Chapter 9

49 5 0
                                    

CHAPTER 9:

MARCO'S POINT OF VIEW:

        "Pasado ka sa UPCAT, BS Civil Engineering , Pasado ka sa UPCAT, BS Civil Engineering,Pasado ka sa UPCAT, BS Civil Engineering".. Paulit-ulit tumakbo sa isipan ko ang mga katagang ito. Napatulala ako at naglakbay na naman ang aking isipan Alam ko rin sa puso ko na pumasa si Eunice. Master ko kaya yun, naisip ko na matutupad na ang mga pangarap namin ni Eunice." Habang nakatulala ako ay nag-flashback sa akin ang mga pangyayari noong August 1, 2009. Kakatapos lang ng pagsusulit namin nun. Parehas ang schedule namin ni Eunice. May naisipan din kaming gawin. Nag-magic kami, holding-hands while taking the exam pero hindi talaga literal, magic lang. Inisip ko na ang lapis na hawak ko ay ang kanyang kamay, ganoon din siya. Doon ako nakakuha ng lakas ng loob. Una akong nakalabas ng exam area nun kaya hinintay ko siya. Nakita ko naman si Justine na sa kinasawiang palad ay batch 2. Buti nga sa  kanya. Agad na sinalubong niya si Eunice at ako'y nakatingin lamang sa kanila sa isang tabi.

Justine: Musta Best? Mahirap ba? Pero alam kong nagawa mo ang the best mo! 

Eunice: Syempre naman, may nagpalakas ng loob ko.

        Ngumiti si Justine na parang feeling niya na siya ang nagpalakas ng loob ni Eunice. FEELER.

Justine: Sino? Si Marco ba Best?

        Nang marinig ko yun,nalaman ko na ako pala yung assuming,hindi naman pala inisip ni Justine na siya ang tinutukoy ni Eunice. 

Eunice: Secret ko na yun Best, (inilabas niya ang kanyang dila na parang nangangasar)

        Natawa lang ako sa ginawa ni Eunice.

Justine: What da f! Grabe Best, pa-secret secret ka na talaga.

Eunice: Sige na best, pumasok ka na sa exam area. Naniniwala akong kaya mo din yan. Go Best! Sige na, pumasok ka na Best... Goodluck.

        Narinig ko na sinabihan ni Eunice ng "goodluck" si Justine. I do not prefer to use that word, "goodluck" ano yun suwerte suwerte lang. Dapat sa mga seryosong bagay  gaya nun, "God bless or do your best" ang sabihin. Pero kahit ano namang sabihin mo, basta suportahan mo ang kaibigan mo, ayos na din iyon. Pumasok na si Justine sa exam area, lumapit ako kay Eunice at napatingin samin si Justine. Inilabas ko ang dila ko yung tipong inasar ko si Justine. Asar na asar ang kanyang mukha na parang puputok na ang nag-iisa niyang "pimple" sa noo. Lumakad kami palayo at kumaway naman si Eunice kay Justine at sinabing "Go Best!". Iba din talaga ang friendship nila or sabihin na nating "bestfriendship" nila. Kahit na masamang nilalang pala ay puwedeng maging isang bestfriend ang tulad ni Eunice. 

Eunice: Marco, tara kain tayo  sa Jollibee! Nakakagutom yung exam! (nakangiting sinabi)

        Napalunok ako ng dalawang beses nang marinig ko yun. Amf. Nangyari na naman, sakto lang talagang pang pamasahe ang dala ko, ayy hindi pala sakto, may sobra din naman kaya lang hindi ganoon kalabis para ma-afford ang pagkain sa jollibee. Yun lang eh, feeling ko kasi hindi ang pagkain yung binabayaran kundi yung pangalan ng fastfood chain. 49 pesos ang spaghetti nila samantalang kung bibili ka sa palengke, kinse pesos lang. Ang laki ng gap pero sa pagkakaalam ko naman, sosyal ang ingredients na ginagamit sa fastfood chain na yun. Pero wala akong pakielam masyado sa ingredients,basta SPAGHETTI, yun na iyon. Pag kinain mo naman yun, isa lang din ang kalalabasan at patutunguhan nun. Nauutal-utal akong sumagot kay Eunice.

Ako: Ahh (mabagal) Sige ba? (nauutal-utal)

Eunice: Treat ko na ito Marco! Let's celebrate! Ano ka ba? Tara na.

        Nakatayo lamang ako at bigla niyang hinatak ang aking kamay. Yun oh, holding hands na talaga. Hahahah

Eunice: Tara na!! Gutom na ako!! (patuloy na hinatak ang aking kamay)

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon