SH | 48

561 22 6
                                    

Third Person's POV

“Jhen, this is Niña Espina. She's applying for the vacant position in the Accounting department.” Pagpapakilala ni Janice kay Niña. “Since urgent hiring, si Mr. Manalad yung kailangan mag-interview sa kanya.”

Kitang-kita sa mukha ng secretary ang pagiging balisa niya. Pilit niyang pinapakita ang kanyang ngiti ngunit nangingibabaw pa rin ang kaba niya. Alam niya kung paano si CK kapag wala ito sa mood. She's been hearing a lot of things about him. Kaya natatakot siya na baka maibuhos nito ang galit sa applicant.

“Janice, wrong timing naman kasi, e.” Ani Jhen gamit ang mahinang boses. “Bad mood si sir ngayon.” Dagdag pa niya.

Nahihiyang lumapit si Niña sa dalawang babae na nag-uusap. “Uhm. Sorry kung makikialam ako, pero, may problema ba?”

“Miss,” binalingan ni Jhen ng atensyon si Niña. “Malaking problema. Well, siguro kung makakapaghintay ka pa, baka mamaya ma-interview ka na ni sir. Ngayon kasi—”

Hindi na natapos ni Jhen ang kanyang sinasabi ng tumunog ang intercom hudyat na pinapatawag siya ni CK sa loob ng opisina nito. Halos di na nga siya nakapag-paalam sa kausap sa sobrang pagmamadali.

“Sir,”

“What's this?” Iniangat ni CK ang isang folder kung saan nakalagay ang résumé ni Niña kasama ng ilan pang applicants. “Bakit nasa table ko ang mga 'to?”

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Jhen kasabay ng paglakas ng sigaw ni CK. She's seeing the monster inside him again.

“Sir, there are applicants for the vacant positions in the Accounting department—”

He cut him off. “And so? Trabaho ng HR ito diba? Bakit nasa table ko? Bakit pinapasa sakin yung trabaho nila! I'm the boss here.”

“Sir, yun na nga po. Diba rule po dito na kapag urgent hiring, kayo po ang mag-interview.”

Napasabunot na lang si CK sa kanyang buhok. It's his dad's rule actually. Hindi naman niya binago ang mga iyon kaya naman hanggang ngayon ay siya pa rin ang nagdudusa sa mga walang kwentang patakaran ng kanyang ama.

“I have no time for this. Cancel all the applicants. Pauwiin mo na sila.” CK said in a very authoritative voice.

“Pero sir, nasa labas na po si—”

“Hindi ka ba nakakaintindi? O baka gusto mo na bakantihin ko na din ang posisyon mo?” May bakas ng pagbabanta ang tono ni CK kaya naman natakot si Jhen at hindi na nakipagtalo pa. Lumabas na ito ng opisina at muling hinarap sina Janice at Niña.

“Ano? Okay na daw ba?” Maagap na tanong ni Janice.

“Pinapacancel lahat, e.” Malungkot na sagot ni Jhen. "Pasensya na talaga, miss. Siguro bumalik ka na lang kapag okay na si sir--"

"Why? What happened to my son?" Isang pamilyar na boses ang narinig ni Jhen kaya naman natigilan siya at nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. "Where's my son?"

Hindi kaagad nakapagsalita ang secretary. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nahaharap ng maayos ang may-ari ng kumpanyang ito dahil sa nakakatakot na aura nito. "S-sir, ano po kasi..."

"Pinapauwi po kasi ng anak niyo itong applicant na dapat po ay iinterviewhin niya." Si Janice na ang nagsabi ng nangyari dahil kung hihintayin pa niya si Jhen ay baka bukas pa nito masabi ang totoo. "Bad mood po, e."

Kumunot naman ang noo ng matanda. "What?" Binalingan niya ng tingin si Niña. "Are you for urgent hiring?" Tanong nito na agad namang tinanguan ng dalaga bilang sagot. "Proceed to my office, ako na ang mag-iinterview sa'yo. Kakausapin ko lang ang anak ko." Anito.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon