CHAPTER 37:
MARCO'S POINT OF VIEW:
Yung voice sa phone: Marcoooooooooooooooooooooooooooooooooooo!!!! (masiglang boses ng babae)
Yung sayang naramdaman ko mga 1 second lang siguro. Sobra sobra ako mag-assume, akala ko si Eunice, medyo magkalapit din yung boses nila at parehas pa ang pagkakabigkas nila ng "Marcooooooooooooooooooooooooooooooooooo". Ganun maglambing sa akin si Eunice. Kaya lang , madali ko ring napagtanto na hindi iyon si Eunice.
Ako: Sino po sila? (napraktis ko na yung phone etiquette, hindi na ako yung tipong nagsasabi ng malakas na hello, hello, hello)
Yung voice sa phone: Marco, si Monique ito.
Ako: Monique, salamat sa pagtawag.
Monique: Happy Birthday ahhhh, sige , hanggang doon na lang.
Ako: Salamat Monique.
Ahh,si Monique, isa sa mga high school friends ni Eunice, isa sa mga supporters ng Marnice, este Eurco, sige Marco-Eunice love team. Pero bilang isang fan, siguro, nanamlay na siya dahil natapos na ang teleserye namin ni Eunice. Ang sakit pakinggan.
Yun, nagpaalam na si Monique.
At habang naglalakad ako patungo sa next class ko, hinanap kong muli si Lenaiah, super classmate ko yun at alam ko ang pinupuntahan niya sa break time.
Yun, sakto, papunta pa lamang siya sa CASAA. Hindi ko sure kung acronym yung CASAA o Casaa dapat siya, basta, kainan yun sa U.P. Diliman, doon ang hilig kainan ni Lenaiah, or dahil malapit lang sa next class namin. Basta yun.
Ako: (para akong magician na biglang sumulpot sa harapan ni Lenaiah, nagulat ko yata siya)
Lenaiah: (napaatras siya dahil sa gulat)
Lenaiah: (yun, ang taray na naman ng mukha) Puwede ba, huwag mo kong gulatin, stupid guy!?
Ako: Sorry , sorry Lenaiah, alam mo naman kung anong okasyon diba, wala ka bang sasabihin friend? (yung postura ko parang isang Bench model)
Lenaiah: Hzzzz.. Ano na naman yan?? Oo, alam kong birthday mo ngayon, at alam kong alam mo na wala akong pakielam.
Ako: Ehhh kung ilibre kita ng lunch? (Aww, nagkamali na naman yata ako ng banggit, hindi ko na nga mapagkasya ang pera ko para sa sarili ko, manlilibre pa ako)
Inisip ko na lang na mag-sacrifice ako ng isang meal para lang mailibre ko ang kaibigan ko tutal birthday ko din naman,minsan lang ito.
Lenaiah: AYOKO.
Ako: Sige na, naaalala mo yung pinabili mong kwek-kwek sa akin nung tinakot tayo ng lalaking naka-maskara? Sorry, nakain ko yun dahil sa pagkataranta, at ngayon, babawi ako, ano friend pwede na ba?
Hindi lang pala kami tinakot ng lalaking naka-maskara, naiwan pa din yung ilang pasa ng paghampas niya sa akin pero ang importante, hindi niya nasaktan si Lenaiah.
Lenaiah: (Maglalakad na pa-deretso pero hinarangan ko)
Ako: Lenaiah? Sagot ko na nga ehh.
Lenaiah: Ohh sige na, bahala ka stupid guy. (uhmmm, mataray, pero slight lang, ganun na talaga siguro yung normal na si Lenaiah, wala na akong magagawa haahaha)
At yun, nasa isang table na kami, ako ang pumili ng pagkain namin dahil sabi na naman niya ulit sa akin, "Bahala ka!"
Habang kami ay kumakain, nagkuwento ako ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...