This is for our purple hearts!
Third Person's POV
A night before CK and Jenina's wedding, habang nag-iimpake ng kanyang mga gamit ay nakatanggap si Vivoree ng isang hindi inaasahang tawag mula kay CK.
First ring.
Second ring.
Third ring.
Hindi niya malaman kung dapat pa ba niyang sagutin ang tawag na iyon. Ano ang sasabihin niya? Paulit-ulit niyang tanong sa sarili hanggang sa natapos na ang tawag ng binata. Matapos lang ang ilang segundo ay muling tumunog ang kanyang cellphone, and again it's CK's name on the screen.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya pinairal ang kanyang isipan. Kinuha niya ang cellphone at walang pagdadalawang-isip na sinagot ito. Ang tanging gusto niya lang sa mga oras na iyon ay marinig ang boses ng binata kahit sa huling pagkakataon dahil alam niyang simula bukas ay tuluyan ng mag-iiba ang lahat sa pagitan nila ng binata. He's getting married tomorrow with Jenina and surely, they'll build a one happy family. At siya naman ay babalik na sa Italy bukas kasama ang lalaking pinili niyang mahalin, si Vitto. At napagdesisyunan niyang ipagpatuloy na ang buhay niya bilang si Niña. And sooner or later, alam niyang magkakaroon din siya ng sariling pamilya.
“H-hello,” but right at this moment, gusto ng dalaga na maging si Vivoree ulit sa huling pagkakataon. Gusto niyang makausap si CK at makahingi na rin ng tawad dito. She knows all the pain she caused to him. “C-charles?” May pag-aalinlangan sa kanyang boses ng walang kahit na anong naririnig mula sa kabilang linya.
A few seconds later, tanging pag-hinga lang ng binata ang naririnig ni Vivoree. Hindi siya mapalagay, gusto niyang makausap ang binata kahit ngayon lang. Pero mukhang hindi pa iyon mamgyayari.
“I know you're there, alam kong nakikinig ka.” She started. Kung ayaw magsalita ni Charles ay siya na lang ang gagawa ng paraan upang masabi dito ang lahat lahat ng tumatakbo sa isipan niya. “Sorry. Hindi ko alam kung paano o kung saan ako magsisimula pero gusto kong humingi ng tawad. Alam ko na ang laki ng kasalanan ko sayo, kaya hindi rin ako umaasa na mapapatawad mo ako agad agad. But please, makinig ka sana sa sasabihin ko—”
Hindi natuloy ni Vivoree ang kanyang sasabihin ng biglang nagsalita sa kabilang linya si CK. “I'm getting married tomorrow.” Panimula niya. Walang maririnig na kasiyahan o excitement sa tono ng binata. “I'm getting married to a woman whom I met on a bar. I'm getting married to a woman whom I slept with. In short, I'm getting married to a woman whom I don't really know. Funny, right?” CK delivered a sarcastic laugh that gives shiver to Vivoree.
“C-charles,” nagsimula na naman sa pagbagsak ang mga luha ni Vivoree at alam niyang wala na naman itong katapusan. Nasasaktan siya. Pero anong magagawa niya? Pinili niya ito, desisyon niya ito. She must endure the consequences of not choosing him.
“Pero alam mo ba kung bakit gagawin ko pa rin? Alam mo ba kung bakit papakasalan ko siya?” Kahit pa sa cellphone lang naririnig ang boses ni CK ay ramdam na ramdam ni Vivoree ang sakit sa bawat salitang binibigkas nito na para bang kutsilyong unti-unting sumasaksak sa kanya. “It's because I want to grant someone's wish. You wanna know what's her last wish?” He paused for a while. Waiting for an answer, pero wala siyang nakuhang kahit anong sagot mula sa dalaga. “She wants me to forget her. Ang hirap diba? Hinihiling sakin ng taong mahal ko na kalimutan ko na siya at magmahal ako ng iba. Pero dahil nga mahal ko, gusto kong patunayan sa kanya na kahit gaano kahirap yung gusto niyang ipagawa sakin, gagawin ko pa rin, para sa kanya. Kung yun ang ikakasaya niya, bakit ko ipagdadamot sa kanya diba?”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."