SH | 08

1.1K 34 12
                                    


Third Person's POV

Naging usap-usapan sa buong university ang naging away ng dalawang sikat na grupo — ang grupo nina Zeus at ang grupong iniwan ni Jameson. Pagkaapak pa lang nila sa campus ay sila na ang naging laman ng mga bulung-bulungan. Lahat halos ng estudyanteng nakakakita sa kanila ay napapahinto at hindi maiwasang mapatulala sa kanila. But this time, hindi dahil sa kagwapuhan nila kung hindi dahil sa mga pasa sa mga mukha nila. Well, the didn't ever bother to hide those. Dahil ang paniniwala ni Zeus, ang mga pasang iyon ay simbolo ng pagiging matapang nila. They've been hurt, but still they're alive and kicking.

Hanggang sa makapasok sila sa kanilang classroom ay hindi nawala ang mga estudyanteng halata naman na sila ang pinag-uusapan.

“Oh my gosh!” Eksaheradang reaksyon ni Riva pagkakita sa mukha ng mga kalalakihang pumasok sa classroom. “Bakit ganyan mga mukha niyo?”

Zeus' shrugged his shoulders. Naglakad na siya patungo sa upuan niya na hindi man lang pinansin sina Riva at ang mga kaibigan nito.

“Napaaway na naman kayo no?” Tanong ni Dawn. Alam naman na niya ang sagot pero mas pinili pa rin niyang itanong iyon, umaasang magsasalita ang kahit isa man lang sa kanila.

“Pati ikaw Vitto?” Di makapaniwalang tanong ni Mikee. Sanay kasi sila na hindi nagagalusan ang binata kaya naman bago sa mata nila ang makitang may mga pasa din ang mukha nito. “What just happened huh?”

“Girls, chill. Okay lang kami.” Lumapit si Maru sa kanila at pumagitna kina Dawn at Erin, inakbayan niya ang dalawa. “Hindi naman nakabawas sa kagwapuhan namin itong mga pasa na to, e.” Pagyayabang niya.

“CK, come here.” Utos ni Chienna sa binata. Nagtataka lang siyang tinignan nito. “Tsk.” Nang hindi siya lapitan ni CK ay siya na mismo ang naglakad palapit sa binata. Kinuha niya ang make-up kit sa kanyang bag at nilatag ang iba't-ibang shades ng concealer sa ibabaw ng lamesa.

“Ano yan? Anong gagawin mo?” Nagtatakang tanong ni CK habang sinusuri ang mga bagay na inilabas ni Chienna.

“Concealer.” Simpleng sagot ni Chienna habang pumipili ng shade na babagay sa skin tone ni CK. “Here. Takpan natin yang mga pasa mo.”

Akma na sanang ipapahid ni Chienna ang kanyang daliri na may kaunting concealer sa mukha ni CK nang biglang nahagip ng mata ng binata si Vivoree na naglalakad mag-isa sa corridor. Kaagad niyang inagaw kay Chienna ang isang liquid concealer at tumaobo na palabas ng classroom.

“CK!” Sigaw ni Chienna pero hindi na niya napigilan ang nagkukumahog sa pagtakbo na si CK.

Naiwan ang kanyang mga kaibigan sa loob ng classroom na punong-puno ng pagtataka.

Sa laki ng hakbang na ginawa ni CK ay agad naman niyang naabutan si Vivoree. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinila ito patunong newsroom. Walang kaalam-alam si Vivoree sa nangyayari. Hindi niya namalayan na may sumusunod sa kanya dahil naka-earphones siya at naaaliw sa pakikinig sa mga paborito niyang kanta.

“Bakit mo ba ko dinala dito?” Nang makarating na sila sa newsroom ay tsaka siya lang nabalik sa wisyo. “Bigla ka na lang nanghahatak.”

Isinara ni CK ang pinto at siniguradong walang ibang makakapasok sa loob. Pinaupo niya si Vivoree sa sofa habang siya ay kumuha naman ng isang monoblock at ipinuwesto iyon sa tapat mismo ng dalaga at doon siya naupo. Hingal na hingal pa siya dahil sa ginawang pagtakbo kaya hindi pa siya makapagsalita.

“Huy,” Tinapik-tapik ni Vivoree ang pisngi ni CK.

Nang makakuha na ng sapat na hangin si CK ay nagsalita na rin siya. “Diba sabi ko sayo wag kang mag-earphone kapag naglalakad ka. Hindi mo alam kung may sumusunod na pala sayo. Tsk.” Panenermon pa nito sa girlfriend. “Paano kung ibang lalaki yun? Hindi ka man lang lumaban at talagang sumama ka.” Dagdag pa nito.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon