SH | 07

1K 41 26
                                    


Third Person's POV

"So, kamusta ka naman dito?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos ang kwentuhan nina JC at Vivoree.

Pabirong hinampas ni Vivoree ang braso ng binata at biglang sumimangot. "Kanina pa tayo magkausap, ngayon ka lang nangamusta."

Nandito sila ngayon sa bahay ampunan kung saan sila unang nagkakilala at ang lugar kung saan nabuo ang kanilang pagkakaibigan. "Pwede bang sagutin mo na lang. Dami pang sinasabi," Pabirong sagot naman ni JC sabay gulo sa buhok ng dalaga.

"Ayun, okay naman. Siguro mas magiging okay kapag nakahanap na agad ako ng malilipatan." Subukan mang alisin ni Vivoree ang lungkot sa boses niya, kusa naman itong lumalabas sa mga mata niya at kitang-kita iyon ni JC. "Aha! sabihin mo na lang kaya dun sa umampon sayo, kina Mr. and Mrs. Alcantara na amupunin na lang din nila ako--"

Hindi pa man tapos magaslita si Vivoree ay sumingit na agad si JC. "Ay, hindi. Hindi." Iwinawagayway pa niya ang parehong kamay sa ere. "Ayoko."

"Ayaw mo kong kapatid? Grabe. Nakakatampo ka."

"Oo, ayaw kitang kapatid." JC paused for a while. "Kasi gusto ko, ikaw ang maging..."

Natigilan si JC sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Vivoree. It's Vitto's name flashing on the screen. "Ano kayang kailangan nito?" Tanong niya sa sarili bago nag-decide na sagutin ang tawag nito. "Hello?" Sinenyasan niya si JC na lalabas muna siya saglit. "Vitto, anong kailangan mo?"

"Oh, buti naman at naka-save na ang number ko sayo." Vitto chuckles.

"Tsk. Bakit ka ba napatawag?"

"I want you to meet me. May pag-uusapan tayo." Bigla namang naging seryoso na ang boses ni Vitto. "Now," He said with authority.

Bahagyang inilayo ni Vivoree ang cellphone sa kanyang tainga and mouthed, "Seriously?"

"I'm waiting,"

"Vitto, hindi ba yan pwedeng ipagpa-bukas? Gabi na kaya."

"Vivoree, just step out of that house. Nilalamok na ako dito."

Kunot-noong sumilip si Vivoree sa labas ng bahay at doon nga ay naaninagan niya ang isang kotse at may isang lalaki na nakasandal dito na may hawak ding cellphone. Vivoree ended the call and take her steps out of the house. "Vitto?"

"Lagi kang gulat na gulat kapag nakikita ako." Panimula ni Vitto. "Let's go. May pupuntahan pa tayo."

Hindi na nagdalawang-isip si Vivoree at sumama na lang kay Vitto. She trusted him at alam naman niya na wala itong gagawing masama sa kanya.

"Anong nangyari sa inyo ni CK kanina?" Binasag ni Vitto ang katahimikan nang magsimula siyang magtanong.

Napaisip naman si Vivoree. "Wala naman. Pero kanina, bigla na lang siyang umalis. Di man lang nagsabi."

"Nag-away ba kayo?"

Nilingon ng dalaga ang seryosong nagdadrive na si Vitto. "Ano sa tingin mo? May pa-flowers pa kasing nalalaman." Ayaw man niyang palabasin na sinisisi niya si Vitto, ganoon pa rin ang naging tono ng pananalita niya.

"Bukod dun. May pinag-awayan pa ba kayo?"

Hindi kaagad nakasagot si Vivoree. Wala naman siyang natatandaan na pinag-awayan nila kanina ni CK kung hindi iyong tungkol lang naman kay Vitto. Nagulat na nga lang siya na bigla na lang itong nawala habang nag-uusap sila ni JC. "Ah, nagkita kami nung kababata ko kanina," halos pabulong na ang mga salitang iyon pero sapat na para marinig ito ni Vitto.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon