Third Person's POV
“Vivoree!”
Hindi malaman ni Rayt ang gagawin niya nang makita ang kalagayan ngayon ng ngayon ay walang malay na si Vivoree.
Nagpalinga-linga siya sa paligid, naghahanap ng kahit anong pwedeng ipantakip sa katawan ng dalaga dahil basang-basa ito at sira-sira ang damit dahil sa kagagawan nina Chienna.
He was about to unbutton his polo shirt when JC came and land his fist on Rayt's face. “Loko ka ah! Anong ginawa mo kay Vive?” Galit nitong tanong. Hinawakan pa niya sa kwelyo ang binata dahilan para mapatayo ito at tsaka niya isinandal sa pader.
“Huh? I'm just being a friend here. Nakita ko siya na ganyan na, and I just want to help her. Tapos ako pa masama?” Rayt explained himself but it seems like JC won't give a damn believing him.
“Ano akala mo sakin tanga? Hindi mo ko mapapaniwala.” Hinawi ni JC si Rayt at itinulak pa ito. Nilapitan niya si Vivoree at binuhat ito para dalhin sa kanyang sasakyan, leaving Rayt alone inside the girl's restroom.
Habang naglalakad patungong parking lot ay nakasalubong sila ni Kate. “JC?” Laking gulat nito nang makita ang kalagayan ni Vivoree na nasa mga bisig ni JC ngayon at walang malay. “Anong nangyari?”
“Kate, just... Just get in the car. Hindi ko rin alam kung paano ieexplain ito.”
Hindi na nagsayang ng oras sina Kate at JC. Dahan-dahan nilang pinasok si Vivoree sa loob ng kotse at tsaka nagmaneho patungo sa bahay nina JC.
Nang makarating na sila sa bahay ay agad na inakyat ni JC ang dalaga sa kanilang guestroom. He gently laid Vivoree on the soft bed. “Hmm...” Namulat ng bahagya ang mga mata ng dalaga. “Charles...” And before she shut her eyes off, pangalan ni CK ang huling lumabas sa bibig niya. Making JC a bit angry.
“Kate, magpapapunta ako ng maid dito, tulungan mo na lang siya sa pag-asikaso kay Vive.”
“Teka, aalis ka?”
“May kailangan lang akong kausapin.” Naging seryoso ang kanyang mukha. “May kailangan lang akong pagbayarin.”
“JC!”
Hindi na napigilan ni Kate ang binata. Nagdirediretso na ito sa paglabas ng kwarto. And after a while ay dumating na rin naman ang isang babae at pinagtulungan nilang linisan at bihisan si Vivoree.
*
“Ah. Sakit non ah. Solid.” Nanatili pa rin si Rayt sa loob ng restroom at pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Paulit-ulit niyang kinakapa ang gilid ng kanyang labi na siyang napuruhan sa malakas na suntok ni JC kanina. “Ako na nga tumulong, ako pa masama.” Reklamo pa niya. Walang tao ngayon sa corridor dahil lahat ay nasa classroom para sa kanilang klase. “Ikaw naman kasi Rayt, nag-iisip ka ba? Tsk.” Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay sa ere at napailing na lang. “Teka nga, bakit ko ba kinakausap sarili ko? Hay.”
Hindi na bumalik si Rayt sa kanilang classroom. He stayed on the gazebo. Pinaikot-ikot niya ang kanyang cellphone sa kanyang kamay. Inaalala pa rin ang nakitang kalagayan ni Vivoree kanina. “Hindi siya basta-basta nawalan lang ng malay. Someone tripped on her.” Muli niyang kausap sa sarili. Pinagninilayan ang mga posibleng nangyari bago niya makita si Vivoree.
“Oh bro, nandito ka pala!” Bati ni Maru nang makarating sa gazebo at naabutan ang tulalang si Rayt. “Cutting classes at it's finest, huh?” Pang-aasar pa nito.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."