SH | 46

631 20 11
                                    


Third Person's POV

Matamlay na binalikan ni CK ang mga kaibigan at masigla naman siyang sinalubong ni Rayt. Kahit pa mababakas sa mukha at aura ni CK ang kalungkutan ay hindi niya ito gustong ipahalata sa mga kaibigan. He's aware of all the troubles he brought when he's drunk and gets into fight when he misses Vivoree.

“Broskie, she's back!” Ito ang masayang salubong ni Rayt sa matalik na kaibigan at may pagtapik pa sa balikat.

Nanlaki ang mga mata ni CK at hindi makapaniwala sa mga naririnig niya. Iyon ba talaga ang narinig niya o sadyang iyon lang talaga ang gusto niyang marinig after seeing Niña.

“Yes bro, she's here.” Nilapitan ni Ryle si CK at inakbayan pa. “After what, five years? Nagbalik na ulit siya.”

“Y-you saw her too?” Nauutal at halos hindi makahingang tanong ni CK. Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. “Nakita niyo siya?” Ulit niyang tanong.

Napakamot sa kanyang batok si Paulo. “Yes Kie, we saw her.” He paused for a while, tap CK's shoulder. “Nakita namin siya.”

“At hindi lang basta nakita, Kie, we got to talk to her. Kaso busy daw siya kaya kailangan na niya umalis. Sayang di mo naabutan.” Pagkukwento naman ni Maru.

“Nakausap niyo? Nakilala niya kayo?” Bakas ang buong pagtataka sa mukha at sa boses ng binata.

Kumunot naman ang noo ng magkakaibigan at parepareho ang naging reaksyon sa tanong na iyon ni CK.

“Bakit naman niya kami di makikilala?” Naguguluhang tanong ni Zeus na napaangat ng tingin sa kanyang cellphone. “We used to be one of her friends back in college.” Dagdag pa niya.

“S-she...” Muling nanlambot ang mga tuhod ni CK nang muli niyang alalahanin ang mga nangyari kanina nang makita niya si Niña. Bumalik sa isipan niya ang eksenang pinipilit ng dalaga na hindi siya nito kilala at para bang natatakot pa ito. “I saw her kanina. I talked to her, pero...”

“Pero?” The boys are all eager to hear CK's story. All eyes and ears on him.

“She insisted that she doesn't know me. Natatakot siya nung lapitan ko siya.” Pagtutuloy ni CK sa kanyang kwento. Tears started to form on his eyes.

“Natakot siya?” Naguguluhang tanong ni Rayt. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni CK. “Bakit? Anong reason?”

Inakbayan ni Maru ang kaibigang si Rayt, “Brad, way back five years ago, kung ako yung nandun sa sitwasyon na yun, matatakot din ako na makipagkita ulit kay CK no.” May halong pagbibiro sa tono ng binata.

“She walked away...” Kasabay ng pagpikit ng mata ni CK ay ang pag-alaala niya sa kung paano hinawakan ni Niña ang kamay ni Kid at pinilit itong ilayo sa kanya. “from me.”

“Why would Cath do that?” Maging si Vitto ay naguluhan na rin kaya naman kung kanina ay nakikinig lang siya sa usapan, ngayon ay nagsalita na siya.

“Cath?” Di makapaniwalang tanong ni CK. Nanlaki ang mga mata niya. “All this time you're all talking about Cath?”

Napasapo sa kanyang noo itong si Paulo. “May iba ba tayong pinag-uusapan?” Isa-isa niyang tinignan ang mga kaibigan. “Lasing ba kayo?”

Napakuyom ang kamao ni CK. He bit his lower lip.

“Kie, san ka pupunta?” Hindi na nahabol pa ni Maru ang kaibigan dahil mabilis itong nakalabas ng bahay.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon