CHAPTER 45:
Friend Request
MARCO'S POINT OF VIEW:
Ilusyon. Kalokohan. Naloko ako ng isipan kong nananabik na makitang muli si Eunice, perpektong perpekto sa isipan ko ang pagmumukha ni Eunice kahit wala akong photographic memory. Meron naman siguro akong photographic memory , panget lang talaga ang graphics, bulok, paypay,panget ang resolution, sadyang yung nagdadala lang yung guwapo. Nakatingin pa rin ako sa napakagandang mukha ng babaeng inakala kong si Eunice. Unti-unting naging malinaw sa aking isipan kung kaninong mukha ang nakikita ko, maganda rin siya, "Ito ba ang sign na bigay sa akin ni Lord? Siya ba ang destiny ko?" Pinapayungan niya ako at nakatingin siya sa aking mga mata. "Disappointment ba itong nararamdaman ko?" Ako yung tipo ng tao na nalilito sa pa sa damdamin ko, ibig sabihin, hindi ko pa talaga lubusang kilala ang sarili ko. Yan, pinapayungan na ako, siya ang binigay na sign ni Lord, ang destiny ko at ang true love ko, Lenaiah Mae Maglinao. Nawala na ang tampo ko sa kanya sa pagsira niya ng camera ko pero in-unfriend ko na siya, final na ang desisyon ko, napagod na akong intindihin pa siya, pinagtabuyan niya na nga ako, lahat yata ng masasakit na salita , nasabi niya na sa akin. Sa isipan ko nun, "Ganito ba yun Lord? Siya ba yung sinasabi niyong destiny ko , ang true love ko?, kasinungalingan". Parang ayoko na tuloy maniwala sa mga sign sign na yan.
Lenaiah: (pinapayungan ako) Marco, bakit ka nagpapakabasa sa ulan? Ikaw na lang ang nandito sa Sunken Garden.
Ako: Bakit mo ako pinapayungan? (seryoso kong sinabi)
Sa isipan ko: (mahigpit kong hinawakan ang kwintas na bituin) Lord, siya ba ang destiny ko? (bumitaw ako sa pagkakahawak sa kwintas na bituin ko)
Lenaiah: Wala lang , baka magkasakit ka kasi. (walang emosyon, as always)
Sa isipan ko: (nagtataka) Hah? Ano ang nakain ng taong ito.
Tumayo ako at humarap ako sa kanya, sobrang lapit ko sa kanya, siya yung lumapit para mapayungan niya ako.
Ako: Huwag kang mag-alala, matibay ang resistensya ko.
Lenaiah: (hawak hawak ang kanyang payong) Hzzzzzz... Ikaw, huwag kang parang abnormal diyan Marco, may klase pa tayo mamaya tapos naligo ka sa ulan. (walang emosyon, hindi nakangiti, hindi rin mataray)
Ako: Bakit mo ako kinakausap? Sabi mo sa akin, huwag na akong lumapit sa'yo tapos ikaw naman ang lumalapit sa akin. (nakatingin ako sa kanyang mga mata, tila hindi niya alam ang isasagot niya)
Lenaiah: (tumingin sa baba)........
Ako: Lenaiah , in-unfriend na kita. (seryoso kong sinabi sa kanya)
Sa isipan ko nun: Saglit kitang nakasama Lenaiah , medyo alam ko na ang ugali mo, ikaw yung tipo ng nilalang na hindi mag-sosorry pero huwag kang mag-alala, napatawad na kita kahit hindi ka mag-sorry. Salamat kay Joseph, dahil sa kanya, ok na ang camera ko.
Lenaiah: Marco, may notification ka... (sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, magka-height lang kami ni Lenaiah o mas matangakad siya ng konti, hawak hawak niya pa rin yung payong, ang nagsasangga sa amin sa malakas na ulan)
Ako: Ha?? (takang taka ang itsura ko, hindi ko siya na-gets)
Lenaiah: Lenaiah Mae Maglinao sent you a friend request
Nag-slow motion ulit pero malamang hindi dahil sa love, basta. "Si Lenaiah, sinasabi ang ganoong bagay?" ,sabi ko sa isipan ko.
Ako: ...................... Accepted. (tumingin ako sa kanyang mga mata, maangas, tapos bigla akong ngumiti)
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...