SH | 59

843 29 30
                                    


Secret heartbeats is now finally down to its last two chapters. I will miss you all!

Niña’s POV

Life is truly full of ups and downs, full of surprises. Isang araw may makikilala ka na babago sa buhay mo, a person who'll change you into a better person. At biglang isang araw, yung taong yon ay bigla na lang mawawala sayo. Isang araw paggising mo, hindi mo na siya makakasama.

And that's how destiny plays with all of us. Ika nga ng iba, pinagtagpo pero di tinadhana. Dahil hindi naman lahat ng makikilala mo, makakasama mo hanggang sa dulo. Minsan dumaan lang sila sa buhay natin para turuan tayo ng leksyon na magiging basis natin for a better future.

I am here standing in front of Vivoree's grave. Isa siya sa pinakamaswerteng tao sa mundong ito. Marami ang nagmamahal sa kanya, marami ang gustong makasama pa siya, pero marami din ang gustong humadlang sa kasiyahan niya, mga taong gagawin ang lahat mailay lang siya sa mga taong mahal niya. But then again, she's lucky enough to have those people around her. Swerte siya na nakilala niya sina Mother Cielo na itinurng siyang parang totoo nitong anak, si Jimboy na kahit pasaway ay hindi naman nakakalimutang alalahann siya. Vivoree's lucky to have met Cath, her childhood bestfriend na kasama niya sa lahat ng bagay. Kahit pa nung naampon na siya ng ibang pamilya, hindi niya nakalimutan si Vivoree. Si JC, si JC na alam niyang nasobrahan lang sa pagmamahal sa kanya kaya nakagawa ng mga hindi inaasahang bagay. But at the end of the day, ito pa rin ang kaibigan niyang unang nagpunas ng luha sa mga pisngi niya. When she went to school, there she met new friends. At isa na nga dito ay si Tin. Si Tin na kahit saglit pa lang niyang nakilala ay naging magaan na agad ang loob niya. Si Tin na handang makipag-away para sa kanya. And then there, she also met a crazy bunch of boys na nung una ay binubully siya pero sa huli, naging kakampi at katawanan na niya. Para siyang nagkaroon ng mga bagong kalaro sa katauhan ni Paulo, Ryle at Rayt na parang mga bata kung mag-asaran, bagong kuya na minsan ay para ding tatay sa katauhan ni Zeus, at bagong ka-food trip dahil kay Maru.

And of course, Vivoree has Charles Kieron na handang ialay ang buong buhay niya mapatunayan lang ang pagmamahal niya sa kanya. Isang Charles Kieron na handang talikuran ang lahat makasama lang siya. Isang Charles Kieron na sobra kung magmahal. Isang Charles Kieron na lahat gagawin maging masaya lamang siya. Isang Charles Kieron Manalad na tanging laman ng puso niya.

But that's Vivoree.

I'm Niña now. And as Niña, wala akong mother Cielo pero meron akong ate Tars na mahal na mahal ako at tinuring akong parang totoo niyang kapatid. Wala akong kaibigan na gaya nina Cath, JC, Tin, Maru, Paulo, Rayt at Zeus. Pero meron akong Kid at Wilbert na tinanggap ako bilang ako at handang sakyan ang mga trip ko sa buhay at handa din akong ipagtanggol at ipaglaban.

Wala rin akong Charles Kieron.

As Niña, meron akong isang Vitto Marquez na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako. Isang Vitto na hindi na handa akong ilayo sa lahat ng tao o bagay na maaaring makasakit sa akin at handang hawakan ang mga kamay ko sa tuwing hindi ko na alam ang gagawin ko, handang punasan ang mga luha ko sa tuwing bigla na lang akong maiiyak. Isang Vitto Marquez na kahit kailan hindi nakalimutang haplusin ang puso ko at nang maiparamdam sa akin kung gaano siya kaswerte na ako yung kasama niya ngayon.

“Niña, tara na?” Bago ko tuluyang lingunin ang pinanggalngan ng boses na iyon ay pinunasan ko muna ng mga luhang kanina pa pala tumutulo sa aking pisngi.

And oh, I forgot. I have Ryle now. I have Ryle not as Vivoree but I have him now as Niña. Hindi ko alam na ang dating puro biro na si Ryle ang unang makakaalam sa totoo kong pagkatao ngayon, at ang swerte ko na nandyan siya para tulungan ako.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon