Vivoree's Point of View
Panaginip.
Idinilat ko ang aking mga mata. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na bumungad sa paningin ko. Pero ang pamilyar na pakiramdam na isa lamang panaginip ang lahat ang nararamdaman ko. Bumilis ang pintig ng puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib at doon napansin ko na iba na ang damit na suot-suot ko.
Napabuga ako ng malalim na hininga. Panaginip. Panaginip na naman. Hanggang panaginip na lang ba talaga kaming dalawa? Sa panaginip ko na lang ba siya mahahawakan, mayayakap at masasabing mahal ko siya.
Napasandal ako sa headboard ng kamang hinihigaan ko. Napayakap ako sa aking tuhod. Takot ang tanging nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Natatakot ako na baka hanggang dito, hanggang panaginip na lang talaga kami.
Sa kalagitnaan ng katahimikan ko ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Habang unti-unting bumubukas ang pinto ay pahigpit nang pahigpit ang yakap ko sa aking sarili.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang si Nurse Mae ang pumasok dito sa kwarto. Yes, she's our school nurse.
Nilibot kong muli ng tingin ang kabuuan ang kwartong ito, nakakita ako ng mga larawan niya at mayroon ding picture nila ni Nurse Dan na sa tingin ko ay boyfriend niya.
Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama. “Are you feeling well?” Nag-aalala niyang tanong.
Tipid akong ngumiti at tumango bilang sagot sa kanya. “A-ano po ba nangyari sakin?”
“Nawalan ka na naman ng malay. Diba sabi ko sayo, take care of yourself, wag kang magpapakapagod, eat a lot, wag magpupuyat at iwasang ma-stress.” Sermon niya sa akin.
I appreciate her effort in reminding me what to do. Pero mas lalo lang nitong ipinamukha sa akin na panaginip nga lang ang lahat. Ganito din ang nangyari noong nakaraan. Akala ko totoo, pero sa huli, hindi naman pala.
I sigh.
“Nakahanda na ang pagkain sa baba. Sumunod ka na lang.” She smiled and tap my shoulder. Pinanuod ko lang siya na lumabas ng kwarto.
“Akala ko totoo na lahat.” Kung may makakarinig lang sa akin, malalaman agad na sobrang disappointed ko ngayon.
Pinikit ko ang aking mga mata. Pinahinga ko muna ang aking isipan na kanina pa lumilipad sa kung saan-saan.
“Nagkahiwalay lang tayo ng ilang araw, pinabayaan mo na sarili mo.” Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Gusto ko sanang dumilat pero paano kung isa na naman itong panaginip na maglalaho kapag nagising ako.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama hudyat na may umupo dito. Nanatili pa rin akong nakapikit. “Diba lagi ko sinasabi sayo, alagaan mo sarili mo kahit wala ako. Paano pa kita papakasalan niyan kung mawawala ka dahil sa sakit.”
Agad naman akong napadilat nang marinig ko iyon. Tumambad sa akin ang nakangiting si Charles. Automatic na napakurap ako agad. Tinampal-tampal ko pa ang pisngi ko para subukang gisingin ang diwa ko.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko upang pigilan ako sa ginagawa ko. “Sinasaktan mo na naman sarili mo.” He leaned closer to me and little a while, he planted a soft quick kiss on the tip of my nose. “Hindi ka nananaginip, okay? Totoo ako.”
Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa sinabi niya. Nagdidiwang ang puso ko nang malamang hindi panaginip ang lahat. Totoo ito. Totoo na magkasama kami.
Habang nasa harap ng pagkain ay naikwento na sa akin ni Nurse Mae at Nurse Dan ang nangyari kahapon matapos kong mawalan ng malay. Mabuti na nga lang daw at malapit lang ang bahay nila kaya pinatuloy na nila kami. Nalaman ko rin na live-in partner na pala niya si Nurse Dan.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."