Again, thank you and I love you all! 'Till next time! :)Third Person's POV
"Let's get married."
Nagpasya si CK na ayain si Jenina sa isang mamahaling restaurant. Hindi pa man sila tumatagal ng tatlong minuto ay sinabi na nito agad ang dahilan ng kanyang pag-imbita sa dalaga ngayong gabi.
Hindi masukat ang nararamdaman ni Jenina sa kanyang narinig. Magkahalong saya, kaba, takot at pangamba ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. Seryoso lamang na nakatitig sa kanya ang lalaking kaharap niya. Nabibingi lang ba ako? Tanong niya sa sarili nang hindi pa rin magawang makapaniwala sa narinig mula kay CK.
"You want to take care of me, right? Sinabi mo sakin yon." Muling litanya ni CK na ngayon ay nakabaling na sa hawak niyang menu. "Then, let's get married so you can take care of me for the rest of our life."
Nilingon ni Jenina ang buong paligid. Pinagmamasdan at sinusuri niya kung mayroon bang kakaiba sa mga taong nandito, ngunit wala naman. Normal naman ang lahat.
"Ehm. Kieron, anong kalokohan 'to? Bakit bigla kang mag-aaya ng kasal dyan?" Pabulong na tanong nito. Iniiwasan niyang may makarinig sa kanilang ibang tao. "Kung makapag-aya ka dyan ng kasal parang nag-aalok ka lang ng business ah."
Muling binaling ni CK ang kanyang tingin sa dalaga, "Just a simple yes or no, Jenina."
Jenina slowly comb her hair using her own hand. "Aarte pa ba ako? Syempre, yes na. Yes na yes!" Masayang sagot nito.
CK raised his brow and took a deep sigh. "Great. Then, that's it. We'll get married two weeks from now." Diretsong salaysay ng binata na muli na namang kinagulat ni Jenina. "You don't have to worry about anything. Ako na ang bahala sa lahat. All you have to do is to be there on the day of our wedding."
"Wait, pwede magtanong? Bakit biglaan naman? Nung isang araw nga lang halos itaboy mo na 'ko. Tapos ngayon papakasalan mo na 'ko. Anong meron?"
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."