SH | 01

2.3K 50 12
                                    

A/N: I'll be using their real names in this story. But of course, there will be a fictional characters/names too that are not related to the main characters in real life. Thank you!


Sabi nila, ang pinakamasarap daw na pakiramdam sa mundo ay iyong maramdaman mo na mahal ka ng taong mahal mo. Masarap sa feeling yung ipagsisigawan ng lalaking mahal mo sa buong mundo na ikaw yung babaeng mahal niya. Yung tipong handa siyang ipagyabang sa lahat ng tao kung gaano siya kasuwerte na ikaw ang babaeng minahal niya. Yung lalaking maniniwala at maniniwala na ikaw na ang babaeng nakatadhana para sa kanya. Ikaw at ikaw lang.

That's the best feeling a girl could ever feel when she's in love. But in my case, I wouldn't be able to feel that kind of happiness.

“Hello, miss... what's your name again? Ugh. Never mind.” Mag-isa akong kumakain dito sa cafeteria nang lumapit sa akin ang grupo nina Zeus. They are known as the campus' bullies.

Naupo sila sa mga bakanteng upuan sa tabi at sa harapan ko. This is not the first time na istorbohin nila ako sa pagkain. Siguro nga isang malaking pagkakamali na dito ako sa university na to nag-aral. Dahil lahat ng tao dito mababa ang tingin sa mga gaya kong nakapasok lang dito dahil sa isang scholarship. Lahat kasi sila galing sa kilala at mayayamang pamilya.

“Anong kailangan niyo?” Matapang kong tanong. Hindi pwedeng manahimik lang ako. Oo, natatakot ako. Pero hindi iyon dapat maging dahilan para hindi ko sila labanan.

“Aba, matapang ka na ngayon, miss nobody.” Inakbayan pa ako ng isang lalaking katangkaran na nakaupo sa kanan ko. Sa pagkakatanda ko, Maru ang pangalan niya. “Dapat ba kaming ma-proud sayo, huh?”

Napayuko na lang ako. Pilit kong hinahawi ang kamay niya na nasa balikat ko pero mas lalo niya lang hinigpitan ito. Hanggang sa, “Let's go.” Tumayo na si Charles o mas kialala sa tawag na CK. Napatingin ang grupo niya sa kanya. “I said let's go.” He said with authority.

Wala namang angal ang mga kasama niya at sumunod na sa kanya. Iniwan nila akong mag-isa. Pinagmasdan ko silang makalayo bago ko pinagpatuloy ang pagkain ko. Kailangan kong maging malakas. Isa lang ang grupo nina Zeus sa mga makakaharap ko sa araw na ito. Marami pa. Marami pa sila.

Bago ako dumiretso sa classroom ay dumaan muna ako sa restroom. Iyong restroom na hindi pinupuntahan ng karamihan. Pumasok ako sa isang cubicle. Hindi pa ako nagtatagal sa loob ay may narinig akong isang tunog. May nag-lock ng pinto. Nakakutob na ako. May nakakita siguro sakin na pumasok dito kaya pinagplanuhan na naman nila na pagtripan ako. I'm used to this.

I stayed in the cubicle longer. Pinakikiramdaman ang mga kilos sa labas. Pero wala naman akong naririnig na kahit maliit na kaluskos.

Dahan-dahang kong binuksan ang pinto ng cubicle, inilabas ko nang bahagya ang ulo ko para makita kung sino ang nasa labas. Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Wala namang kahit sinong tao dito.

Isasara ko na sana ang pintuan nang may biglang nagbukas nito at hinila ang kamay ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahila niya ay napasubsob na lang ako sa katawan niya. I smell familiar scent.

I opened my eyes slowly, only to see that he's already hugging me.

“Charles...” Tears started to form in my eyes as I uttered his name.

Using his thumb, he wiped my tears away. “Sorry. Sorry.”

Hindi naman siya dapat nagsosorry. Wala naman siyang kasalanan. Hindi naman niya kasalanan kung mababa ang tingin ng mga tao dito sa akin, e. I should be thankful to him pa nga dapat. Kasi sinusubukan pa rin niya akong protektahan.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon