Third Person's POV
Pagbalik ni CK sa lamesa nila ni ay wala na doon si Vivoree. Bigla agad siyang dinalaw ng kaba. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan niya pero ayaw niyang paniwalaan ang lahat ng ito. Ayaw niyang isipin na sa pangalawang pagakakataon ay iniwan siyang muli ng babaeng mahal na mahal niya at handa niyang ipaglaban.
“Miss, miss...” Hinarang niya ang isang service crew. Ito rin ang babaeng sumalubong sa kanila kanina. “Nakita mo ba yung kasama ko kanina?” Punong-puno ng pag-aalaal at takot ang mga mata ni CK. “Alam mo ba kung saan siya nagpunta?” He sounds so desperate.
Sandaling nag-isip ang babae. “Uhm. Sir, nakita ko po siya kanina dun sa freedom board. Hindi ko po alam kung saan siya nagpunta ngayon—”
Hindi na pinatapos pa ni CK sa pagsasalita ang babae. Wala na siyang sinayang na oras at agad niyang pinuntahang ang sinasabing freedom board kung saan huling nakita si Vivoree. He scanned the whole board and there he saw a familiar handwriting. A tear suddenly fell from his left eye.
I'll walk away so you don't have to see me cry. I know it hurts so much but it's best for us.
♥ V.Sa mga salitang nabasa niya, para siyang paulit-ulit na sinasaksak. At sa bawat pagsaksak sa kanya, hindi na siya makalaban. Nanghihina siya. Hindi pa naghihilom ang mga sugat na natamo niya kanina, ngayon ay nadagdagan ito ng mas malalim na sugat.
Napaupo siya sa sahig ng pizza house at yumukyok. Doon niya binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao dito. Patuloy siyang umiiyak.
He's massaging the bridge of his nose while tears keep on falling from his eyes. Ramdam na ramdam ng lahat ng nakakakita sa kanya ang sakit na nararamdaman niya. Gustuhin man nilang lapitan ang binata ay natatakot sila na baka bigla itong magwala. Kaya naman hinayaan na lang sa ganoong kalagayan si CK.
-*
“Ano? Nakipag... Nakipag-break ka kay CK?” Sa mga panahong ito, si Cath lang ang natakbuhan ni Vivoree. Naikwento na niya dito ang lahat ng nangyari sa araw lang na ito. “Bakit, Viv?”
“Wala naman akong choice.” Nakatulala lang sa malayo si Vivoree habang nagsasalita. “Ayoko siyang bitawan, pero yun lang ang tanging paraan para hindi siya masaktan.”
“At sa tingin mo hindi siya nasaktan sa ginawa mo?” Napataas na ang boses ni Cath. Gusto niyang magising si Vivoree sa kahibangang ginawa niya. “Mas lalo mo siyang sinaktan, Viv. Iniwan mo na walang sabi?”
Nagsimulang muli ang pagtulo ng luha ni Vivoree. Pinipikit niya ang kanyang mga mata, hinihigpitan ang kapit sa kanyang bag, pero hindi ito nakakabawas sa luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Kailan ba siya mapapagod sa pag-iyak?
“Cath, umalis ako kasi ayoko na makita niya na nahihirapan akong iwan siya.”
Lumapit si Cath sa kaibigan at niyakap ito mula sa gilid. “Kung nahihirapan ka, sana hindi mo ginawa.”
Hinawakan naman ni Vivoree ang kamay ni Cath na nakayakap sa kanya. This is what she needs right now, a hug from someone she trust. “Ayoko lang naman na, dahil sakin mapahamak siya. Hindi ko alam kung bakit ganon si JC, pero Cath, natatakot ako na baka kung anong gawin niya kay Charles. Kaya siguro, makokontento na lang ako na pagmasdan siya mula sa malayo kaysa makita ko siya na pinapahirapan ni JC.”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."