Chapter 72: Save Thy Friend

20 3 0
                                    

CHAPTER 72:

                                Save Thy Friend

MARCO'S POINT OF VIEW:

ENGR. JUANITO ALCANTARA. Isang Inhinyero. Civil Engineer para specific. Ang tinagurian kong "Future Father-in-law". Nais ko Isa siyang taong hindi karapat-dapat makatanggap ng aking RESPETO. Si Juanito Alcantara at si Grachhus ay iisa. Hindi niya alam kung paano tumrato ng babae. Ang babae, ginagalang, hindi winawalang-hiya. Ang dapat diyang kay Juanito Alcantara, itali sa puno at ipakagat sa mga langggam hanggang sa internal organs niya na lang ang matira!! Tapos , dudurugin ko ng pinong-pino!

NARRATOR'S POINT OF VIEW:

        After 30 mins, nasa may labas na sina Otep at Lenaiah. Sila ay nasa tapat na ng puting bahay. Sina Marco naman ay nasa likuran na ng bahay. Ang bahay na ito ay may matataas na pader na nag-se-separate sa iba pang bahay. Nagawa nina Otep at Marco na ibitin si Juanito Alcantara (Grachhus) na nakabaliktad. Gamit ang makapal na rope, nakatali ang mga paa ni Grachhus sa railings ng veranda sa taas ng likod ng bahay. Nanginginig na sobrang galit si Marco. Bakas na bakas ang galit sa mukha niya. 100 beses na mahigit pa sa galit na naramdaman niya kina Marvin, Arthur, Justine o iba pang kinagalitan niya. Ito ay galit na pilit na kumakawala sa damdamin ni Marco. Samantala, si Engr. Alcantara naman, ay medyo nahihilo dahil sa binuhos sa kanya ni Otep. Pero, nakikilala niya din si Marco at gising ang diwa niya.

Marco: Bakit Juanito!?? Bakit Juanito?! ------

        Halos hindi na makapagsalita si Marco dahil sa mga luhang pumapatak. Nanginginig ang labi at kamay ni Marco.

Marco: Isa lang naman ang ginusto ni Lenaiah, ang mabuhay nang masaya kasama ng kaibigan niyang si Francia, wala siyang ginawang masama sa'yo, wala siyang ginawang masama sa iba pero bakit..--- ba--kit----- ....  Sa bawat sandali na sinasaktan mo siya, binababoy, ano ang nasa isip mo?? Hindi ka man lang ba  -----

        Napaluhod si Marco, at bumuhos pa ang mga luha niya, nanghina ang katawan niya dahil sa hinagpis na nararamdaman niya, pero muli siyang nang may tibay ng loob para ilabas lahat ng hinanakit niya. Saglit na naging malabo din ang pagsasalita ni Marco at hindi maintindihan ang sinasabi niya dahil sa sobrang pag-iyak.

Marco: Ehmm, ehmm, Hindi ka----- man--- lang --- ba nakaramdam ng kahit kaunting awa sa kaibigan ko.

        Muling luminaw ang pagsasalita ni Marco pero patuloy pa din ang pagbuhos ng luha ni Marco. Tila ba nararamdaman din ni Marco ang pasakit na nararamdaman ni Lenaiah.

Marco: Isang mabuting tao si Lenaiah, bakit mo siya kailangang babuyin ,ha!!??------- Alam mo ba kung anong ngiti ang tinataglay niya? Iyon ay ganda na bihira lang mapagmasdan sa mundong ito pero inalisan mo siya ng dahilan para ipamalas sa mundo ang mala-langit na ngiting iyon, Juanito!!

Juanito(Grachhus): Ibaba mo ako dito!!

Marco: Daddy ka pa man din ni Eunice!! Alam mo ba kung gaano ka niya kamahal, alam mo ba na bawat pagsisikap niya ay alay niya sa'yo , alam mo ba na ikaw ay inspirasyon niya, alam mo ba na na-mimiss niya na ang pagpapaka-tatay mo, mahal na mahal ka niya pero hindi ka dapat mahalin!! Hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal ni Eunice at ng kahit sinong tao dito sa mundo. Hindi ka tao!!!

        Bumuhos pa ang pagluha ni Marco.

Marco: Buti hindi siya nagmana sa isang katulad mo!!!

        Kumuha ng garden hose si Marco at inikot ang gripo nito para lumabas ang tubig mula sa hose.

Marco: (hawak-hawak ang hose) Una ko pa lang na nakita si Lenaiah, alam ko na may mabigat siyang pinagdadaanan pero hindi ko alam na ganun pala kasalimuot yun. Kung mas maaga ko lang nalaman, mas maaga ko din sana siyang nailigtas. Pero kahit patayin kita ngayon, hindi na mabubura ang inukit mong kahayupan sa pagkatao ng mahal na mahal kong kaibigang si Lenaiah!!!

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon