenaiah, nag-isip ako ng paraan para mapasaya pa siya. Ang pagkakaalam ko kasi, sa isang kaharian, hinahanap nila ang pinakamagagaling sa larangan ng musika sa buong nayon para pasayahin ang royal family. Since, ako at si Lenaiah lang naman ang nasa loob ng multi-purpose hall, ehh di ako na lang ang mag-eentertain sa mahal na prinsesa. Ang dami ko nang ginawa kumbaga parag jack of all trades, master of none pero iba naman ang pinaghuhugutan itong ginagawa ko. I'm trying to be a jack of all trades to make that princess happy.

Ako: (Lumayo ako sa kanya)

Ako: Mahal na prinsesa, panoorin niyo po itong ihahandog ko.

Princess Lenaiah: Marco, ano na naman yan, What will you do? (may konting katarayan)

Ako: Watts and learn. At sorry mahal na prinsesa , wala kang tagapaypay. 

Princess Lenaiah: Hzz... Ok lang.

        Yun, magsisimula na ako sa pag-awit, at hindi naman ako kinakabahan na baka masira ang debut ni Lenaiah, hindi naman ako boses palaka kahit favorite kong ulam nung nasa Bataan ako ay palaka. Hindi rin ako mukhang sardinas kumanta kahit na ang favorite kong ulam ngayon ay sardinas na sinahugan ng vetsin, sayote,kangkong,bawang at sibuyas.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon