CHAPTER 17:
NARRATOR'S POINT OF VIEW:
Kalat kalat man ang mga tao sa hall na nakikipaghontahan, nakita pa din ni Reynaldo na papalabas ng hall si Marco. Agad siyang lumapit kay Justine upang sabihin ito.
Reynaldo: Dude, .. Wui Justine, (tinatapik si Justine na busy sa pakikipag-usap sa iba pang kaklase)
Justine: Teka lang, ano ba?
Lumapit si Reynaldo kay Justine.
Reynaldo: Diba nga sabi mo sa akin, pagmasdan ko ang mga kilos ni Marco, Dude papalabas siya ng hall.
Justine: Hmm. Hayaan mo siya. (biglang may naalala si Justine)
Sa Isip ni Justine: Nginitian lang ako ni Marco kanina, hmm , ano kayang binabalak ng f*cking sh*t na yun?.
Justine: Tara Reynaldo, sundan natin siya. Tawagin mo na din si Dexter.
Lumapit si Reynaldo kay Dexter na abala sa pakikipaghontahan.
Dexter: Hi mga girls! Tara picture picture din tayo mga girls, gawin niyo itong cover photo ah. (umaakbay sa mga kababaihan)
Tinapik ni Reynaldo si Dexter na hindi maawat sa picture taking.
Reynaldo: Hoy Dude, tara, may pupuntahan tayo, bilis.
Dexter: Wait lang Dude, easy ka lang.
Reynaldo: Tara na kasi!
Lumayo si Reynaldo sa mga nagkukumpulang mga tao at sumunod din naman kaagad si Dexter.
Dexter: Ano ba yun Dude? Minsan na nga lang itong graduation ehh.
Reynaldo: May pupuntahan tayo nina Justine.
Sa may labas ng eskwelahan, humarurot sa pagtakbo si Marco patungo kay Otep.
Otep: Easy ka lang brad, tangining yaan baka maaksidente ka niyan.
Marco: (medyo hinihingal) Brad, wooh, dala ko na yung teddy bear. Buti na lang nandiyan ka, hindi ko alam kung paano ko ibibigay at kung anong sasabihin ko. Kinakabahan ako.
Otep: Brad, huwag kang kabahan sa yaon, buong tapang kang humarap sa kanya kahit ano pa man ang maging reaksyon niya.
Marco: Ehh brad, paano kung tumakbo siya palayo? Hayy , nababasag na talaga ang bungo ko sa kakaisip.
Otep: Tangining yaan, akala ko ba gustung-gusto niya yaong teddy bear? Alam mo yaong isang babae, kahit na may galit yan o kung ano man, pag binigyan mo ng bagay na magpapasaya sa kanya, makikiliti ang puso ng yaon.
Marco: Adviser ka talaga brad, tama tama, ehh pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi naman basta iabot ko lang, dapat may something very romantic and dramatic akong sabihin. Praktis nga tayo.
Otep: (makata) Oh Eunice Alcantara, kasing ganda mo yaong sikat ng araw, kasing ningning ng bituin ang iyong mga ngiti..
Hindi pinatapos ni Marco sa pagsasalita si Otep.
Marco: Oy, Otep!! Baka hindi siya ma-touch pag ganyan, hindi mahilig sa tula si Eunice.
Otep: Tangining yaan, ayaw mo pa yaong tulang ginawa ko.
Marco: Hindi nga siya mahilig sa tula.
Otep: Ahh alam ko na, haranahin mo na lang, at maitutuloy mo na rin yung naudlot mong "Sa Isang Sulyap Mo" project mo kamo.Pero sana'y huwag kang maaksidente ulit, hahahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/7773671-288-k652830.jpg)
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...