SH | 13

962 30 19
                                    


Third Person's POV

Magkasamang pumasok sa kanilang paaralan sina Vivoree at CK. Habang naglalakad ay magkahawak ang kanilang mga kamay na nakakuha ng atensyon mula sa mga kapwa nila estudyante na kanilang nakakasalubong.

Halos ibaon na ni Vivoree ang kanyang mukha sa likod ni CK dahil sa hiya na kanyang nararamdaman. Naririnig niya rin ang mga bulung-bulungan ng ilan tungkol sa kanila.

At sa bawat paghakbang nilang dalawa ay mas hinihigpitan ni CK ang kapit niya sa kamay ni Vivoree. “Sabi nga dun sa pinapanood kong teleserye, love is about taking risk.” Anito.

“Is this risk work taking for?” May pag-aalalang tanong ng dalaga. Bakas sa kanyang mga mata ang takot at pag-aalinlangan. “Is this fight worth fighting for?”

“V, happily ever after doesn't come easy. But for you, it's always worth the fight.” He looked at Vivoree's eyes and cupped her face. “Walang madaling laban, pero dahil ikaw ang ipinaglalaban ko, mas magiging matapang at malakas ako.”

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Vivoree. Bago muling humakbang ay siya na mismo ang naghigpit sa pagkakahawak sa kamay ng binata. Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata upang hindi na makita pa ang mga taong nakatingin sa kanila.

“You don't have to close your eyes, V.”

Sa kanilang paglalakad sa quadrangle ay nakasalubong nila ang mga kaibigan ni Chienna. Agad na napako ang tingin nila sa magkahawak na kamay nina CK at Vivoree.

“Oh my! What is the meaning of this?” Nanlaki ang mga matang tanong ni Mikee.

Agad na lumapit si Dawn kay CK at kinompronta ito. “Ano to, CK? Pinagtataksilan mo si Chienna?”

“How dare you?” Sigaw naman ni Krissha. “Bakit mo ginagawa sa friend namin ito ha?”

“Cheater.” Ani Mica.

“Hey girls—oh!” Pagdating ni Maru ay binati niya agad sina Mica at nang hindi siya nito pansinin ay dumapo na rin ang tingin niya sa kamay ng kaibigang si CK at ni Vivoree na magkahawak. “Kayong dalawa, bawal PDA campus.” Pumagitna pa ito sa dalawa at pinaghiwalay ang mga kamay nito. Inakbayan niya sina CK at Vivoree. “Let's go.”

Naiwan sa gitna ng quadrangle sina Dawn na walang ibang nagawa kung hindi ang tanawin na lang ang unti-unting paglayo nina CK at Vivoree kasama si Maru.

“Vivoree, mauna ka na sa classroom, okay? May pag-uusapan lang kami nila Zeus.” Ani Maru habang marahang inaalalayan si Vivoree palayo kay CK.

Habang nakatalikod ang dalaga ay pumasok na sa loob ng boys' confort room sina Maru at CK kung saan sa loob ay naghihintay sina Zeus, Ryle, Rayt, Paulo at Vitto.

Makalipas ang sampung minuto ay hindi mapakali si Vivoree kaya minabuti niyang bumalik sa confort room kung saan nandoon sina CK. Idinikit niya ang kanyang tainga sa pinto, umaasang may maririnig siya. Paiba-iba ang ginagawa niyang posisyon ngunit walang pagbabago, wala pa rin siyang marinig.

After another five minutes, the door opens and it brings out CK. Nagpanic si Vivoree at hindi na alam kung saan pa siya magtatago. Huli na ang lahat dahil nakita siya ni CK at hinawakan siya sa kamay upang pigilan sa tangkang pag-alis.

“V? Anong ginagawa mo dito?” Inosenteng tanong ni CK na kunwari ay walang ideya kung bakit nadatnan niya si Vivoree sa tapat ng pinto.

“Huh? Ah. Ano. Ah...” Palinga-linga si Vivoree, naghahanap ng maaaring idahilan. “Mag-ano kasi, mag-cr din sana ako.”

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon