CHAPTER 34:
NARRATOR'S POINT OF VIEW:
Natagpuan ni Lenaiah na nakahandusay si Marco, wala na ang lalaking naka-maskara bagama't iniwan nito ang wooden pole at ngayon, may kasama ng watawat ng Pilipinas.
Binilisan ni Lenaiah ang pagtakbo papunta kay Marco, at tumakbo siya nang tumakbo hanggang makalapit siya kay Marco.
Lenaiah: (lumuhod sa sahig at tiningnan ang kalagayan ni Marco)
Sa kabutihang palad, ay walang natamong sugat si Marco.
Marco: (nakatulala) Salamat sa concern mo, bumalik ka pa talaga dito, kaibigan.
Lenaiah: Hzzzz.. Nanghihinayang nga ako at hindi ka pa namatay. Sayang, sana natuluyan ka na. (masungit ang itsura)
Marco: Hmmm, hanggang sa ganitong sitwasyon, ganyan ka pa din magsalita. Woooh, akala ko mamatay na ako kanina.
Sa Isipan ni Lenaiah: (tumingin-tingin sa paligid) Hmmm. Saan kaya dumaan ang lalaking naka-maskara, mas abnormal pa yata yun kaysa lalaking ito.
Lenaiah: (tumayo si Lenaiah) Hindi ko alam kung anong topak ng lalaking yun, abnormal din, p*tang ina niya. P*tang ina niya! (bad trip na bad trip ang itsura)
Lenaiah: Hzzz, bahala ka na diyan, stupid guy, aalis na ako. (mataray ang itsura)
Marco: Lenaiah, baka nandiyan pa siya at saktan ka niya, (tumayo si Marco)
Lenaiah: Hzzz, di ako natatakot sa kanya. Ehh di tatakbo na lang ako ulit.
Marco: (lumapit kay Lenaiah, pumunta sa harapan ni Lenaiah, hinawakan sa may kamay nito) Lenaiah, nasaktan ka ba kanina, sorry nahuli ako ng dating.
Lenaiah: (nakahawak pa din si Marco sa may kamay niya, napatingin si Lenaiah sa mga mata ni Marco at nakita niya ang sinseridad ng labis na pag-aalala nito)
Napatingin si Lenaiah sa may braso ni Marco at nakita niyang may galos ito.
Sa isipan ni Lenaiah: (nakahawak pa din si Marco sa may kamay nito) Hmm.. sinaktan talaga ng lalaking naka-maskara itong stupid guy na ito, pero ako, halatang hindi niya pinapatama sa akin yung hampas niya, at bakit hindi tinuluyan ng lalaking nakamaskara ang abnormal na ito? Nanti-trip lang ba yun?
Nagkatinginan sila sa mata ng isa't isa. Labis talagang nag-aalala si Marco sa tinuturing niyang bago niyang kaibigan. Napatagal ang tinginan nila sa isa't isa.
Sa isipan ni Marco: Hmmm, mataray pa din ang itsura mo, pero buti na lang at hindi ka niya nasaktan kung hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Lenaiah: (bumitaw sa pagkakahawak ni Marco) Ok----ay lang ako.
Marco: Basag bungo naman yung lalaking yun ohh. Hahahah
Lenaiah: Abnormal ka talaga, tumatawa ka pa , akala ko nga iiyak ka na. (masungit ang pagkakasabi)
Marco: Wala daw siguro siyang bala . hahaha...
MARCO'S POINT OF VIEW:
Yun, ibang klase talaga ang taong 2010, nasagasaan ako tapos ngayon naman ay muntik na akong mabaril. Basag bungo talaga yung lalaking naka-maskara na yun, akala mo member ng jabbawockeez, mukha namang walang talent sumayaw. Pero dahil sa kanya, lumabas din yung pagka-action star ko, "Coco Martin" , kaya lang kulang pa yata ako sa training, medyo masakit yung hampas ng wooden pole niya. Pero sa totoo lang, akala ko katapusan ko na, akala ko hindi ko na makikita sina Nanay at Tatay, at si Baby Angel. Napakasakit siguro na hindi ko na makitang lumaki si Baby Angel. Ganoon pala ang buhay ng tao, hindi tayo sigurado kung kailan tayo kukunin. Bigla kong naisip si Eunice at natanong ko ang aking sarili, "pag namatay ako, ibig sabihin , hindi ko na talaga makikita ang pinakamagandang at pinakamamahal kong likha ng Diyos na si Eunice Alcantara??" Sa bagay, kahit ngayong buhay ako, hindi ko siya nakikita, ipinagtatabuyan niya ako eh. Ang mga masasamang bagay din na nangyayari sa atin minsan ay bumubukas sa sarado nating isipan sa mga bagay na dapat nating pahalagahan. Katulad na lamang ng pagmamahal ko sa pamilya ko. Kailangan kong sulitin ang buhay ko na makasama ko sila kasi hindi ko alam kung kailan ako kukunin ni Lord. Hindi ako actually natatakot kung sa langit o impyerno ako mapupunta, mas natatakot ako na hindi ko maranasan ang langit dito sa mundo kasama ang mga taong mahal ko. Kaya mula ngayon, susulitin ko ang oras ko sa kanila. "Paano si Eunice? , Ayaw niya nang lumapit ako sa kanya, anong gagawin ko, pero kailangan kong makita siya palagi para hindi masayang ang oras ko"
BINABASA MO ANG
Puppy Love True Love
RomanceBored ka ba? Gusto mong tumaas ang level ng boredom mo? Ihanda niyo na ang inyong bangs sa pinaka-maka-basag bungo na Wattpad story sa kasaysayan.Ihanda niyo rin ang mga nalilito niyong damdamin (sorry sa mga wala) para sa isang kuwento na magsisila...