Third Person's POVHabang marahang inaalalayan ni Kid si Niña palabas ng opisina ni CK ay patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ng dalaga. Kung wala ang tulong ni Kid ay hindi niya na makikita ang dinadaanan niya dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata na dulot ng pag-iyak nito.
Nang makarating na sila sa sasakyan ni Kid ay tsaka lamang nakahinga ng maluwag ang binata. “Kung alam ko lang na dito ka sa Manalad Enterprise magtatrabaho, I should have stopped you.”
Pinahid ni Niña ang mga luha na patuloy pa rin na dumadaloy sa kanyang pisngi. “Stop me. . bakit?” She turn her gaze to Kid, “Bakit mo ko pipigilan?” Naglalaro ang napakaraming katanungan sa isipan ni Niña at alam niyang isa si Kid sa makapagbibigay sa kanya ng mga kasagutan na hinahanap niya. “Kid, answer me, please.”
Napahilamos na lang sa kanyang mukha si Kid. He hates being in this kind of situation wherein he needs to answer all of Niña's questions. Dahil alam naman niya na ang anomang sagot na sasabihin niya ay paniniwalaan ng dalaga at makakadagdag lang sa kasinungalingan nila.
“Kasi,” isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ng binata bago nagpatuloy sa kanyang pagsasalita. “Dahil alam ko naman na ganito na naman ang mangyayari. Iisipin na naman nila na ikaw si Vivoree at kung ano-ano ang gagawin nila. I'm just... we're just protecting you, Nins.”
“Kid, kung alam ko naman sa sarili ko na ako si Niña, bakit ko sila iiwasan?”
“Kasi paulit-ulit nilang pinipilit na ikaw si Vivoree.” Sa kalagitnaan ng pag-uusap ni Niña at Kid at biglang dumating si Vitto na bakas sa hitsura ang pagkagalit. Kung kanina ay labis itong nag-aalala, ngayon ay natabunan na ng galit ang puso niya. “Hindi ka na babalik dito. Hindi ka na magtatrabaho sa kumpanya ng mga Manalad.” Vitto said with finality.
“No!” mabilis na pagsalungat naman ng dalaga. Hindi ito nagpadala sa galit ni Vitto. She insisted na mananatili pa rin siyang empleyado ng Manalad Enterprise. “Hindi ako aalis. I'll stay here, Vitto. I will.”
“Niña, I said no! Hindi ko gusto ka mag-stay ka pa sa lugar na 'to. Hindi ko gusto na malapit ka kay CK!” Tumataas na ang boses ni Vitto. Bumaba si Kid at umikot patungo sa kinatatayuan ni Vitto at sinusubukan itong pakalmahin. “Uuwi na tayo.”
Nagpumiglas si Niña at pilit na kinakawala ang sarili sa pagkakahawak sa kanya ni Vitto. Bumaba ito ng sasakyan at matapang na hinarap ang binata. “Vitto, what's with CK? Bakit ba natatakot ka kapag napapalapit ako sa kanya?”
Vitto was taken aback by Niña's sudden change of expression. For a while hindi siya nakapagsalita kaagad.
“What? Vitto, kahit paulit-ulit nila sabihin na ako si Vivoree, paulit-ulit ko din namang tinatanggi sa kanila ang lahat. I am Niña Espina, right? Bakit ko sila kailangan layuan?”
Sa pagkakataong ito ay nakisali na si Kid sa usapan at pumagitna na sa dalawa, “Nins, hindi mo kasi naiintindihan—”
“Then Kid ipaintindi niyo sakin!” She cut Kid off. “Alin ang hindi ko maintindihan?” Nagsimula na naman sa pagpatak ang mga luha ni Niña. “Pinipilit kong intindihin yung point niyo, oo sige, you want to protect me. Pero bakit? Hindi naman sila mukhang masasamang tao. In fact, kitang-kita ko sa mga mata nila, lalo na ni CK, kung gaano nila kamahal si Vivoree.”
Nang banggitin iyon ni Niña ay awtomatikong nagkatinginan sina Vitto at Kid. Paano nga ba naman nila ipapaintindi kay Niña na kaya ayaw nila na mapalapit siya kay CK ay dahil sa katotohanang ayaw nila na dumating ang araw na bumalik na ang alaala ni Niña at maalala niyang siya talaga si Vivoree.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."