Chapter 40: Project Ngiti, konting push pa

36 3 0
                                    

 

CHAPTER 40:

                        PROJECT NGITI, Konting Push Pa

MARCO'S POINT OF VIEW:

        Yun, naglalakad na kami ni Lenaiah sa may acad oval, pero sabi ko sa kanya na samahan niya muna ako sa Kalayaan Residence Hall.

Ako: Lenaiah, samahan mo muna ako may kukunin lang akong mga gamit. (masaya kong sinabi)

Lenaiah: Ahhh ok lang.

        Yun , naglakad na kami papunta sa Kalayaan Residence Hall at napadaan kami sa Freshie Walk. (freshie walk ang tawag sa daanan mula sa Kalay papunta sa may acad oval kasi yung Kalayaan ehh Freshie Dorm)

Habang naglalakad kami, nag-usap kami syempre.

Ako: Lenaiah! May limang butiki sa pader tapos nahulog yung isa! (with conviction) Ilan na lang yung natirang butiki sa pader?? (yung tono na parang pambata)

Lenaiah: Hzzzzzz....... Ano ba namang klaseng tanong yan , Marco? Eh di 4 na lang yung natirang butiki. (walang emosyon)

Ako: Mali, wala nang matitira doon sa pader kasi nagpalakpakan sila nung nakita nilang nalaglag yung isa. HAHAHA

Lenaiah: Hzzzz....... (walang emosyon) Ok.

        Ang effectiveness ng joke ay depende sa joke mismo at sa delivery pero kasama din pala sa factors ang pakikisama ng dinedeliveran.Wala namang pakisama si Lenaiah ohhh. Hindi man lang natawa sa joke ko. Yun, hanggang sa nakarating na kami sa Kalayaan Residence Hall. Basag-bungo naman itong Project Ngiti, mas mahirap pa yata ito sa projects ng isang Civil Engineer. Kung matatawag ko lang lahat ng komedyante sa mundo, ginawa ko na , para lang mapangiti itong kaibigan ko.

        Pumasok na ako sa loob ng dorm at iniwan ko muna si Lenaiah sa isang bench at doon siya naupo.

Pagkalabas ko ng dorm sobrang laki ng bag na dala-dala ko.

Lenaiah: Ohh Marco, bakit ang dami mong dala? Saan ka pupunta? (nagtataka)

Ako: Secret ko na yun Lenaiah , bhelat (ginaya ko yung style ng pangangasar ni Eunice)

Ako: Lenaiah, tara tambay tayo sa Sunken (masaya kong sinabi kay Lenaiah)

        Hindi ko alam kung torture ba ito sa sarili ko pero sobrang bigat pala ng bag na dadalhin ko sa Sinking Garden. Hindi ko naman puwedeng pabuhatin si Lenaiah. Ganun talaga , isang gentleman na talaga ang isang Marco David Jimenez, sabi ko na lang sasarili ko habang naglalakad kami papuntang Sinking Garden (oo na nga, alam kong Sunken) ,"Keri ko toh".

        Yun, nakarating na kami ni Lenaiah sa Sinking Garden, bago ako nagsimula sa mumunti kong palabas, nag-picture muna ako sa sarili ko gamit ang camera ni Tatay. Napakahalaga sa akin ng kwintas na iyon, doon ko ikukuwento ang buhay ko sa U.P. at isa pang kahalagahan nito ay obviously ,regalo ito ni Tatay. Yun, nag-take na ako ng picture ng sarili ko yung kumbaga selfie, exposed pa yung Kwintas na Bituin ko para astig talaga. (Sinking Garden pa yung background)

 

        Habang nagpipicture taking ako "Naku, gagawa na naman ito ng nakakatakot na painting si Lenaiah, kailangan ko siyang pigilan (yung mala-superhero na pag-iisip) sabi ko sa isipan ko. 

Ako: Lenaiah, gusto mong mag-picture tayong dalawa? (kahit mukha akong g*go mag-smile, nag-smile ako nung inalok ko yun, hawak hawak ko ang camera na bigay ni Tatay)

Lenaiah: (napahinto , napaisip at napatingin sa guwapo kong mukha)

Ako: Ohh?

Yun na naman, yung tingin ni Lenaiah na tila ba nagdadalawang isip.

Puppy Love True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon