Vivoree's Point of View
Sabi nila, if it's not yet happy, then, it's not yet the end. Pero ako ngayon, sobrang saya ko na pero ayoko na ito na ang ending namin. Ngayon na naglalakad ako at hawak-hawak ko ang mga kamay ng lalaking nagturo sa akin kung paano lumaban para sa sarili kong kasiyahan, ngayon ko mas naappreciate ang buhay na pinagkaloob sa akin. Wala man akong mga magulan na nakasama, biniyayaan naman ako ng isang tao na alam kong handa akong ipaglaban. I feel so blessed having Charles Kieron on my side.
“V, alam kong gwapo ako, pero wag mo naman akong titigan ng ganyan.” Nabalik ako sa reality nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya habang ngiting-ngiti.
Nilingkis ko ang kamay ko sa braso niya at isinandal ang ulo sa balikat niya. “Kamsahamnida!” Hindi ko mapigilang mapangiti kahit hindi naman niya ako nakikita. “Thank you for bringing joy in to my life. I found family in you, Charles.”
“Wow, english!” Pang-aasar pa nito at napailing na lang ako. Kapag ganitong nagdadrama ako tsaka siya babanat ng mga pang-aasar niyang jokes. “V, gusto mo na ba magkapamilya?” Maloko niyang tanong.
Humiwalay ako sa kanya at hinampas siya sa braso dahilan para mapa-aray siya. “Anong pamilya pinagsasabi mo dyan?”
“What? Diba sabi mo you found family on me.” Panimula niya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin na para bang sinusuri akong maigi. “Ikaw, anong iniisip mo ha?” Bahagya pa niyang pinitik ang noo ko. “Bad. Tsk. Tsk.” Iiling-iling pa siya.
“Ewan ko sayo!”
Kahit hindi na ako magsalamin, alam kong pinamumulahan na ako ng pisngi ngayon. Kasi naman Viv, ano bang sumasagi dyan sa isip mo? Tss.
Hanggang sa makarating kami ng bahay ay hindi ko kinakausap si Charles, nahihiya ako. Nahihiya ako sa sarili kong kalokohan. Hay!
“Ate Vi!” Pagkabukas ko pa lang ng gate ay si Yñigo na kaagad ang bumungad sa akin. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sakin. “Namiss kita, ate!”
I cup his little cute face and kiss his cheeks. “I miss you more, baby boy.”
Kinalabit ako ni Charles kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit si Yñigo namiss mo, kiniss mo. Bakit ako hindi?”
Pinandilatan ko siya ng mata pero parang wala lang sa kanya. He keeps on pouting his lips and pointing to his cheeks.
“Sige na ate Vi, kiss mo na din si kuya CK. Sa cheeks lang din naman.” At talagang kinampihan pa ni Yñigo ang kuya CK niya. Kaya itong si Charles ay tuwang-tuwa naman ngayon dahil siya na naman ang kinampihan ng bata. Simula nung nakikila ni Yñigo si Charles, mas naging close na nga sila kaysa sakin. “Isa lang ate Vi! Promise, di kita susumbong kay mother Cielo.”
“Alam niyo kayong dalawa, puro kayo kalokohan!”
“Oh, nandito pala kayo.” Mabuti na lang at lumabas na si mother Cielo kasama si Mother Agnes kaya naman hindi na nakapagngulit sina Charles at Yñigo. “CK, hijo, kamusta na?” Sinimangutan ko si mother Cielo nang mas unahin pa niyang kamustahin si Charles kaysa sakin pero nginitian niya lang ako.
“Ah, ayos lang naman po ako, mother Cielo. Sa katunayan nga po niyan, nandito po ako para mamanhikan—”
Naibuga ni mother Agnes ang iniinom niyang tsaa pagkarinig sa sinabi ni Charles. Kaagad ko siyang hinampas sa braso. “Pinagsasabi mo?” Hinarap ko sina mother at nginitan. I tried my best to assure them na nagjojoke lang si Charles. “Joke niya lang po yun. Joker po yan, e.” I fake a laugh to make it sound na Charles is really a joker. But it doesn't end up the way I want it to be. Para kasing ang awkward para sa kanila ng ginawa kong pagtawa. Wrong move, Vi.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Storie brevi"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."