SH | 43

602 23 33
                                    

Third Person's POV

Maagang pumasok sa opisina si CK, naunahan pa niya ang mga empleyado niya kaya naman ang uminit na naman ang ulo niya. Nitong mga nakaraang taon ay malaki ang pinagbago ng pag-uugali niya. Hindi na siya ang CK na nakilala noon na laging masaya at nakatawa, ibang-iba na ang pinapakita niya ngayon. Mas madalas na siyang seryoso at galit ngayon lalo na kapag may mg empleyado siyang hindi nakakasunod sa pinag-uutos niya. Simula ng maging siya ang CEO ng Manalad Enterprise ay naging perfectionist siya sa lahat ng bagay. Ayaw niya na may nagkakamali, ayaw niya na nasasayang ang oras niya. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa nakaraan.

Naupo na siya sa kanyang swivel chair, muli na naman niyang nahagip ang larawan ni Vivoree. Sa sandaling iyon ay napawi ang init ng ulo niya. Her girl, even in this picture, still can make him calm.

Lumapit siya sa intercom na nakadirekta sa lamesa ng kanyang secretary. “Give me the reports now.” He pause for a while. “I need the revise reports. Now.”

Makalipas ang sampung minuto ay may kumatok na sa pintuan ng kanyang opisina, it's his secretary. Kabadong-kabado ito na humahakbang palapit sa kanyang boss. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga papel na kulang na lang ay malukot na ito. “G-good morning—”

CK cut her off. “Before you greet me a good morning, make sure first na maganda yang reports na ipapasa mo. Dahil kung hindi, this will be the last time na babatiin mo ko.”

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ng secretary, hindi niya halos magalaw ang kanyang katawan.

“What? Give me the papers now!” Sigaw ni CK dahilan para magulat ang kinakabahang secretary kaya naman nahulog sa sahig ang ilang papel. “Ugh. Ano bang katangahan yan!” CK massage the bridge of his nose trying to calm himself.

Mangiyak-ngiyak na ang batang secretary habang isa-isang pinupulot ang mga papel na nahulog niya kanina. Humihikbi siya at hindi na halos nagsasalita. Palihim niyang hinahanda ang sarili sa mga masasakit na salitang ibabato sa kanya ni CK. Bago siya pumasok sa trabahong ito ay marami na siyang naririnig na kung ano-anong negative traits ni CK, pero sinabi niya sa sarili niya na kaya niya itong pakisamahan. Pero dalawang linggo pa lang siya dito ay parang gusto na niyang sumuko.

“S-sorry sir—”

“Sorry? Alam mo, kung lahat ng pagkakamali madadaan lang sa sorry, sino pa ang gagawa ng tama?”

Muling bumukas ang pintuan at ang pinsan niyang si Brian naman ang pumasok. Nakita nito ang senaryo at alam na niya kung ano ang nangyayari. Nilapitan niya ang  secretary ng pinsan at tinulungan ito na magpulot ng mga papel. “Fix that first. Bumalik ka na lang mamaya.” Aniya kaya naman dali-dali nang naglakad palabas ang dalaga. Binalingan niya ng tingin ang pinsan. “Ano na naman yun? Ang aga-aga ang init na ng ulo mo.”

“Bri, sino bang hindi? Ilang araw na nilang ginagawa yung reports na yun hanggang ngayon hindi pa rin maayos. Ilang revisions pa ba? Parang kulang na lang ako na lang gumawa, e.” He hissed.

Naupo si Brian sa couch at napadekwatro pa. “There's no such thing as perfect, Kie.”

“There is, Brian. Kung gagamitin nila mga utak nila, magagawa nila ng maayos yan sa isang upuan lang.”

“Well, hindi kasi sila kagaya mo.”

“What do you mean?”

Kumuha ng magazine si Brian at nagpalipat-lipat ng pahina. “They have a life. May mga pamilya sila na inuuwian, inaasikaso at inaalagaan. May mga kaibigan sila na nag-aaya sa kanila na gumala or something. Hindi kagaya mo, dito lang sa apat na sulok ng opisina mo umiikot ang mundo mo, e. Kaya kayang-kaya mo gawin ang reports na yan sa isang upuan.”

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon