Third Person's POVMabilis ang naging pagtakbo ni Vivoree. At sa bawat pagtapak ng mga paa niya sa corridor ay siyang pagpatak ng kanyang mga luha. She don't mind kung sino ang mga nakakasalubong niya. Wala na rin siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa kanya. Ang importante sa kanya sa mga oras na ito ay ang makalayo.
Sa kagustuhan niyang makalayo ay nabunggo niya si CK. Walang pag-aalinlangan siya nitong niyakap. “V?” Hindi sumagot ang dalaga. Tanging mga hikbi labg niya ang naririnig ng binata. Kaya minabuti ni CK na ilayo siya sa maraming tao gaya ng kagustuhan nito. Dinala niya si Vivoree sa loob ng kanilang newsroom. She's safe here. They're safe here. He locked the door and makes sure na walang nakakita sa kanila nang pumasok dito. “What happened?” Nag-aalala niyang tanong sa dalaga.
Nakaupo si Vivoree sa sofa habang si CK naman ay nakaluhod upang maging kalevel niya ang mata ng dalaga. He gently wiped her tears away using his thumb.
“I should be mad.” Sa sinabing ito ni CK ay napatingin sa kanya si Vivoree. “Galit dapat ako sayo dahil magkasama na naman kayo ni Vitto. Hindi lang tayo nagkaayos kagabi, sinundo ka na niya sa bahay niyo. And you know what breaks my heart more? He can hold your hand in front of everyone. Isang bagay na hindi ko magawa. Pero siya, siya na hindi ko naman alam kung ano ba ang relasyon sayo, nagagawa niya.” May halong pait ang tono ng boses ni CK habang sinasabi ang mga salitang yon. “But then, nakita kitang umiiyak. And I realized, hindi ko pala kayang magalit sayo. Hindi kita matiis.”
A sweet smile escaped from Vivoree's lips. “Thank you,” she mouthed.
Tumayo na si CK at bigla na lang nagsimulang tanggalin ang butones ng kanyang polo. Napatakip bigla si Vivoree sa mga mata niya at iniwas ang tingin kay CK. “Huy, anong ginagawa mo?”
A playful smile drawn on CK's face. Pansin-pansin niya ang pamumula ng pisngi ni Vivoree nang dahil lang sa ginawa niya. His heart flutters when he found out na ganito pala ang epekto niya kay Vivoree.
“Magpapalit ng damit? Niyakap mo ko kanina. Nalipat tuloy sa damit ko yung stain ng uniform mo.” Pabirong sagot ni CK.
“Eh, dun ka magpalit. Wag dito!” Hindi pa rin inaalis ni Vivoree ang kamay niyang nakatakip sa mga mata niya.
CK bursted into laughter. “Sus. Makikita mo din naman to, e.” He teased. Nag-eenjoy siyang asarin si Vivoree. He enjoyed every little expression on Vivoree's angelic face.
“Tsaka mo na ipakita sakin kapag may ipagmamalaki ka na!” Dagdag pa ni Vivoree habang hindi pa rin magawang alisin ang kamay niya.
And the game begins. Nakikipag-asaran na rin si Vivoree sa binata pero hindi iyon ang naging dating kay CK. He feels like hinahamon siya ng dalaga kaya he take a few steps palapit kay Vivoree. There are three buttons left unbuttoned on his polo shirt. “Why don't you open your eyes, V? Take a look.” Panghahamon nito sa dalaga.
“Ayokong ma-disappoint.” Simpleng sagot ni Vivoree.
CK just shook his head. Kahit pa siya ang unang nang-asar, sa huli siya pa rin ang laging natatalo. How can her girl can switch his mood upside down.
Lumapit siya kay Vivoree at pinisil ang tungki ng ilong nito bago ginulo ang buhok ng dalaga. “Tsk. Wait for your friend. I called her para dalhan ka ng damit pampalit. You still smell like chicken curry.”
Finally ay tinanggal na ni Vivoree ang kamay na nakatakip sa mga mata niya at hinarap si CK. Pero pagharap niya ay biglang nag-flash ang camera ng cellphone ng binata. He likes the taking pictures of her. He likes treasuring every moment with the girl he love.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."